Sa Pembo
Squatters Area
Guadalupe, 10 PMRihanna : Dito na lang ako magpa-park. Nako talaga. Ang hirap grabe! (Madalas mag park si Rihanna ng kanyang Toyota Vios na Grey sa gilid ng basketball court. May kalayuan ito sa bahay na kanyang tinitirhan)
Isang informal settler si Rihanna kasama ang kanyang kapatid na si Ryan na suma-sideline bilang construction worker. Nagrereklamo siya kasi makipot ang daan. Hirap siya mag-park.
Pinatay na ni Rihanna ang makina ng sasakyan. Sinigurado niya na maayos ang pagkakapark ng kotse at walang gasgas ang bawat parte sa loob at labas. Pero panatag naman siya kasi sinasabihan niya ang mga tambay sa kanto na silip - silipin ang kotse nito sa madaling araw tapos inaabutan na lang niya ang mga ito ng kung magkano.
Mahirap na baka kapag di niya ginawa na mangontrata. Baka hiwa-hiwalay na ang bawat parte ng sasakyan niya. Hindi pa nga niya ito tapos bayaran.
Habang naglalakad si Rihanna sa court papuntang eskinita. May mga magkukumare na nagkukumpulan sa tindahan ng Barbi-Q. Halatang siya ang pinag-uusapan. Obvious naman eh ... kasi nagbubulungan tapos sinusundan pa siya ng tingin.
Alam ni Rihanna na siya lagi ang usapan sa lugar na iyon. Hindi na lang niya pinapatulan. Ayaw niya ng gulo. Mahirap kalaban ang mga taong laking squatter. Kaya lagi siyang nakayuko kapag umuuwi at dumadaan sa eskinita papunta sa kanyang bahay. Iniiwasan na magkaroon ng eye contact sa mga tao sa paligid.
Kumare 1 : Bakit kasi nagkotse pa?! Pwede naman bahay muna unahin? Wala nga siya maparkingan ng maayos. (Bulong sa Kumare 2)
Kumare 2 : Ano ka ba? Nagpapanggap na mayaman yan. Nakikipagsabayan sa mga katrabaho niya. Tignan mo mga gamit puro branded. Tapos yung kapatid naman niya halos wala na makain. Masyado kasi siyang maluho. Kawawa nga eh. (Sabay tapik kay Kumare 3)
Kumare 3 : Balita ko nga escort girl yan dati. Kaso humina ang benta. Maganda nga katawan kaso ang chaka, Bes. (Tumaas kilay ng nakalagpas na sa kanila si Rihanna)
Kumare 4 : Baka marinig kayo. Hinay hinay sa pag-uusap ... tignan niyo yung kapatid papalapit na rito. (Ngumuso sa direksyon ni Ryan)
Ryan : Ale, pabili po ng Isaw. Mga 6 na piraso. (Tumingin sa girlfriend) Ano pa gusto mong ulam? (Hindi sumagot ang kasamang babae, binaling ang tingin sa Kumare 1) Magkano po lahat?
Kumare 1 : 120 pesos lahat. Ano sawsawan mo maanghang? (Nag-umpisa na itong mag-ihaw, habang ang ibang kasama ay pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Kumare 1)
Ryan : Opo. Yung maanghang. (Bigla nagtanong) Siyanga pala Ale? Napansin niyo po ba na dumaan na yung Ate ko? (Tanong niya kay Kumare 1 pero si Kumare 2 ang sumagot)
Kumare 2 : Ah oo. Halos magkasabay lang kayo. Ang bilis niya maglakad kaya di mo siguro napansin. (Sagot nito)
Ryan : Ganon ho ba?? (Tumingin sa Kumare 2) Padagdag po ng dalawang isaw pa. Baka kulangin ulam namin. (Inutusan ang girlfriend) Babe, bili ka muna isang kilong bigas dun sa Tindahan. (Nag-abot ng pera)
Pagkaalis ng girlfriend. Bigla nag usisa ang ibang kumare.
Kumare 3 : Iho, huwag ka ma-oofend ha. Bakit di kayo magkamukha ng Ate mo? Tisoy ka kasi. Maputi. May itsura ka naman. Maayos pa katawan. Halatang banat sa construction. Kapag naayusan ka eh gwapo ka. Samantalang kapatid mo. Kahit anong ayos ganun pa rin. Chaka! (Kwento nito)
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...