One Sided Conclusion

20 3 8
                                    

Papuntang Express Hi-Way pa-Laguna.
2PM

Napansin ni Justin na kanina pang walang imik si Chris ... dun pa lang sa motel na tinuluyan nila. Si Billy ay focus naman sa pagmamaneho.

Buti na lang ay kilala ni Justin ang Receptionist at natulungan silang makahanap ng mekaniko para maayos ang nasirang accelerator ni Billy. Small world nga talaga.

Justin : (Sinisilip si Chris sa rear view mirror na nasa backseat. Tahimik ito at nakasimangot) Chris, okay ka lang ba? Kanina ka pa sa motel walang kibo. Yung breakfast mo nga na Tapsilog halos hindi mo nagalaw. May problema ka ba?

Chris : (Na realize niya na hindi dapat siya maging apektado sa nangyari sa pagitan ni Justin at Billy, wala din naman kasi siyang dapat ikagalit. Dapat siyang lumugar. Nag alibi na lang siya) Okay lang ako. Medyo masama lang pakiramdam ko pag gising ko. So, ano? Nacontact mo na ba si Tin?

Justin : Hindi pa nga eh. (Napapaisip na siya) Kaya tama lang din itong naging desisyon ko na puntahan siya.

Chris : Sige. Tagal ko na ring di nakapunta sa bahay ni Tin. (Natigilan ng may nakitang Carinderia) Ah ... Billy okay lang stop over muna tayo. Nagutom ako eh.

Billy : Sigurado ka Chris? Medyo alanganin kasi mag park rito. Hanap muna tayo ng lugar kung saan pwede. (Tumingin-tingin sa paligid)

Justin : Ayan. Iinarte pa kasi kanina. Di pa kumain ng maayos. (Pang-aasar nito)

Chris : Eh ... okay na ko ngayon. Nasa mood na ulit ako. Kayo ba gusto niyong kumain? (Pag-aya nito)

Justin : Busog pa ko eh. Kaw ba Billy? (Tanong nito)

Billy : Siguro ... maya na lang ako kakain kapag nandun na tayo sa pupuntahan natin. Baka kasi antukin ako kapag nagdadrive. Alam mo na ... busog. (Dahilan nito)

Chris : Okay. Baba muna ko rito. Gutom na talaga ako. (Habang tinuro ang nakitang Carinderia)

Billy : Sige Chris. (Inikot ang mata para makahanap kung saan pwede magparking pagkababa niya kay Chris)

........

Sa Inuupahan ni Brendon
GreenPark Village

Naalimpungatan si Brendon mula sa pagkakatulog. Pagkadilat ng kanyang mga mata ay una niyang nakita si Mang Ronald na nakaupo sa monoblock at pinagmamasdan siya.

Brendon : (Pumupungay ang mga mata) Anong nangyari? (Pinilit bumangon) Ouch .... (Umaray sa sakit) Yung mga binti ko.

Mang Ronald : Di mo alam nangyari? Pagkapasok natin sa kwarto mo kanina. Humiga ka agad. Tulog na tulog. (Tinuro ang pagkain na nasa side table). Hapon ka na nagising. Ayan yung nasa supot ... lutong ulam at dalawang balot ng kanin. Bumili ako kanina.

Brendon : Di ko magalaw mga binti ko Manong. (Umaaray sa sakit. Napansin niyang nakabrief na lang siya) Ikaw ba naghubad sakin?

Mang Ronald : Sino pa nga ba? Ang baho ng damit mo. Amoy pawis, alikabok. Usok. Maasim. Alam mo nakita kita sa Gate kanina. Awang-awa ako sayo. Para kang basang sisiw. Sino ba may gawa sayo niyan? (Pag-usisa nito)

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon