Sa Inuupahang Kwarto ni Brendon
Greenpark Village
7PMPumasok na ng gate si Mang Ronald pagkaalis ni Anton, tinignan ang kwarto kung nasaan si Brendon. Kung dati rati ay lagi niyang sinisilip ang kanyang binatang renter, ngayon ay tila bigla nagbago ang lahat.
Nakikita niya kasi kay Brendon si Justin. Ang kanyang anak na hindi nasilayan. Labis na siyang nagsisisi pero huli na nga ba ang lahat para matanggap siya ni Justin?
Tumuloy na si Mang Ronald sa kanyang bahay. Oras na para asikasuhin ang kanyang ina na may katandaan na. Napapaisip si Mang Ronald kung dapat na ba niyang ipagpatuloy ang tinalikuran na career bilang isang abogado. Para nga naman may maipagmalaki siya sa anak niya kung sakali man na magharap sila. Pero kaya pa ba niya? Sa tagal ba naman na hindi niya nagamit ang kanyang profession eh mukhang kinakalawang na siya.
Mang Ronald : Nay, kain na tayo. Nakahain na sa mesa ang pagkain. (Inakyat ang kanyang ina na nasa kwarto para alalayan itong bumaba)
Samantala sa may gate ay naka-park na si Niel. Sinigurado niya kung tama ba yung address na binigay sa kanya ni Lester. Mukhang hindi naman siya nagkamali kasi nakita naman niya ang mga landmarks sa lugar na yun. Bumaba na siya sa kanyang sasakyan. Lumapit sa may gate at pipindutin na ang doorbell ng biglang lumabas si Alfred.
Alfred : (Nagulat sa nakita) Hello po. (Tanda niya si Niel sa party ni Gayle) Ahm, nakaalis na po si Kuya Anton ... siguro mga 30 minutes na ang nakalipas. (Nagtataka ito kasi parang isa-isa ng nagiging involve sa buhay ng kanyang Kuya Brendon ang mga Elite)
Niel : (Napangiti ito) Ah ... okay lang, hindi naman si Anton ang sinadya ko. Si Brendon. Mukhang tama nga ako ng napuntahang bahay. Ikaw yung kapatid niya diba? (Inabot ang biniling isang bucket ng chickenjoy bilang pasalubong)
Alfred : (Natuwa ito) Wow! Bibili sana ako ng ulam namin para sa hapunan mukhang hindi na kailangan. Nakakahiya pero hindi ko ito tatanggihan Sir.
Niel : Kuya Niel na lang. No worries para sayo talaga yan. Hmmm ... can I speak with Brendon? Would that be okay? (Paalam nito)
Alfred : Ah eh ... Kuya Niel, sa akin okay lang, kaso parang wala sa mood si Kuya Brendon eh ... gusto mo ipaalam ko muna? Ayoko kasi mag-decide ng ako lang. (Sagot nito na medyo nagdadalawang isip)
Niel : Sure. Go ahead. Hintayin kita rito. I'm willing to wait. (Sinundan ng tingin si Alfred pabalik sa inuupahan. Ilang sandali pa ay lumabas na si Alfred)
Alfred : Kuya Niel, okay lang daw kaso baka maasiwa ka sa lugar namin ha. Pagpasensiyahan mo na. (Inaya na si Niel sa loob) Tara pasok kayo.
Niel : Salamat. Ikaw naman ang dami mong inhibitions Alfred. Huwag mo ko alalahanin ... I'm very much okay. (Sinundan na si Alfred papasok sa loob)
Isang maliit na pintuan. Isang bintana. Isang double-deck. isang lamesa na de-tupi. Mga nakasabit na damit. Masikip. Kulob. Mainit. Iyan ang bumungad kay Niel ng makita ang inuupahan ni Brendon.
Nakita niya si Brendon na nakaboxer shorts at may cast ang paa. Nakaupo lang ito sa gilid ng kama at inuumpisahan na palang kainin ang dala niyang pasalubong na Chickenjoy. Napangiti si Niel sa nakita. Naappreciate ni Brendon ang dala niya.
Brendon : Kain. (Pinapapak ang legpart ng manok. Pag-aya niya kay Niel na nakita sa labas ng pintuan, habang si Alfred naman ay umupo sa sahig at nagsimula ng kumain, yung tipong mas marami yung kanin kesa sa ulam niya).
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...