chapter: 3

6.2K 111 2
                                    

Ace's POV

Tangina nakakairita tong katabi ko ahh ang daming tanong. Hndi niya ba nahahalata kaya hndi ko sinasagot yung mga tanong niya dahil ayoko siyang kausap tsk napakamanhid.

Tapos parang di babae kung kumain siya lng kaya yung nakaubos ng pagkain na hinahatid samin nung waiter. Maganda sana siya pero aisshh nevermind.

"Oh mga anak masarap ba yung pagkain?" Isa pa to si daddy nakakabwiset.

"Opo tito sobrang sarap pero hndi ko po alam kay Zero kung nasarapan siya" sabi ni Ayeshia habang nagpupunas ng bibig. Sino siya para tawagin akong Zero kapal ng mukha feeling close.

"Ayiiee anak ah akala ko ba ayaw mong tinatawag kang Zero haha sige na maiwan ko na kayo tinatawag ako ni kumpare" tumakbo si daddy papunta kay Tito Zach.

"Ayy sorry ayaw mo palang tinatawag kang Zero sige papalitan ko na lng" sabi ni Ayeshia.

"Tsk call me anything you want" uminom na lng ako ng wine na dinala dito nung waiter.

"Okie dokie thanks Zero" umiwas ako ng tingin ng ngumiti siya.

Biglang nagvibrate yung phone ko kaya iniwan ko muna si Ayeshia doon sa table namin.

"Yes?"

"Okey na boss yung surprise gift mo"

"Sige papunta na kami dyan" tinago ko na yung phone ko at pumunta kayla dad.

"Dad aalis na po ako isasama ko si Ayeshia" pagpapaalam ko.

"Ay ayiieee hahahaha oi iho wag muna honeymoon ahh sige ingat kayo" sabi ni tito Zach kaya bumalik na ako sa table namin at nakita ko kumakain parin hanggang ngayon si ayeshia.

"Tara na may pupuntahan tayo" sabi ko at hinatak na siya palabas.

"Saan tayo pupunta hndi pa tapos yung party" pagtataka niya.

"Wala akong paki sa party na yan" binuksan ko yung pinto sa passenger seat at pinapasok siya. Dumiretso ako sa driver seat at pinaadar papuntang bar.

"Saan tayo pupunta baka hanapin tayo nila daddy" sabi niya.

"Nagpaalam na ako kaya manahimik ka na lng dyan" tumango na lng siya at tumingin sa bintana yun naman pala ehh marunong naman pala siyang tumahimik.

Pinark ko yung kotse ko nung makarating na kami sa bar.

"Labas na" sabi ko at lumabas na rin.
Hinatak ko siya papasok sa loob.

"Wah first time ko dito sa bar" sabi niya at panay ang tingin niya kung saan tsk ignorante. Dinala ko siya sa isang table.

"Saglit lng c.r lng ako" paalam ko at dumiretso sa security room. Hndi naman talaga ako naiihi palusot ko lng yun.

"Wow boss yun ba yung mapapangasawa mo?" Tanong ni Grey.

"Tsk umpisahan niyo na" sabi ko at umupo sa swivel chair.

Nagumpisa na akong makarinig ng putok ng baril kaya pinanood ko yung reaksyon niya.

Ayeshia's POV

Nandito ako ngayon sa bar grabe ganto pala talaga dito.. Sorry naman ngayon lng kasi ako nakapasok sa gantong lugar hndi ko kasi trip yung mga wild party. Hinihintay ko ngayon si Zero dahil sabi niya iihi lng siya.

Pinapanood ko lng yung mga sumasayaw sa harapan ng bigla akong nakarinig ng mga putok ng baril kaya naalerto ako.

Fuck dont tell may gera dito wala pa naman akong dalang baril sayang naman. Nanatili lng akong nakaupo at pinapanood ko yung mga taong nagpapanic dahil sa narinig nila. Patuloy pa rin yung mga putok ng baril at boom may natamaan na. Ano bang ngyayari dito?

May isang lalaking nakamask ang lumapit saakin at tinutukan ako ng baril.. Fuck anong gagawin ko.

"Hndi ka ba natatakot miss? Kung ako sayo tumakbo ka na habang may oras pa" pananakot nung lalaki hndi ko siya pinansin dahil wala siyang kwentang kausap at tsaka hinihintay ko si Zero.

"Aba hoy babae di ka talaga natatakot?!"mas lalong niya akong tinutukan ng baril tinignan ko lng siya.

"Nagawa mo pa akong sungitan" kinasa niya yung baril at tinutok ulit saakin. Tangina nakakainis na to ah hndi ba niya napapansin na kaya hndi ko siya kinakausap dahil ayoko siyang makausap.

Kakalabitin na niya sana yung gatilyo ng sipain ko yung table papunta sa kanya. Tumilapon siya kasama yung table sinalo ko naman yung baril niya. Tinanggalan ko ng bala at lumapit sa kanya.

"Alam mo kuya hndi ka nakakatakot eh nakakainis ka lng at tsaka pwede ba kung mananakot ka siguraduhin mo muna di tumatalsik yang laway mo buti sana kung mabango hndi naman tsk" binagsak ko yung baril niya sa mukha niya kaya napasigaw siya.

Hahaha kawawang ilong rest in peace umupo na ulit ako kung saan ako nakaupo kanina.

Ace/ Zero's POV

Hndi man lng siya natakot doon sa lalaking may baril. Hndi man lng siya kinabahan dahil wala siyang armas para lumaban okey napabilib niya ako.

"Wow boss Assassin Queen nga siya di siya basta basta natatakot" paghanga ni Lance.

"Gago may assassin bang takot? Tanga rin nito" binatukan ni grey si Lance. Tumayo na ako at lumabas pupuntahan ko na si Ayeshia.

"Let's go" sabi ko ng makalapit ako sa kanya.

"Bat ang tagal mo? Madami bang tao sa c.r?" Tanong niya habang sumabay sa paglalakad ko hndi ko siya pinansin at naglakad lng. Madami kaming nadadaanang bangkay pero wala lng sa kanya. Assassin nga siya well di na ako magtataka assassin ang tatay niya kaya marunong rin siyang pumatay.

Sumakay na kami sa kotse at hinatid ko na siya sa mansion nila hndi na ako bumaba para magpakita kay tito dahil pagod na rin ako.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon