Chapter: 1

9.5K 148 1
                                    

Ayeshia's POV

"Lady Iya pinapapunta po kayo ng Emperor sa kanyang office" tawag sakin ng isa sa mga maid.

"Sige po pupunta na ako thanks" tumayo na ako para makapagayos. Hays ano na naman bang sasabihin ni Daddy? Makaligo na nga muna.

Dumiretso na ako sa c.r para makaligo. Ginawa ko na ang aking morning rituals at pumuntang walk in closet. Sinuot ko yung over sized long sleeves at short nag-old skool vans na rin ako hahaha..

"Dad!" Tawag ko kay daddy ng nasa harap na ako ng office niya.

"Pasok baby girl" pumasok na ako at nagmano sa kanya bago umupo sa harap niya.

"So dad may sasabihin ka po ba?" Diretso kong tanong para mabilis na.

"Anak pumayag ka na sa request ko... Para sayo rin naman yun eh" pagmamakaawa ni daddy.

"Dad naman ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na wala pa po sa isip ko yang mga ganyan" dirediretso kong sabi.

"Nak yun lng lamang yung hiling namin ng mommy mo kaya sana pumayag ka na" maluha luhang sabi ni daddy. Ano ba yan Dad wag ka namang umiyak nahihirapan akong tumangi ehhh.

"Aish sige na nga po para sa inyo ni mommy pumapayag na ako" pagpayag ko sa kahilingan ni daddy.

"Thanks anak.. Ano gusto mo bili ibibigay ko sa iyo" sobrang tuwa ni daddy.

"Wala po dad basta masaya ka, masaya si mommy okey na po ako" sabi ko sa kanya niyakap naman niya ako.

"Sige na nak magpahinga ka na at mamaya mo na makikita ang mapapangasawa mo" bumeso na ako kay daddy bago lumabas ng office niya magpapahinga muna ako para maganda naman ako mamaya sa engagement party hahaha.

Ay sorry nakalimutan kong magpakilala ako nga pala si Ayeshia Zumi Sy nagiisang anak ng mga Sy  hahaha 26 years old. Single ready to ay nakalimutan ko may fiance na pala ako. Grabe magpapakasal ako sa taong hndi ko naman kilala pero okey na rin yun para kayla mommy at daddy.

Well si daddy na lng ang kasama ko ngayon dahil nauna na si mommy sa venue ng engagement party pero syempre joke lng. Matagal ng patay si mommy at sisiguraduhin ko na ako mismo ang papatay sa kanila.

Nagulat ako dahil bigla na lng nagvibrate yung phone ko.

"Hello"

"Hello Assassin Queen nabalitaan ko na magpapakasal ka na pala"

"Ah oo eh teka kanino mo nalaman?"

"Syempre kay Emperor, ako kaya nagayos ng party niyo ng fiance mo mamaya"

"Grabe ka bat hndi mo sinabi sakin.. Pero thanks makakapunta ka ba mamaya?"

"Sorry Queen may gagawin ako mamaya eh"

"Ah ganon ba sayang naman"

"Okey lng yan so babye na goodluck mamaya and congrats"

"Babye thanks"

Oo totoo ang narinig niyo kanina isa akong Assassin Queen at si Dad ang Emperor. Tinabi ko na yung phone ko sa ilalim ng unan ko at natulog na ulit wala akong ganang kumain ng lunch.

Ace's POV

"King ito na po yung information na kailangan niyo" umayos ako sa pagkakaupo at kinuha yung folder.

"Ayiieee si king ini-istalk yung fiancée niya hahaha" panunukso sakin ni Lance tinignan ko lng siya ng masama at binuksan na ang folder.

Name: Ayeshia Zumi Sy
Age: 26 years old
~Only child ng mga Sy.
~Namatay ang nanay niya nung bata pa siya sa isang car accident.
~At siya ang namamahala sa kanilang Empire.
~She is Assassin Queen of the strongest assassin empire.

Hinagis ko yung folder sa table ko. So assassin pala siya well let see kung saan ang kaya niya.

"Ay ang galing so siya pala yung bagong Queen"napatingin ako sa mga gago kong kaibigan na binabasa pala yung information ng fiance ko.

"May katapat na si Boss siguro cold rin yun? Tapos laging seryoso katulad ni Boss ay ayoko ng pumunta sa bahay nila kung ganon, ayokong mamatay sa sobrang~" di ko na pinatapos yung sinasabi niya ng binato ko siya ng dragger.

"Boss naman joke lng syempre bibisita ako sa inyo ha ha ha" sabi ng gagong Lance na yun at tumakbo palabas.

"Umalis na kayo, ihanda niyo yung surprise gift ko sa kanya para mamaya" kinuha ko yung susi ng kotse ko at lumabas na.

Well i forget to introduce my self
Im Ace Zero Collinson and Im the Mafia King.

~so hello guys hehehe tapos na ang first chapter. Hope you like it

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon