Chapter: 45

1.4K 42 25
                                    


Zero's POV

"Hindi mo pinangarap? Di mo ginusto? eh bakit yang buhay na yan ang pinili mo, may pagkakataon ka noon na hindi tanggapin yan pero tinanggap mo tapos sasabihin mo sakin ngayon na hindi mo ginusto gago walang maniniwala sa katulad mong sinungaling"singhal niya sa akin.

"Wala kang alam! kaya wala kang karapatan sabihin sakin yan" Tinulak ko siya pahiga at dinaganan para mas lalong hindi makakawala sakin.

"Sige lang Ace, ganyan ka naman talaga lahat ng bagay sinisikreto mo simula nung bata tayo"

"Hindi ako nagtago sayo, ikaw tong traydor at patalikod mo kong ginagago"

"Well masyado ka kasing nagtiwala sakin yan tuloy sa susunod wag ka basta bastang magtitiwala baka magulat ka bigla ka na lang tinuklaw"

"Wala akong panahon sa kabaliwan mo, nasaan ang anak ko?"

"Gago di ako tanungan ng nawawalang anak"
pinaputukan ko siya sa paa baka sakaling matakot. 

"Di mo ko matatakot sa ganyan Ace sa dibdib mo ko  barilin hindi sa paa"

"Boss kami na bahala sa kanya puntahan mo na si Ice nasa rooftop siya" Agad ko siyang binitawan at umakyat patungo sa pinakamataas na floor sa building na ito. Mas binilisan ko pa lalo ng makarinig ako ng pagsabog sa itaas. Puro putukan at pagsabog ang maririnig mo sa buong building. 

"Ice!!!" sigaw ko habang tumatakbo, sana okey lang siya hindi ko kaya na pati sa kanya ay may mangyaring hindi maganda.

"Anak!!! Nasaan ka nandito na si daddy!!!" lakad takbo ginawa ko hanggang sa makit ko yung anak ko na walang malay na nakaupo at nakatali ang kanyang kamay at paa. Agad ko siyang nilapitan para tignan kung may sugat ba siya.

"Baby nandito na si daddy, wake up na po anak" pilit kong gising sa kanya habang kinakalagan siya. May bakat ng tali yung kamay at paa niya dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali nito. Ng makalagan ko siya ay di na ako nagsayang ng oras at kinarga ko na siya para makababa at dalhin sa hospital. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon