Room 418
Makati Medical City
1AMButi naman tapos na ang party ni Gayle, open area pa man din yun, bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Pagkadating ng hospital ay naghintay sa may lobby si Billy at Chris habang ang pamilya ni Justin ay umakyat na sa room 418 para malaman ang kalagayan ni Mama Mia.
Pyschologist : Hallucinations ... delusions ... disordered thinking ... disordered behavior ... Ilan lang yan sa mga symptoms ng Schizophrenia, isang halimbawa ng Pyschotic disorder. (Pinainom niya ng pampatulog si Mama Mia bago pa man dumating ang pamilya nito)
Justin : Ibig sabihin, baliw ang Mama ko? (Tumayo ito mula sa pagkakaupo at tumingin ng seryoso sa Doctor)
Psychologist : Yes. (Maikling sagot nito) Pero kaya pang agapan. Kailangan lang ng proper monitoring at medication.
Ate Katy : (Tumingin sa Kumare ni Mama Mia na nakaupo sa couch) Ano ho bang nangyari? Bakit ho nagkaganyan ang Mama namin?
Psychologist : (Bago pa man magsimula ang Kumare sa pagkikwento ay nagpaalam na muna ito) Maiwan ko muna kayo, balik ako after ko makita ang ibang patients. (Lumabas na ito sa Room 418)
Kumare : (Pagkalabas ng Doctor ay nag-umpisa na ito) Nakwento ng Mama niyo sakin ang nangyari sa inyo Justin. (Napatingin kay Justin) Hindi yun matanggap ng Mama niyo. Sobra niyang dinamdam. Sa kakaisip, ayun na-stress siya. Agad niya kong tinawagan sa cellphone. (Nahihiya) Aaminin ko, dati akong albularyo sa lugar namin sa Antique. Alam niyo naman nung kapanahunan ko, naniniwala ako sa mga kulam, kinokontra ko yun pero nagbagong buhay na ko. Kaya nga naging deboto ako ng Simbahan Katolika. (Natigilan saglit) Itong Mama niyo. hiniram niya yung libro ko ng pangkukulam. Kasi ang gawain ko lang naman dati ay kontrahin ang mga kulam. Siyempre, dapat alam ko rin kung paano nila ginagawa ang mga iyon. Kaya pinag-aralan ko.
Kuya Arthur : Pero bakit mo hinayaan na ipahiram at pag-aralan ni Mama Mia ang ganon? Para saan? (Usisa nito)
Kumare : (Kinakabahan) Kasi naman ang Mama niyo mapilit, pinagbantaan pa ko na ikakalat ang dati kong pagkatao sa ibang kumare namin. Puro chismosa pa man din sila. Natakot kaya ako. Pinipilit ko na ngang magbago eh. Nahihiya kasi ako sa gawain ko dati. Ayokong ipaalam. Kaya pinahiram ko. Pero wala akong intensyon talaga na ituro yun sa kanya.
Justin : Naintindihan ko po. Ano ho bang nangyari sa probinsiya? (Tanong nito)
Kumare : Bigla niya kong niyaya na lumuwas kami pa-Antique. Eh, may mga kamag-anak ako dun na mga albularyo. May gusto yata siya ipabarang. Kaso sa byahe namin ... napansin ko ... nagsasalita siyang mag- isa. Panay bulong. Hinayaan ko lang nung una ... tapos yung nasa hotel kami para mag-overnight. Hindi ako makatulog. Parang lagi siyang may nakikita na kung ano. Natakot ako. Kaya sabi ko ... bumalik muna kami pa Maynila. Akala ko nga hindi papayag, dinahilan ko na lang na wala pala yung mga kamag-anak ko dun. Matatagalan pa ang balik.
Hindi alam ni Ate Katy at Justin ang magiging reaksyon, tinignan lang ang kondisyon nito habang tulog. Hindi kasi sila naniniwala sa mga ganung kwento, maliban kay Kuya Arthur. Bumalik ulit ang Psychologist para kausapin sila.
Justin : Doc? Naniniwala ba kayo sa witchcraft? (Bungad nito)
Psychologist : Hmmm ... I can't say. If you are the type of person na naniniwala sa superstitions or folk medicine. I respect it. Pero kasi sa symptoms ni Mama Mia, maaring nakuha niya ito sa matinding trauma or experience na hindi maganda. Kaya ito ang naging effect sa kanya. Nakwento nga kanina sakin ng kasama ng Mama niyo ang mga naging experience nito like hallucinations, pero may scientific explanation kasi diyan, pwedeng neurological disturbance. Well, masyado ng malalim ang mga terms ko, baka hindi niyo rin maintidihan. (Paliwanag nito)
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...