Chapter: 14

5.5K 88 0
                                    

Zumi's POV

Tanghali na ako nagising dahil sa pagod at sakit ng katawan. Medyo nabigla yung katawan ko sa training grabe kasi halos limang buwan na rin ako tumigil dahil umuwi na ako dito sa pinas. Sa ibang bansa kasi ako pinatira at pinalaki ni daddy pero nagtatagalog pa rin ako when i was there so sanay na ako sa tagalog.

Naligo muna ko bago bumaba ng kwarto. Naabutan ko yung mga maid na sobrang busy at nagmamadali. Anong meron? Bakit sobrang abala nila sa mga bagay bagay? Hinarang ko yung isang maid.

"Ah Ate ano pong meron ngayon? Bakit sobrang busy niyo?"-tanong ko sa kanya, nagbow naman siya sakin.

"Ah Lady Iya meron pong mangyayaring malaking handaan mamaya dito sa mansyon. At tsaka nga po pala pinapasabi ni Master Zero na may dadating pong taga ayos sa inyo mamaya para sa party" paliwanag niya nagpasalamat na lng ako at pinadaan na siya.

Bakit hndi ko alam yun? Ano kayang mangyayari mamaya? Wala namang nasabi o nabanggit si Zero about sa party mamaya. Bumaba na ako at dumiretso sa labas, madaming taong nagkakalat sa labas ng mansyon. Importate siguro talaga yung mangyayari mamaya, makapasok na nga baka makaistorbo pa ako sa mga gumagawa.

Pumunta muna akong kusina para makakain ng tanghalian at sa ngayon magisa lng akong kumakain dahil wala rin si Zero dito miski sila Lance. Nilagay ko na sa lababo yung pinagkainan ko at hinugasan. Ako na yung naghugas baka maistorbo ko pa sila at tsaka marunong naman ako. Pagkatapos kong hugasan at ilagay sa lalagyanan ay bumalik na ako sa kwarto ko. Wala naman kasi akong magagawa doon at for sure pag tumulong ako ay hndi nila ako papayagan.

Mabilis lumipas ang oras at nandito na yung magaayos sakin. Naligo muna ako bago ko sila pinapasok.

"Hello Madam kami po yung pinadala para ayusan kayo" sabi nung isang babae. Inayos na nila yung mga gagamitin at pinasuot na yung peach cocktail dress.

(Cocktail dress is in the multimedia)

Ng masuot ko na yung dress ay agad nila akong pinaupo at inayusan. Light make-up and messy bun ang ginawa nila sakin nilinisan rin nila ako ng kuko.

Medyo nakakangalay dahil halos dalawang oras rin akong nakaupo at inaayusan.

*knock!! Knock!!*

Bumukas yung pinto at pumasok doon si Zero nagbow naman sa kanya yung dalawang nagaayos sa akin at tsaka lumabas ng room.

"You look good" papuri niya sakin at tsaka umikot para makita yung kabuuan ko.

"Same to you, you look good on your white suit" hahhaha grabe ang gwapo niya sa suit niya bagay na bagay parang kami hahaha char.

"I think your done so let's go the party is already start" sabi niya at nauna ng pumunta sa harapan ng pinto. Tinignan ko muna yung sarili ko sa whole length mirror at sumunod sa kanya binuksan naman niya yung pintuan.

Ng makalabas kami ay sinalubong kami ng mga bodyguards niya at nagbow sa harap namin nginitian ko naman sila bago tuluyang sumunod kay Zero.

Bumaba na kami kasunod yung mga bodyguards at tumuloy sa labas ng mansyon. Oh ang daming bisitang dumadating at yung malawak naming harapan ay puro magagarang kotse ang nakapark.

Nasisibatian naman yung mga nadadaanan naming mga bisita ng papunta kami sa venue. Akala ko sa may garden gaganapin pero hndi dahil nagtuloy tuloy lng kami ng lakad pero infairness  lalong gumanda yung garden dahil may mga christmas light yung mga halaman. Napatigil ako ng may kumausap kay Zero.

"Its nice to see you again Mr. Collinson and thank you for inviting me here" sabi nung hndi masyadong katandaan na lalaki.

"Welcome Mr. Alvarez" ngumiti ako ng mapatingin sakin si Mr. Alvarez.

"Oh may kasama ka pala.. Siya na ba ang ating Queen?"  Nakangising tanong ni Mr. Alvarez.

"Tsk just wait for my announcement.. And if you dont mind excuse us" walang ganang paalam ni Zero at hinawakan ang kamay ko at nagumpisa ng maglakad.

Mas dumadami ang tao sa dinadaanan namin at mas lumalakas ang music na naririnig ko. Panay ngiti lng ako sa mga bisitang nadadaanan namin. Nakarating na kami sa bukana ng venue. Wow ang ganda hndi ko alam na may gantong lugar sa loob ng mansyon ni Zero. Sa kinakatayuan ko ay kitang kita ko yung malaking stage dahil sa mga ilaw. Ano ba talagang meron.

"Welcome back king!" Sabay sabay na bati ng lahat ng taong  naririto. Welcome party? Tsaka ko lng namalayan na nakapatay na pala yung music at lahat ng tao ay nakatingin samin at nagbow.

"Ehem" nagsiayos sila ng tayo ay kinabog sa isang kunwaring ubo lng ni Zero umayos na lahat hahaha matry nga minsan yun.

Nagsimula na naman magingay at madami na ring bumabati saamin. Naglalakad na kami sa gitna papuntang harapan kasunod rin namin yung mga bodyguards.

Naupo kami sa isang round table sa harapan ng stage at doon naupo.

"Good evening Ladies  and Gentlemens. We are here to hear the very important announcement from our King but before that let's enjoy the night and go with the flow. Before we start our mini program let's have a peaceful dinner first. Our beloved servers will serve the food in your tables and your needs. So if have a problem just go to the staffs and they will accompany all of you. Enjoy your food everybody" sabi nung emcee at bumaba na ng stage. May mga nagseserve na saming food kaya umupo na kami ng maayos at nagumpisa ng kumain. May mga umakyat naman sa stage na banda at nagtugtog kaya medyo na aaliw ako habang kumakain

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon