Cooking Show

33 4 12
                                    

Sa Inuupahan ni Brendon
Greenpark Village, Cainta
10:15AM

Justin : (Nagbibihis na ito) I need to go. May usapan pala kami ng girlfriend ko ngayon. Kailangan nasa bahay ako. Dapat niya ko maabutan dun.

Brendon : Relax. Sabado ngayon. Walang traffic. (Pinagmasdan si Justin na nagbibihis) Mahal mo ba siya?

Justin : (Nagbubutones ng white longsleeves) Ha? Oo naman. Five years na kami. May need pa ba ko i-prove? (Napakunot noo niya)

Brendon : Hmmmm. Sabagay. Sabi mo nga bawal magkumpara. Pero ... bakit naman kami ng live-in partner ko dati? Three months pa lang ... nagsama na agad kami. Kayo? Pinatagal niyo pa. Curious lang. Okay lang di mo sagutin. (Medyo nahiya kasi personal na)

Justin : Tanungin kita. Nagsama agad kayo diba? Tapos naghiwalay din. Masyado mo kasing minadali. Hindi niyo muna kinilala ang isa't-isa. (Pagkatapos isuot ang slacks ay hinigpitan ang belt)

Brendon : Sabagay ... may point ka ... pero mahal mo nga? (Aside sa hindi naman kagandahan si Christina ay alam ni Brendon na lalaki talaga ang gusto ni Justin)

Justin : Please? Okay. Porke alam mo na yung pagkatao ko dahil sa chat na yon. Eto ka ngayon ... nagtatanong kung valid ba ang relasyon namin. (Naging seryoso) Mahal ko siya. Okay na?

Brendon : Okay. (Nagtaas ng dalawang kamay) Stop na ko. Baka masira ko mood mo. Pero payo ko lang. Sana bago ka mag-settle at siya na talaga. Sabihin mo kung sino ka talaga. Dun mo malalaman if matatanggap ka niya. Mahirap na kasing kumawala kapag kasal na kayo.

Pareho sila ng payo ni Chris. Naalala lang bigla ni Justin.

Justin : (Napaisip ito) Kaya ba kayo naghiwalay ng live-in partner mo dahil sa sexuality mo?

Brendon : Alam na niya na Bi ako before maging kami. It was never an issue. Naging issue lang kasi yung sinigawan niya ung magulang ko sa harapan ko pa. Sobrang bastos promise. Ayoko ng ganon. (Kwento nito)

Justin : Sorry. (Umupo ito sa kama, after magbihis. Tumabi kay Brendon)

Brendon : Ganito lang ako mag-salita. Malakas boses. Akala mo laging galit. Pero may respeto naman ako sa tao. Pero huwag naman sana dunating sa point na sisigawan mga magulang ko. Nagulat ako nun promise. (Napatingin sa orasan) Ano nandyan na ba yung na-book mo na Grab?

Justin : (Tumingin sa cellphone) Mga 15 minutes pa. (Iniba ang usapan) Alam mo ... mas nakilala kita. Ang tibay mo noh? Pero paano anak mo? Kawawa naman.

Brendon : Walang problema kay Nicole (pangalan ng live-in partner niya) tsaka mas malapit kasi loob ni Abby (pangalan ng anak niya) kay Nicole. Mas okay na rin yun. Kesa dito ... di ko naman mababantayan kasi nagtatrabaho ako. (Paliwanag nito) Gusto mo sa labas na lang tayo ng gate mag-abang? Tara.

Nauna ng tumayo si Justin at kasunod naman si Brendon palabas ng kwarto. Pagkabukas ng pintuan ni Justin ay nabitawan niya ang hawak na laptop bag dahil may isang malaking tao na nasa pintuan nila. Takot na takot si Justin.

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon