Sa Bahay ni Ate Katy
Filinvest, 3AMNagising si Kuya Arthur sa pagkakatulog, paano ba naman kasi si Ate Katy ay dinig na dinig niyang sumusuka sa loob ng banyo. Dahan-dahan na bumangon si Kuya Arthur para silipin ang kalagayan ni Ate Katy.
Kuya Arthur : Anong nangyari sayo? May nakain ka ba? (Kita niya itong nakaupo sa sahig at sumusuka sa may toilet bowl)
Ate Katy : (Teary-eyed dahil sa pagsusuka) Hindi ko alam eh, bigla na lang ako nasuka tapos yung parang uhaw na uhaw. Baka dahil nagsigarilyo ako kanina. Nanibago lang siguro ang katawan ko. (Tumayo na ito para maglinis ng sarili)
Kuya Arthur : Okay. Kuha lang kita ng maiinom sa kusina. You want something to eat like bread? Fruits? (Alok nito)
Ate Katy : Tubig na lang. Kukuha sana ako kaso ... (Natigilan ito, naalala yung nangyari kanina kay Mama Mia)
Kuya Arthur : Kaso? (Nainip siya ang tagal sumagot ni Ate Katy). Alam mo, hayaan mo na. Sige labas na muna ako. (Kinuha niya muna ang yosi sa may side table at dun siya pepwesto sa kanyang favorite spot sa may garden. Plano niya, after niya mag yosi ay tsaka niya iaakyat ang tubig na maiinom ni Ate Katy)
Paglabas ng kwarto ni Kuya Arthur ay napalingon siya sa kwarto ni Justin. Namiss na niya ang kanyang bayaw. Kaso mukhang malabo na yatang magkatotoo ang kanyang matagal ng inaasam-asam. Ang matikman si Justin. Lalo pa sa sitwasyon ngayon. Nagkakagulo na ang pamilya nila.
Pagbaba nito ng kusina ay napasilip siya sa may bintana. Kita kasi dun ang garden at nagtataka siya dahil nakita niya si Mama Mia na may hinuhukay ng madaling araw.
Kuya Arthur : (Sabi sa isip nito) Alas tres ng madaling araw? Naghuhukay? Bakit? (Plano niya sanang lapitan kaso nangibabaw ang takot. Laking probinsiya kasi si Kuya Arthur at kahit modern na ang panahon ngayon ay naniniwala pa rin siya sa mga kulam at mga seremonyas)
Agad na kumuha ito ng tubig at tahimik na umakyat pabalik sa kwarto nilang mag-asawa. Yung hindi siya mapapansin ni Mama Mia. Pagkapasok niya sa kwarto ay nadatnan niya si Ate Katy na nakaayos na sa kama at nakaupo.
Ate Katy : (Nagtaka) Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? (Kinuha ang tubig na bigay ni Kuya Athur)
Kuya Arthur : Okay lang ako. (Minasahe ang ulo) Sabihin mo nga sakin Katy? Hindi ba ko nanaginip ngayon? Am I sleep walking?
Ate Katy : Haaaaa??? Sabog ka ba? Ganito na lang samahan mo ko mamaya kay Angela. Papacheck-up ako. (Humiga na ito pagkainom ng tubig)
Habang si Kuya Arthur naman ay pumunta ng banyo para maghilamos, gusto niyang magising ang kanyang diwa at sana hindi totoo ang nakita niya sa garden.
........
Sa Sunrise Village, Laguna
Bahay ni Christina
3 AM.Namangha si Ryan at Mildred sa laki ng bahay. Nasa loob pa sila ng kotse at pinagmamasdan ang magandang bahay ni Christina. Habang si Rihanna ay nagdo-doorbell.
🔔Ding Dong! 🔔Ding Dong! 🔔Ding Dong!
Christina : (Ang tulog na si Christina ay unang nagising) Edward! Gising! May inaasahan ka bang bisita ng madaling araw?
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...