Reunited

13 2 2
                                    

Sa Burger King
Marcos Hi-way
3PM

Nagdecide muna ang magkasintahan na kumain sa fastfood kasi kanina pa sila walang kain. Nagsilbi na nga itong almusal, tanghalian at meryenda. Naghahanap ng tamang tyempo si Ryan para masabi ang lahat kay Justin.

Justin : (Nagsimula ng kainin ang double patty na burger) Oh? Ayaw mo pa kumain? Sayang naman baka biglang lumamig yung burger hindi na masarap yan. (Pagpuna nito sa pagkain ni Ryan)

Ryan : (Sinimulan na rin niyang kainin ang order na burger) Sarap pala nito. (Natigilan saglit) Tungkol dun sa tanong mo kung bakit kami naghiwalay ni Mildred ay dahil ..... (ayaw niya maging unfair rito, sasabihin na niya ang totoo) Binayaran ako ni Mam Katy at Sir Arthur for s*x. Ginawa ko yan para may mapakain sa pamilya ko pero pinagsisihan ko na yun. Isa akong ama na iniisip kung paano makakain ang anak ko sa pang araw-araw. (Hinintay ang magiging reaksyon ni Justin)

Justin : Okay, Thank you for letting me know. I appreciate it. (Humigop ng softdrinks)

Ryan : Teka ... Hindi ka galit? Bakit? Ibig kong sabihin parang wala lang sayo? (Laking pagtataka nito)

Justin : Unfair naman kung magagalit ako sayo tapos sakin hindi. Grabe rin mga pinagagawa ko noon bago pa tayo magkakilala Ryan. Alam mo naman na kung kani-kanino ako nakikipags*x. Yung mental issues ka na hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kalibugan pero nasaan ako ngayon, eto kasama ka. Tinanggap mo ko ng buong-buo regardless sa past ko. Inayos mo ang pagkatao ko. Naintindihan kita. Don't worry walang nagbago sa pagmamahal ko sayo. (Ngumiti lang ito at pinagmasdan na kumain si Ryan) May habilin pala sakin si Daddy, kailangan na nating lumipat sa bahay niya dun sa Greenpark village para mabantayan ko rin ang lola ko. Okay lang ba sayo na pumunta tayo pagkatapos natin dito?

Ryan : (Nasamid siya bigla sa sinabi ni Justin) Seryoso ba? Lilipat na agad-agad? Napamahal na kasi ako dun sa tinitirhan natin sa Pembo? Gusto mo na talaga lumipat?

Justin : Yes ... kasi kailangan kong bantayan ang lola ko. Mga bilin sakin ni Daddy. (Sagot nito)

Ryan : After kong kainin ito. Punta na tayo. (Nakahanap na siya ng tyempo na sabihin kay Justin ang pag-uusap nila ni Niel) Si Niel pala ang tumawag sakin kanina. (Tinignan ang reaksyon ni Justin)

Justin : (Poker face, sakto lang parang di naman siya nagulat) Bakit raw?

Ryan : Pinapasabi niya na kontakin mo raw siya. Namatay na raw si Angela dahil sa Stage 4 Cancer at si Ezekiel naman dahil sa murder. Ano plano mong gawin ngayon? Kahit five years na di kayo nagkikita may pinagsamahan pa rin naman kayo. Makikipagkita ka ba sa kanila? (Paliwanag nito)

Justin : I'm not closing doors naman with them Ryan. Its just that I also have my own battles na dapat ko rin ayusin. Give me time and I will talk to Niel. I really hope you could respect my decision as well. (Diretsong sagot nito)

Ryan : Okay sige. (Inubos na ang drink para makapagready papunta sa bahay ng Daddy ni Justin)

........

Sa Bahay ni Mang Ronald
Greenpark Village
4PM

Nakapark si Ryan sa tapat ng gate habang pinagmamasdan si Justin na para bang nagdadalawang isip na mag-doorbell.

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon