Choices

27 3 12
                                    

Quezon Avenue
Going to Ortigas
10AM

Dennis : Yah ... I'm on my way. (May kausap sa cellphone habang nagda-drive) Naiinip na ba mga photographers? Sabihin mo ... maghintay sila... alangan naman ako maghintay sa kanila. Ano yun nauna pa ang model kaysa sa photgrapher? Shit! (Binaba ang tawag at nayamot dahil sobrang traffic sa EDSA) Kailangan ko mag detour .... Hmmmmm .... saan ba ko pwedeng lumiko? (Bigla siyang nag left turn para makaiwas sa traffic)

Si Dennis, isa sa mga schoolmate ni Justin nung college at isa sa member ng Elite. Dennis is meticulous when it comes to his looks. Siyempre, puhunan niya yun eh. He has the awra of Jericho Rosales, nagkaiba lang sa buhok, maganda ang bagsak ng kanyang buhok, hati ito sa gitna.

Maraming billboard sa EDSA, Fashion icon. Kabilaang endorsements at projects, Influencer and has millions of followers sa lahat ng kanyang social media accounts. Dennis is successful sa kanyang career. Ano pa nga bang hahanapin niya diba? Nasa kanya na yata ang lahat except sa love. Bakit hanggang ngayon single pa rin siya?

Sa pagmamaneho ni Dennis bigla siyang na out of focus nang tumunog ang cellphone niya, mukhang nanghihingi na ng update ang personal assistant niya na nauna na sa location ng photoshoot. Sakto naman paliko siya. Hindi niya napansin na may pasalubong sa kanya. Although, naka signal lights naman siya pero bumangga pa rin ang kanyang sasakyan.

Billy : F*ck! Stupid driver? Wala man lang busina, hindi ba niya alam na blind spot yung lilikuan niya. (Napabuntong hininga na lang ito) I guess ... kailangan ko ng magpalit ng sasakyan. Una, nasira yung accelerator nito habang papunta kami nila Justin at Chris sa Laguna. Ngayon naman, nabangga. Hays, text ko nga muna si Chris na baka maya-maya ako makarating sa office. (Pagkatext niya kay Chris ay bumaba na ito sa kanyang sasakyan para kausapin ang driver na bumangga sa kanya)

Dennis : (Bumaba na rin si Dennis at nagtanggal ito ng shades) Dude! I'm really sorry. Insured naman yung kotse mo right? Magkano ba kailangan mo? Wait ... okay ba sayo online banking? I can transfer my money right now. (Natataranta ito pero hindi naman sila nakapag cause ng traffic kasi sa residential area sila nagbanggaan, mangilan-ngilan lang ang sasakyan na dumaraan)

Billy : (Namukhaan ito ni Billy, hindi niya napasin ang mga sinabi ni Dennis kasi parang nakita na niya ito somewhere) Wait? Are you Dennis? The Supermodel? Yung friend ni Justin? (Nakita niya ito sa isa sa mga group picture na kasama si Justin, minsan na niya kasing inistalk ang profile ni Justin)

Dennis : (Nagulat siya) Alam mo ... its normal na marecognize ako as a model and as a public figure but what amazes me is that .... how did you know that I'm a friend of Justin?

Billy : Oh .... sorry ... I'm Billy (Inabot ang kamay para makipagshake hands). Kasama ako sa office ni Justin and also one of his friend.

Dennis : Nice! Small world. Akalain mo nga naman ang nabangga ko ay kaibigan pala ng kaibigan ko. By the way, how can I resolve my ... you know .... what you call this ... my stupidity? (Pabiro nito)

Billy : (Napatingin sa nasirang sasakyan) Actually .... huwag na.

Dennis : Dude? Are you serious. (Tinignan si Billy mula ulo hanggang paa) Sabagay ... mukhang hindi mo naman need ng money eh. Parang anytime, kaya mong magpalit ng sasakyan.

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon