Room 418
Makati Medical City
1PMMamayang 3Pm ay ililipat na sa Department of Pyschiatry si Mama Mia, may mga sini-settle lang na payments si Kuya Arthur sa may Cashier.
📱Ate Katy : Hello Arthur, after mo magbayad ng bills, daan ka naman sa cafeteria bili ka ng meryenda. Ewan ko ba ... itong pagbubuntis ko lagi akong nagugutom. (Request sa asawa)
📱Kuya Arthur : Sige. Tiis-tiis muna, medyo napahaba ang pila dito eh. (Pero nagtaka siya kasi biglang binaba ni Ate Katy ang tawag. Nagdecide siya na umalis na muna sa pila at bumili ng pagkain para sa asawa)
Kaya naman pala binaba ni Ate Katy ang tawag kasi nakita niyang nagising na si Mama Mia sa mahabang pagkakatulog, epekto na rin ng gamot na tinurok sa kanya ng Doctor. Agad na nilapitan ito ni Ate Katy.
Ate Katy : Ma, Kamusta? (Inayos ang buhok ng kanyang ina) Ano nararamdaman mo ngayon? Okay ka lang ba? (Nagtataka siya kasi hindi ito sumasagot)
Mama Mia : (Matagal niyang tinitignan si Ate Katy pero hindi niya talaga ito matandaan) Sino ka? (Kumunot ang noo) Nasaan ako? (Nilibot ang mata) Anong nangyari sakin?
Ate Katy : (Umupo ito sa gilid ng hospital bed) Ma, nasa hospital ka. (Hindi niya sinabi ang totoong sitwasyon ng kanyang ina) Under medication ka lang pero ... don't worry gagaling ka.
Mama Mia : (Tinulak si Ate Katy papalayo sa kanya) Umalis ka, huwag mo ko tabihan. Hindi kita kilala. (Pilit na bumangon)
Ate Katy : Ma, dito ka muna. Saan ka ba pupunta? (Pinigilan ito, pinilit na tawagin ang Nurse) Nurse? Nurse! (Pero sarado kasi ang private room kaya hindi siya marinig)
Mama Mia : (Sinabunutan ang anak na ayaw lumayo sa kanya) Sabi ng hindi kita kilala. (Hinigpitan pa ang sabunot) Lumayo ka sakin! (Gigil na gigil siya kay Ate Katy)
Ate Katy : (Nahulog mula sa hospital bed) Aray ko Ma! (Pilit na inaalis ang kamay ng kanyang ina sa buhok niya, mas lalong nanggigil si Mama Mia, niyugyog pa ang ulo nito habang sinasabunutan siya) Ma, please. Bitawan mo ko. (Naramdaman na sumakit ang tiyan dahil sa impact ng pagkabagsak niya sa sahig) Aray! Yung tiyan ko! (Naiyak ito)
Bigla naman dumating si Kuya Arthur na may dalang meryenda kaso nabitawan niya ito at nagkalat sa sahig ang pagkain ng makita ang nangyayari sa dalawa. Napansin niyang may dugo na sa sahig. Inawat ang mag-ina. Nagsisigaw na rin si Kuya Arthur para tawagin ang Nurse.
Kuya Arthur : Ma, bitawan mo si Katy. Ano ka ba Ma? (Pilit na inaalis ang kamay ni Mama Mia sa buhok ni Ate Katy)
Mama Mia : Mga demonyo kayo! Nasa impyerno na ba ko?! Layuan niyo ko mga masasamang nilalang!!! (Agad na dumating ang Nurse at tinurukan ito ng pampakalma, bigla naman itong natahimik, nakaramdam ng hilo at nakaidlip muli)
Ate Katy : (Umiiyak na nasa sahig) Arthur, ang anak ko. (Nakita ang agos ng dugo mula sa kanyang hita hanggang sa sahig) Ang anak ko, wala na Arthur! (Niyakap ang asawa)
........
Room 218
Makati Medical City
4PM
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...