Chapter: 17

5K 91 1
                                    

Zero's POV

Pababa na ako ngayon papunta ng dinning room. Masyasdong madaming ginawa sa trabaho kaya gabi na rin ako nakauwi. Kamusta kaya yung training nila Zumi kahapon.

"Good morning Master Zero" bati nung mga maid ng makapasok ako ng dinning room.

"Morning... Kumain ba ng dinner si Zumi kagabi?" Tanong ko.

"Hndi po Master after po nilang magtraining ay umakyat na po siya sa kwarto niya" paliwanag ni Manang.

"Hndi niyo man lng tinawag" mariin kong sabi.

"Kumatok po kami sa kanya pero po tulog po siya kaya hndi na po namin siya inistorbo" paliwanag nung isang katulong.

"Tsk pag ganon tawagan niyo ko" tinalikuran ko sila at pumanik ulit sa taas.

Dumiretso ako sa kwarto ni Zumi hndi na ako kumatok at pumasok na lng basta basta. Nakita ko siya mahimbing na natutulog kaya marahan ko siyang nilapitan. Biglang naginit yung dugo ko nung makita ko yung braso niyang may bandage at mga sugat niya sa braso.

"What the fuck?!" Sigaw ko nagising naman siya at kinusot kusot yung dalawa niyang mata.

"Good morning Zero" bati niya at ngumiti tinignan ko siya ng masama.

"Bakit?" Tanong niya at dahan dahang umupo sa kama. Mas lalong uminit ang dugo ko nung makita ko pati sa kabilang balikat may sugat siya.

"Anong ngyari sa mga braso mo at bakit may bandage yang isang braso mo?"walang gana kong tanong.

"Ah ito hahaha galing ito nung nagtraining kami kahapon ni Grey" paliwanag niya habang tinitignan yung braso niyang may bandage.

"Tsk tumayo ka na nakahanda na yung pagkain sa baba" hndi ko na hinintay yung sasabihin niya at lumabas na ng kwarto at bumaba.

Minamasahe ko yung sintido ko hanggang makarating ng dinning room at umupo sa upuan. Pinatong ko yung dalawa kong siko sa table at doon pinatong yung noo ko.. Gets niyo? Tsk bahala kayo kung hndi niyo nakuha.

"Good morning po" umayos ako ng upo ng marinig ko yung boses niya at kumuha ng pagkain. Hndi ko siya pinansin nung makapasok siya ng dinning room at nagumpisa ng kumain.

"Bakit hndi ka nakasuit? Hndi ka ba papasok ngayon?" Tanong ni Zumi.

Tinignan ko lng siya at pinagpatuloy yung pagkain. Palihim kong sinisilip yung kanang balikat niyang may bandage. Tsk napakacareless sabi ko magingat eh. Humigop na ako ng kape bago tumayo at lumabas ng dinning room.

"Get the first aid kit" utos ko sa maid agad naman siyang tumakbo para kunin.

"Ito na po Master" abot niya sakin. Kinuha ko yung first aid kit at bumalik sa dinning room. Umupo ako sa tabi ni Zumi.

"Akin na yang kanang braso mo" sabi ko.

"Huh? Bakit?" Tanong niya.

"Wag ka ng magtanong" cold kong sabi at maingat na kinuha yung braso niya. Nilagay ko naman yung first aid kit sa dinning table at nilabas yung betadine, bulak at yung gasa.
Tinanggal ko yung bandage niya, kumuha ng bulak at nilagyan ng betadine. Dahan dahan kong dinadampi yung bulak na may betadine sa sugat niya at marahan ring hinihipan.

"O-ouch" napatingin ako sa kanya nakapikit siya at kagat kagat yung labi niya.. Binilisan ko yung paglalagay ng betadine at paglalagay ng gasa. Ng matapos kong malagay yung gasa ay niligpit ko yung first aid kit.

"Tapusin mo na yung pagkain mo at magbihis magtetraining tayo" sabi ko at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng dinning room para magpalit ng damit.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon