Chapter:34

3.2K 68 12
                                    

Zero's POV

Simula ng makuha namin si Ice ay madalas ng pumupunta ang parents ko at parents ni Zumi sa bahay. Masyado silang sabik sa bata kaya halos doon na sila tumira.

Okey lng naman samin dalawa yun ni Zumi dahil pag wala ako sa bahay ay may nakakasama sila bukod kila manang. Muntik na nga magaway yung si daddy at daddy ni Zumi dahil nagpapagalingan sila kung kanino sasama si Ice, in the end pinili ni Ice si mommy kaya todo simangot yung dalawang matanda.

Saturday ngayon and napagdesisyonan naming family na bumisita sa rest house namin sa batangas dahil summer na rin kaya magandang magbeach. Dalawang araw kami doon at bukas ng gabi kami uuwi.

Dahil masyadong sabi nga yung dalawang matanda ay naunan na sila sa van habang bitbit-bitbit si Ice minsan nga sinasaway na sila ni mommy dahil nasasaktan na yung bata daig pa mga bata na akala mo laruan lng yung pinagaagawan.

Masaya rin naman na nababaling ang atensyon nila kay Ice kaya may time kaming dalawa ni Zumi sa isa't-isa. Kasi simula nung nakuha namin si Ice onti na lng atensyon na binibigay sakin ni Zumi. Pag matutulog kami laging nasa gitna si Ice pag gising naman si Ice agad aasikasuhin. Ibalik ko na lng kaya itong batang to sa ampunan?

Joke lng mahal ko itong si Ice tinuring ko na ring siyang tunay na anak at masaya ako na nakikita ko silang close na close ni Zumi. Nandito na kaming lahat sa van nasa may bandang unahan kami at silang apat nasa likod.

Zumi's POV

Medyo matagal yung byahe namin papuntang batangas dahil traffic at kumain pa kami ng lunch. Di na ako natulog ng bumyahe na ulit kami pero si Ice at yung mga matatanda ay tulog naman. Nakasandal lng ako kay Zero habang tumitingin sa byahe, si Zero naman ay nakapikit lng di ko alam kung tulog ba ito or hndi ay basta bahala siya masyado akong nageenjoy dito sa pagsandal at pag tingin sa paligid.

Sinalubong kami ng mga caretaker at kinuha yung mga bitbit namin. Si Zero na ang nagbuhat kay Ice dahil pagod na yung dalawang matanda at di naman pwede na si mommy ang magbuhat. Malalakas na alon ang sumalubong saming pamilya dahil di naman kalayuan yung dagat sa rest house. Sobrang saya siguro manirahan sa tabing dagat yung tipong payapa ang lahat walang pulusyon di katulad sa manila sobrang mapulusyon na at syempre mas masarap kung may asawa at anak ka na kasama. Yinakap ko yung magama ko habang nakatingin kami sa dagat.

"Do you like it wife?"

"Of course hubby parang ayaw ko na ngang umuwi ng manila at dito na lng manirahan"

"Soon wife papatayo tayo ng bahay dito sa batangas"

"Pwede naman na kahit ito na lng eh di na kailangan magpatayo pa"

"Syempre wife maliit lng tong rest house lalo na kung kasama natin sila mommy at daddy mo"

"Basta gusto ko sa tabing dagat para mapanood ko yung paglubog ng araw"

Pagkatapos naming magmuni muni doon tatlo ay pumasok na kami dahil tinawag kami ni mommy bibihisan niya daw kasi si Ice ng pang swimming, mukhang nakapagpahinga na itong matatanda kaya may energy na ulit para mangulit. Hindi kami hinayaan ni mommy na magpahinga at matulog dahil kailangan lahat kami ay magswimming sabagay di na naman ganon ka taasan ang araw kaya di na masakit sa balat at saktong sakto na sa swimming. Nagpalit na ako ng two at pinatungan ng see through dress at pumunta na ng dalampasigan. Nabutan ko doon sila daddy na nagtatampisaw na sa tubig kasama ang kanilang apo. Papasalamat ako dahil nakuha namin si Ice dahil kung hindi ay baka nabaliw na ako masyado ko ng mahal yung batang yun para mawala pa samin.

Ng magpapagabi na ay sabay sabay naming pinanood ang paglubog ng araw katabi ko si Ice at Zero magkatabi naman yung parents ni Zero at syempre dahil wala na si Mommy ay magisa lng si daddy, hay nako hahanapan ko na nga ito ng mapapangasawa si daddy para naman di na siya maging lonely.

Paglubog ng araw ay isa isa na kaming nagsibalikan sa rest house dahil maghahapunan na at medyo malamig na rin sa labas. Kaya lng pagdating ko sa kitchen ay napasigaw ako sa takot agad na lumapit si Zero sakin.

"Mom wag niyong dadalhin dito si Ice!!"

Nagsilapitan rin naman sila daddy upang alalayan ako dahil si Zero ay tinawagan agad yung mga bodyguard. Di ko alam kung anong mararamdaman ko dahil di ko inaasahan na makakakita ako ng ganon.

"Zumi Collinson ikaw na ang isusunod ko at ang anak mo!"

Yan yung nakasulat sa pader ng kitchen at may mga laman loob na mukhang bago pa na nakalagay sa counter table. Iyak ako ng iyak habang nakatingin sakin ang anak ko na walang alam kung anong ngyayari.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon