Chapter:10

5.5K 107 4
                                    

Zero's POV

Nandito na ako sa bahay dahil hapon pa lng ay umuwi na ako. Wala na naman kasing ginagawa sa office kaya dito na lng ako tatambay.

"Where's Ayeshia?" Tanong ko sa maid na sumalubong sakin.

"Good afternoon po Master... Si Lady Iya po ay nasa garden"tumango ako at umakyat na sa taas. Nagpalit muna ako ng damit at nilagay sa study room yung bag bago bumaba at pumuntang garden.

Natanaw ko si Ayeshia na nagbubungkal ng lupa. Di muna ako lumapit at pinagmasdan siya habang hirap na hirap magbungkal.

"Ano ba lupa! Magpabungkal ka naman oh! Ikaw na lng yung hndi ko pa natataniman kaya parang awa mo na magpabungkal ka na!!!" Napailing ako dahil sinisigawan niya yung lupa at para pinapatay. Kung tao siguro sinasaksak nito kanina pa patay.

"Do you need any help?" Naglakad ako papalapit sa kanya.

"Oi Zero nandyan ka pala kanina ka pa nakauwi?" Binubungkal niya pa rin yung lupa.

"Yeah so do you need a help?" Tumayo siya at humarap sakin.

"Oo sana.. Ayaw kasing magpabungkal nitong lupa kanina ko pa binubungkal" pinunasan niya yung pawis niya sa mukha.

"Sure"kinuha ko sa kanya yung pangbungkal at umupo pero hndi yung upong nakaupo sa sahig. Binungkal ko lng ng binungkal hanggang sa lumalim.

"Yown sa wakas na bungkal na rin... Yan na lng kaya yung hndi ko natataniman" tumayo na ako nilapag yung pangbungkal.

"Salamat Zero" tinanim na niya ng seed at tinabunan ito.

"Ano yang tinatanim mo?" Umupo ako sa bench.

"Rose.. Didiligan na lng, excited na akong makita silang lumalaki hihihih" Tumayo ako at kinuha yung hose at inabot sa kanya.

"Ay thank you... Pasok ka na doon Zero at magpahinga ka na dahil pagod ka sa trabaho" diniligan na niya yung mga tinanim niya.

"Mamaya na wala naman akong gagawin sa loob" umupo na lng ulit ako sa bench at pumikit.

Sarap talagang tumambay dito sariwa ang hangin.. Siguro kung nandito pa siya, siya mismo ang magaalaga ng garden. Nakapikit lng ako habang dinadama yung sariwang hangin.

Napamulat ako ng maramdaman ko na onti onti akong nababasa kaya napatingin ako kay Ayeshia na pinipigilan ang tawa.

"Stop it Ayeshia nababasa ako" tumayo ako at lumayo ng onti sa kanya para di mabasa.

"Ay sorry di ko sinasadya" nakangiti pa rin siya habang lumalapit sakin kaya nababasa na naman ako.

"Stop it Ayeshia magdilig ka na lng" lumayo ako sa kanya fuck basa na short ko.

"Sorry talaga hahahaha di ko sinasadya haha" tinaas niya yung hose at napapikit ako dahil dumiretso yung tubig sa mukha ko kaya buong katawan ko ay basa na.

"I'll count one to three.. At pag hndi ka nakatakbo ng mabilis humanda ka sakin" nawala yung ngiti niya sa labi.

"O-oi Zero joke lng ano ka ba" nauutal siya habang nagpapanic.

"One" nagbilang na ako at lumapit sa kanya.

"W-walang ganyanan" umatras siya.

"Two" napasmirk ako at lumapit ulit sa kanya.

"Di ko naman s-sinasadya ehh" umatras pa siya lalo kaya mas lalo akong lumapit sa kanya.

"Three" bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya ay bigla na lng siyang nagsisigaw at tinapat sa mukha ko yung hose.

"What the fuck!" Nabitawan niya yung hose at tumakbo na. Kinuha ko yung hose at hinabol siya.

"Humanda ka talaga sakin!" Tinapat ko yung hose sa kanya kaya nabasa na rin siya.

"Oi Zero joke lng yun!!!" Tawa ako ng tawa habang hinahabol siya basang basa na rin siya katulad ko.

"Bilisan mo tumakbo ang bagal bagal mo" halos madapa dapa siya sa pagtakbo kaya mas lalo akong natawa.

"Oi tigil na hinihingal na ako!!" Hingal na hingal na siya.. Hahaha nakakaabno yung takbo niya.

Nakita ko siyang nagtago sa isang malaking poste kaya lumihis ako ng daan at dumaan sa kabila para di niya ako mapansin. Buti na lng mahaba tong hose dahan dahan akong naglakad palapit at nakita ko siyang sumisilip sa pinanggalingan niya kanina.

Ng mapalingon siya sa gawi ko ay bigla na lng siyang sumigaw at nagumpisa na ulit tumakbo kaya mas binilisan ko yung pagtakbo at agad siyang niyakap sa likod. Tinapat ko sa mukha niya yung hose.

"Yah! Z-zero.... St.... Stop!!!!" Nagpupumiglas siya sa pagkakayakap ko.

"No way!" Hahaha hndi siya makaalis sa yakap ko dahil mas malakas ako sa kanya.

"Wahh!! Stop!! Stop!!!" Tawa lng ako ng tawa ng bigla akong makaramdam na may nakatingin samin. Kaya agad kong binaba yung hose at binitawan si Ayeshia.

"Go to your room now and change baka magkasakit ka" palakad na sana ako papuntang gate ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Ikaw di ka pa ba magpapalit? Baka magkasakit ka" humarap ako sa kanya at ginulo yung buhok niya.

"Magpapalit ako may titignan lng ako saglit" tumango siya at pumunta sa nasa loob ng mansyon. Tumakbo ako papuntang gate at ako na mismo nagbukas.

Lumabas ako at hinanap yung lalaking nakita ko kanina na nakatingin samin ni Ayeshia. Fuck sino yun? Isa ba siya sa mga spy? Well i think they already know that i have a fiance tsk. Bumalik na ako sa mansyon at pumuntang kwarto para magpalit.

Wag lang talaga nila siya idadamay kung hndi i will make them live in hell.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon