Chapte: 15

5.2K 98 8
                                    

Zumi's POV

Nanonood  lng ako sa mga bandang tumutugtog sa stage habang kumakain ng dessert. Grabe ang sarap ng dessert nila ang daming marshmallows. Magisa lng ako ngayon sa table namin dahil umalis saglit si Zero pinuntahan kasi siya kanina ng mga ka-business partners niya kaya lonley ang lola niyo ngayon. Minsan sumasabay rin ako sa kanta nila ang gaganda kasi.

"Ma'am here's your juice." Ngumiti ako sa waitress at nagpasalamat bago siya umalis. Nasaan na ba si Zero kanina pa siya umalis ah ganon na ba kahaba at kaimportante ang pinaguusapan nila para iwanan niya ako ng ganong katagal. Nilibot ko yung paningin ko sa buong lugar nagbabakasakaling makita si Zero pero wala. Wala rin namang masyadong nakaupo dahil karamihan sa mga bisita ay nasa dance floor sumasayaw. Puro pala mga kasing edad namin ang mga bisita iilan lng ang mga matatanda.

Humarap na lng ako sa stage at pinanood yung banda, nakakailang kanta na sila pero wala pa rin si Zero baka kung ano ng ngyari doon. Nako gala pa naman yung isang yun tsk tsk. Saan ba nagsusuot yun pati sila Lance hndi ko rin makita nasaan na ba sila hala baka iniwanan na ako dinahilan lng nila na aalis sila saglit pero hndi na ako babalikan o baka naman nakalimutan na ako, nako nako masasapak ko sila pag nalaman ko lng talagang nakalimutan nila ako.

Nabobored na ako dito at sumasakit na yung pwet ko sa kakaupo kaya tumayo na ako at hahanapin ko sila, naiingit kasi ako sa mga sumasayaw doon ang sweet sweet nung kanta pero ako lng yung magisa. Nagumpisa na ako maglakad papuntang labasan ng biglang.

*Bang!!!*

"AHHH"Nagulat ako at napaupo ng makarinig ng putok ng baril at sigaw. Anong ngyayari bakit may putok ng baril? Naguumpisa ng magkagulo yung mga tao. Shit kinakabahan at natatakot na ako di ako handa sa mga ganito. Zero nasaan ka na ba? kailangan kita natatakot na ako.

Zero's POV

Nandito kami ngayon sa may beranda seryosong naguusap tungkol sa business. Tsk pwede naman kasing sa office na lng pagusapan napilitan tuloy akong iwanan si Zumi sa table namin kasama ko rin sila Lance kaya wala siyang kasama.

"Can you please make it fast... My wife is~."

*Bang!!!!*

"AHHHH!!!!!!" Di ko na natapos yung sasabihin ko ng makarinig kami ng malakas na tunog ng putok ng baril at malakas na sigaw. Fuck saan nanggaling yun, shit si Zumi. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Let's go si Zumi nandoon!" agad akong tumakbo papasok ng venue, nakasunod sakin sila Lance. Fuck si Zumi naiwan magisa doon wala akong iniwang magbabantay sa kanya. Nagkakagulo at nagtatakbuhan na yung ibang mga bisita, fucking shit ang hirap hanapin ni Zumi nasaan na ba yun?

"Find my wife now!!!" sigaw ko sa kanila kinuha ko yung baril ko at tumakbo papunta sa harapan ng stage. Dumiretso ako sa table namin pero wala na siya roon fuck shit nasaan na siya. Nilabas ko yung phone ko at dinail number niya pero hndi niya sinasagot kaya nagulo ko yung buhok at nagumpisa na namang tumakbo. Panay ang linga ko sa kaliwa't kanan nagbabakasakaling makikita ko siya. Anong bang ngyari bakit may nagpaputok?

Napatigil ako ng may naaninag akong peach na dress sa kanan kaya agad kong tinakbo at pinuntahan. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Zumi na nakaupo sa sahig at nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga. tinago ko yung baril ko at pumantay sa kanya.

"Zumi" tawag  ko sa kanya at inalis yung dalawang kamay niya sa tenga niya. Mabilis niya akong nilingon kaya tumayo ako at nilahad yung kamay sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at yumakap sakin.

"Bakit m-mo ko i-iniwan d-doon?" tanong niya habang umiiyak.

"Sorry di ko naman alam na mangyayari ito" niyakap ko na rin siya.

"Alam mo ba kung gano ako natakot? tapos wala pa akong baril para makipaglaban kung nagtuloy yung putok ng baril" hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya nung humagulgol na siya.

"Im so sorry baby please dont cry.... You're safe now stop crying please" hinimas himas ko yung likod niya at hinigpitan niya na rin yung pagkakayakap saakin.

"Boss" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko sila Lance nandoon.

"Alamin niyo kung sino yung may pakana non at dalin niyo sakin pag nakita niyo" sabi ko at tumango naman sila.

"Kayo na bahala dito... Personal kayong humingi ng sorry sa mga bisita padalhan niyo na rin ng regalo. Mauna na kami sa inyo" Utos ko at binuhat si Zumi dahil nakatulog kakaiyak.

dinala ko na siya sa kwarto niya at hiniga sa kama, pinatawag ko na rin yung maid para mabihisan siya. Hinalikan ko muna siya sa noo bago lumabas ng kwarto niya.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon