Tofu Balls

19 2 9
                                    

Room 308
St. Lukes Hospital
Ortigas, 5PM

Nakatulog si Justin sa upuan sa may side table malapit kay Brendon. Medyo distansiya muna siya kay Brendon para hindi makahalata si Anton. Nagising naman siya ng biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa kanyang side pocket. Tinignan niya ito, si Dennis pala nag-message.

Justin : (Biglang naguluhan pagkatapos basahin ang message, sa isip nito) Ano bang gagawin ko? How will I get rid of Dennis? I need more time with Brendon lalo pa ngayon sa condition nito. (Bigla naman tumawag si Ate Katy, nagpaalam muna siya kay Brendon) Labas lang ako saglit, sagutin ko yung tawag ng kapatid ko.

Tumango lang si Brendon habang si Anton naman ay tahimik na nag-oobserve sa may couch. Kinausap siya ni Brendon.

Brendon : Wala ka bang pasok ngayon o lakad? (Napansin niya kasing parang buong araw nandito si Anton)

Anton : (Binaba ang binabasang dyaryo, natawa ito) Hawak ko oras ko. Wala akong pending na cases ngayon. Siguro, gusto ko rin ng new ambiance. Kaya nandito ako.

Brendon : Ambiance? Sa hospital? (Natawa ito)

Anton : Yes. Minsan lang naman din ako magpunta rito. Besides, parating na din si Angela. I think pwede ka na makalabas mamaya sa check-up niya sayo. (Sagot nito)

Alfred : (Na-overheard niya ang usapan) Talaga ba makakauwi na siya? (Napatingin kay Anton) Buti naman. May pasok kasi ako bukas Kuya Brendon sa trabaho (Bilin sa kapatid). Absent nga ako ngayon sa klase ko eh.

Anton : Dapat pala sinabi mo kanina para naihatid kita sa school mo. (Offer nito)

Alfred : Naku ... huwag na nakakahiya. (Bumalik ito sa paglalaro ng mobile legends)

Brendon : (May namuong tanong sa kanyang isipan) Kung kaibigan mo si Angela, ibig sabihin kilala niya rin si Justin?

Anton : (Natigilan siya kung sasabihin ba niya ang totoo o hindi. May pakiusap kasi sa kanya si Justin na huwag muna ito sabihin kay Brendon, pero bakit? Siya din napatanong sa sarili niya. Natahimik siya sandali at nakapag-decide na sabihin ang totoo). Brendon, tama ka. College friend namin ni Justin si Angela. Small world noh? Akalain mo yun kilala ka rin pala ni Justin. (Tumayo ito at kumuha ng softdrinks-in-can dun sa pinamili nila kanina na nakalagay sa grocery bag) Alam mo, meron kaming grupo nung college. Kung mapapansin mo, iba-iba ang courses namin pero magkakakilala kami. We have an student organization before called "Elite". Ang advocacy ng student organization na ito is to promote well being, healthy lifestlye, etiquettes and professionalism para maging ready kami sa outside world kapag grumaduate na kami.

Tahimik na nakikinig si Brendon. Kaya pala may mga itsura ang mga ito. Magmula kay Justin, Anton, Angela at narealize niya na maging si Niel. Pinipili talaga nila ang mga members nila.

Brendon : Diba? May mga subject naman tungkol diyan? (Natigilan siya, highschool pala ang tinapos niya, wala siyang ideya sa buhay college)

Anton : Yes, meron naman but iba kasi kapag kasama mo yung same level ng thinking mo. I mean ... Brendon, mas okay kasama ang mga ka-edad mo right? Kaya nga siya tinawag na organization para mas may makilala ka, to gain friends, to socialize. Pito kaming founders ng Elite. Masaya kaming nakikita ang successes ng mga members namin but meron kaming code na kaming pito lang at walang pwedeng makaalam. (Naging seryoso ito, parang nagpaparinig) Si Justin ... (Alam niyang nasa labas pa at kausap si Ate Katy) soft-hearted, mabait, mapagbigay, loving person - alam mo yung positive attitude na niya yun, turned into weakness. You know why? Sinasamantala kasi siya ng mga taong nasa paligid niya. Kaya naging protective kami sa kanya and kapag isa sa aming pito ang naagrabyado ..... kami ang makakalaban mo.

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon