Brendon : Huy! (Tinapik - tapik si Justin. Tulala kasi ito)
Bumalik sa ulirat si Justin. Nasa table na pala yung mga kasama niya. Hindi niya namalayan.
Justin : Ha? Tapos na pala kayo? (Tinignan ang mga kasama) Nasaan si Chris? Di niyo kasama?
Lester : Huling kita ko sa kanya sa CR eh. Di ko na rin napansin kung nasaan siya. (Simpleng kinapa niya yung bulsa sa polo shirt niya. Nandun pa yung calling card na nilagay ni Chris)
Justin : Weird. Magpapaalam naman yun sakin kapag hindi na babalik. (Sabi sa isip nito)
Pero kasi si Chris ay yung tipo ng tao na outgoing. Naalala ni Justin na minsan na silang nag Starlites at napansin niya na marami itong inaawrahan. Hindi na siya magtataka baka kung kani-kaninong table na naman yun naglilibot.
Randell : (Inayos na ang kanyang bag) Mauna na ko sa inyo. Anong oras na rin. (Tumingin sa wristwatch) Ala-una na. May gagawin pa ko sa bahay eh.
Monique : Gurl? Seryoso ka? Madaling araw may gagawin ka pa? (Usisa nito)
Randell : Wala kang pakielam! Mind your own business. (Inirapan si Monique)
Nagulat ang lahat sa inasal ni Randell. Sumabad si Brendon.
Brendon : Wait. Chill. Masyado mainit ha. Lasing na ba? (Pinapakalma si Randell, alam niya bakit nasira ang mood ng kaibigan. Nandun kasi si Justin. Usapan eh ... sila lang dapat magbabarkada. Hindi manhid si Brendon. Nagseselos si Randell kay Justin)
Randell : (Inayos ang sarili. Tumalikod na sa mga kasama. Natigilan. Humarap ulit) Simula ngayon. Walang kahit sino sa inyo ang pwedeng makialam sa personal kong buhay. My life ... My rule ... I don't care what you think about me. As long as I'm happy. I am now set free. (Tumalikod na ito at naglakad palabas ng bar)
Justin : (Sa isip nito) Parang lyrics yata ng kanta yon. Bakit siya ganun? (Nagpigil ng tawa)
Monique : (Taas kilay na sinundan ng tingin si Randell) Walkout ka gurl? Ganda ka? (Tumagay ng beer)
Lester : Style ni Randell. Wala lang yatang mai-ambag yon. Kaya maaga umalis. Hahaha! (Nagtawanan sila ni Brendon)
Brendon : I know right. (Nag appear sila ni Lester)
Justin : Don't worry. Sagot ko na ang gabing ito. Order pa kayo. (Mukhang gusto pa mag stay ni Justin ah. Wala ka ba pasok sa work bukas?)
Brendon : Wow! (Napatingin kay Monique) Narinig mo yun Monique. Sagot daw ni Justin. Yes!
Monique: (Kumaway sa Server) Dalawang bucket pa ng Sanmig light tsaka dalawang Sizzling Sisig.
Lester : Tsk! Tsk! Sana sinabi mo kanina para di nag-walkout si Randell. Sigurado ako mag-stay pa yun ng matagal. (pang-aasar nito)
Brendon : (Tinapik si Lester) Tama na yan. Wala na yung tao. Baka isipin ni Justin .... mga backstabber tayong mga kaibigan. Hahaha! (Napatingin kay Justin)
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...