Private Room
Alabang Events CenterAgad na tumayo si Angela at Gayle mula sa couch ng mabasag ni Dennis ang vase na nasa center table. Tinawag naman ni Niel ang isang staff na nasa labas ng private room para linisin ang nabasag na vase.
Gayle : Dennis! Ano bang nangyayari sayo? (Medyo nairita siya sa naging reaksyon ni Dennis kaya sinampal niya ito para matauhan)
Ezekiel : (Inutusan ang staff na naglilinis ng nabasag na vase upang kumuha ng tubig para kay Justin) Mamaya mo na tapusin yan. Kumuha ka muna ng tubig, yung hindi malamig ha. (Agad naman niyang binatukan si Dennis na katabi niya) Gag* ka talaga! Alam mong hindi pwedeng nagugulat si Justin, pinaggagawa mo?
Dennis : (Pilit na kumalma si Dennis, tinignan ang sitwasyon ni Justin na nagtatantrums) Sorry, nagulat lang ako sa nalaman ko. Hindi ko napigilan sumabog sa galit.
Gayle : That's the point. Kaya nga tayo nandito sa private room para pag-usapan ang nangyari. (Napatingin kay Niel) Umpisahan mo nang magkwento at magpaliwanag samin.
Mabilis naman dumating ang staff na kumuha ng bottled water at inabot ito kay Justin, medyo kumalma na ang lahat. Bumalik sa pagkakaupo si Angela at Gayle sa couch habang si Anton ay nanatiling nakatayo at hinihintay na magsalita si Niel.
Niel : (Wala na siyang choice, lahat naghihintay na magsalita siya) Okay ... Mama Mia did came to my office asking for a favor. (Napabuntong hininga ito) She wants me to get rid off Brendon .... feeling kasi niya na may ibang pakay si Brendon kay Justin. (Natigilan ito ng biglang sumabad si Justin)
Justin : No, hindi ganun. Mali kayo ng pagkakakilala sa kanya ... (Agad naman siyang hinawakan ni Zeke upang huwag muna magsalita at para bigyan ng chance si Niel na magkwento)
Niel : (Nagpatuloy ito) Siyempre ... tumanggi ako nung una. Sabi ko kay Mama Mia ... ayokong makialam, labas na ko sa mga ibang kaibigan ni Justin, pero matigas si Mama Mia, pinipilit niya ang gusto niyang mangyari ... then, I said na pag-isipan ko muna kasi wala naman din akong ideya kay Brendon na sinasabi niya.
Gayle : Si Mama Mia pala ang dahilan ng lahat. (Worried na tinignan si Justin)
Niel : Then, may plano kami mag meet ni Justin sa isang coffeeshop ... sa Zodiac coffee shop to be exact. Pag-uusapan sana namin yung plano niyang concept sa bahay kaso hindi ko naman siya makausap ng maayos, lutang ang isip, tulala. Nakaupo kami sa may outside seating then pumasok siya sa loob to get our orders biglang may group of people na lumapit sa kanya. Grupo nila Brendon. Nag-observe ako. It seems na hindi siya comfortable na magkita sila. Pagbalik niya, I figured out what to do. Maybe there's is really something going on with him and Brendon. Nagpaalam ako na aalis na muna pero ang totoo niyan naghintay lang ako at tumambay sa isang restaurant kung saan abot tanaw ko pa rin si Justin. Dun ko na naisipan ituloy ang favor sakin ni Mama Mia about Brendon, kasi nakita ko si Justin na hindi okay. (Nakaramdam ng guilt feeling)
Unti-unti nang napagtatanto ni Justin ang dahilan ni Niel ng marinig niya ang mga kwento nito.
Niel : Nang makahanap ako ng tyempo. I invited Brendon to have some drink, dinala ko siya sa tinatambayan nating bar sa Bonifacio highstreet. Pinamukha ko lang sa kanya na hindi niya tayo ka-level at wala siyang puwang sa mundo natin. (Kwento nito)
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...