Chapter:40

2.6K 58 5
                                    

Zumi's POV

Tinawagan ako ng mommy ni Zero at sinabi na magimpake ako ng ilang mga damit namin ni Ice. Hndi sana ako sasama kaya lng nakakahiya naman hndi pa rin kasi kami okey ni Zero magiisang buwan na.

Namimiss ko na siya di na siya tumatawag sakin or miski kinakamusta hndi na rin niya ginagawa. Baka galit na rin siya sakin hay nako dapat na ba akong magsorry sa pagiging isip bata ko nung nakaraan.

Natatakot ako na baka ayawan niya na ako pano ako? Pano anak namin? Di pa nga kami nagpapakasal e.

Walang nabanggit si mommy kung kasama si Zero pero sana kasama para naman makapagayos na kaming dalawa. Na realize ko na he just want the best for me.

Saktaong kakatapos ko lng magimpake at dumating sila mommy na naka van. Nakita ko si daddy na nakupo sa bandang likod ng van kasama rin pala siya. Nilibot ko yung tingin ko sa van pero nadismaya lng ako dahil wala doon si Zero.

Hinalikan ko na lng sila isa isa sa pisngi at umupo na. Si ice naman ay nandoon na sa mga lolo niya at si mommy ang katabi ko ngayon.

Nasaan kaya siya ngayon? Ay oo nga pala weekdays ngayon kaya may pasok siya. Pero pwede naman siyang magday-off e ayaw ba niya akong makita? Mukhang galit nga sakin.

"Mom nasaan si Zero?"

"Ay nasa business meeting siya sa ibang bansa kaya di siya nakasama satin"

Hay nako miss na miss ko na siya tawagan ko na kaya siya kaya lng baka makaistorbo ako e baka nasa meeting or natutulog yun. Kaya sumandal na lng ako at pinagmasdan yung dinadaanan namin. 

Hndi man lng nagsabi sakin na aalis siya ng bansa sana man lng natulungan kong magimpake lahat ng gamit niya hahah joke lng lab lab ko yun kahit di kami bati.

Magistop over muna kami sa mall dahil lunch time na at gutom na ang matatanda. Di ko alam kung saan kami pupunta kanina ko pa tinatanong si mom pero di niya ako sinasagot sila daddy naman walang alam kung saan pupunta.

Sa italian resto naisipan kumain ni mommy di na naman kami tumutol dahil pare pareho kaming gutom. Hinayaan ko na sa kanila muna humawak si Ice di naman masyadong makulit yung anak ko kaya di mapapagod sila daddy.

May nadaan kaming jewelry shop kanina at balak kong tumingin doon pag katapos namin kumain naghahanap kasi ako ng regalo para kay Zero.

Ng makakain kami ay nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan lang ako saglit sa isang shop at magkita na lang kami sa van.

Dumiretso na ako sa jewelry shop na nakita ko kanina at pumunta sa men's section. Naghanap ako ng bracelet para kay Zero kaya lang wala akong mapili na bagay sa kanya. Gusto ko sana yung simple lang ayoko ng masyadong takaw pansin.

"Hi ma'am ano pong hanap niyo?

"Naghahanap ako ng bracelet para sa asawa ko kaya lang gusto ko sana simple lang" tingin lang ako ng tingin sa mga bracelet na nakadisplay pero wala talaga akong nagugustuhan.

Hanggang sa may nakita ako doon sa pinakadulo na isang bracelet. Simple lang siya at di masyadong takaw pansin.

"Miss pwede patingin ako nito"turo ko doon sa bracelet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Miss pwede patingin ako nito"turo ko doon sa bracelet. Nag gloves siya bago kunin yung bracelet at inabot sakin. Bagay ito kay Zero di siya masyadong takaw pansin at sobrang simple lang.

"Miss kukunin ko ito" Agad niya itong  nilagay sa box at binalot. Ng makapagbayad na ako ay pumunta na ako ng parking lot baka naghihintay na doon sila daddy.

Sakto pag dating ko sa van ay halos kakarating lang din nila daddy. Habang nasa byahe ay natulog lang ako dahil tulog rin sila.

Ginising lang ako ni mommy nung nakarating na kami. Tumingin ako sa paligid pero wala akong masyadong makita dahil madilim na. Layo naman ng pinuntahan namin para abutin kami ng gabi.

Nahuli akong bumaba dahil inayos ko pa yung mga gamit ko at pag kababa ko ay bumungad sakin ang rest house. Kaya pala ginabi kami dahil dito pala kami pupunta. 

Pumasok na ako dahil nauna sakin pumasok sila daddy di man lng ako hinintay.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa nakita ko. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil halo halong emosyon nararamdaman mo ngayon.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon