Failed Anniversary

38 4 4
                                    

Ace Hardware
SM Marikina
6PM

Wala masyadong customer. Ang mga salesman kanina pa naghahanap ng kung anong pwedeng gawin. Panay ayos ng stocks kahit maayos naman. Baka kasi masita sila ng kanilang Supervisor na palalakad-lakad at wala din namang ginagawa.

Monique : Huy... Sorry na. Huwag ka na magtampo. Bati na tayo. Please? (Nilapitan at sinuyo si Brendon na nakatayo sa kanyang station)

Brendon : Monique... mamaya na tayo mag-usap. Baka sabihin ng Supervisor pumi-petiks na naman tayo rito. (Pag-iwas nito kay Monique) Balik ka na kaya sa station mo.

Papalapit naman si Lester ang boyfriend ni Monique. Narinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Sa lakas ba naman ng boses ni Brendon.

Lester : Ano ka ba Pre? Pwede naman tayo mag usap-usap. Wala namang customer. Hindi naman tayo mga robot dito na magsasalita lang kung kailan pwede diba? (Inakbayan si Monique)

Brendon : Oh siya! Para matigil na kayo. Wala naman sakin yun. Masyado niyo lang ginawan ng issue kasi. Sige na balik na tayo sa trabaho. (Tumingin sa oras) Maya na natin pag-usapan pag-out natin ng 7PM.

Monique : Para kasi tayong mga tanga. Tayong apat. (Tinutukoy niya rin si Randell na hindi rin nakikipagkibuan kay Brendon dahil nga dun sa nangyari sa inuupahan niya na napauwi ng madaling araw) Tignan mo si Randell (tinuro ito). Halatang iniiwasan ka. LQ ba kayo? Alam mo naman bet na bet ka nun.

Lester : Baka naman kasi nabitin o hindi napagbigyan kaya nagtampo yung isa. (Sumimpleng tingin kay Randell kunyari busy. Halata naman naghahanap ng gagawin. Kanina pa siya ayos ng ayos sa station niya)

Brendon : Mga baliw. Kung ano-ano mga naiisip niyo noh. Hayaan niyo siya. Hindi siya chicks para suyuin. (Sagot nito sa dalawa na malakas mang-asar) Mamaya naman kikibuin ako niyan. Hindi ako matitiis niyan. (Sagot nito)

Lester : Haha! Tama. Paano ba maging marupok tulad ni Randell? (Biro nito)

Monique : Tigil mo yan. Marinig ka nung isa. Mapikon pa yun. (Ngumuso sa direksyon ni Randell) Ganito na lang. Dahil okay na tayo. Inom tayo mamaya pag out natin sa dating tambayan. Ano? G?

Brendon : Yaann! Namiss ko yan! Sige. Dayoff naman ako bukas. Tapos kayo closing shift bukas diba? Tamang-tama. (Masayang sabi nito)

Lester : Excited na ko. Sige. Mamaya na lang ulit Pre. (Bumalik na sila sa kanya-kanyang station napansin kasi niya na papalapit na ang supervisor sa kanila)

........

SM Marikina
Parking Area

Nagpark na ang family ni Justin at si Christina. Sakay ng Montero si Mama Mia, Ate Katy at Kuya Arthur. Habang si Justin naman ang nagmaneho ng Honda Civic ni Christina.

Pagbaba nila Ate Katy sa sasakyan ay sumenyas na ito sa mag-jowa na naiwan pa sa kotse ni Christina at mukhang may pinaguusapan. Pahiwatig na mauuna na sila sa Restaurant. Tumango naman si Christina at Justin bilang pagtugon kay Ate Katy.

Christina : Sweetie ... after ng dinner. Diretso na ko uwi ha. Need ko pa mag prepare ng lesson plan for my students. (Paalam nito)

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon