The Offer

24 2 6
                                    

CarPark
SM Marikina
11AM

Gayle : Sigurado ka ba Anton na nandito si Brendon? (Nasa loob ng sasakyan, nagmamasid sa paligid)

Anton : Yes ... kausap ko si Alfred kanina. Kailangan kasi ni Brendon na mag clearance sa kanyang supervisor. (Hininaan ang music sa loob ng sasakyan)

Gayle : What do you mean? (Medyo napaisip siya sa clearance na nabanggit ni Anton)

Anton : Oh ... sorry, hindi ko na explain. Pinag force to resign na si Brendon ng management nila kasi hindi naman bayad yung leave niya eh ... sayang lang yung slot na pwede naman daw na ibigay sa iba. (Paliwanag nito)

Gayle : Hmmm ... okay. (Nagtaka ito bakit ganun na lang ka-concern si Anton kay Brendon) You know what Anton, kaya ako nandito kasi gusto ko lang naman na personal iabot yung prize ni Brendon. Baka isipin naman kasi niya na porke nagkaroon ng issue sa party eh cancel na rin ang prize. Siyempre hindi ganon. Need ko pala ng picture ha para ma-ipost sa page ng restaurant ko. Ikaw na bahala.

Anton : Sure, yun lang pala eh. Matutuwa yun kapag inabot mo yung prize niya. (Napangiti ito)

Gayle : (Napansin ang kilig ni Anton) Hindi ikaw yan. Promise. (Tinitigan ulit si Anton) Lalaking-lalaki itsura mo tapos kinikilig? Ano ba Anton, umamin ka nga sakin. What's with Brendon ba? First time talaga na ganyan ka eh. Tsaka, na-observe ko nung party, panay libot ng paningin mo. Gusto mo laging abot tanaw mo si Brendon. Sige makikinig ako ... kwento ... habang naghihintay tayo.

Anton : Hay ... Gayle, ano pa nga bang lusot ko sayo?Hahaha! (Natatawa ito, nacorner na siya eh)

Gayle : Huwag ako Anton. Maganda man ako sa paningin mo ... pero pusong lalaki ito. Naaamoy kita. (Hinampas sa braso ang kaibigan)

Anton : Yes, I like him. Okay na? (Pero parang hindi convince sa sagot si Gayle base sa reaksyon ng mukha nito, need niya ng explanation) I like everything about Brendon. His looks, attitude, his smell, his eyes ... basta lahat. Okay na?

Gayle : Why? Bakit siya? Alam mong sila ni Justin? Conflict yan, habang maaga pa Anton ... iwasan mo na. Don't hurt Justin. (Paalala nito)

Anton : Hurt him? Sila pa ba after nung incident sa party mo? In the first place, siya nga ang nanakit kay Brendon eh. What if Brendon finds out the real deal between Justin and Dennis? Do you think it is fair to Brendon? (Tanong nito)

Gayle : I know ... pero labas muna tayo sa situation niya with Dennis. Besides, Justin explained to us kung bakit niya iyon ginawa kay Dennis. You know his anger issues right? Parang hindi mo naman kilala yung tao. Bigla na lang sasabog. Mag-eeskandalo, natakot lang si Justin. Hindi sa may kinakampihan ako, nakikita kong weakness ni Justin yung pagiging malibog. Well, sa tingin ko that's because of his childhood trauma. Sa kanyang f*cking step father na manyakis. Alam naman natin sa barkada na he needs medical attention, yung tantrums niya kapag biglang natatakot. That's explained everything. (Nakiusap) Anton, please? Hangga't maari iwasan mo.

Anton : I totally understand but how about my feelings naman Gayle? Nandun na tayo. Inisip natin yung nararamdaman ni Justin pero paano naman ako? (Bigla natigilan ang pag-uusap ng dalawa, hindi nila namalayan na nasa harap na pala ng sasakyan nila si Brendon na naka-wheelchair tulak ito ni Alfred, kasama si Randell, Lester at Monique. Lumabas ng sasakyan si Anton at Gayle para batiin sila)

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon