Chapter:33

3K 65 4
                                    

Zumi's POV


Isang linggo ng nakakalipas since magumpisa yung monitoring namin at ngayong araw ay malalaman namin ang resulta kung makukuha ba namin si Ice o hndi. Kagabi todo dasal ako na sana makuha namin siya dahil nga napapamahal na saamin yung bata. Sa loob ng isang linggo sobrang saya naming tatlo di lng kami ang napapasaya ni Ice kundi pati sila manang, yung mga tao dito sa mansyon.

Nakita na rin siya nila daddy sobrang tuwang tuwa yung mga matatanda nung bumisita sila dito. Buti na lng talaga naging close at naging komportable sila sa isa't isa. Sa bawat araw na lumipas na nakasama namin si Ice ay mas naging close rin yung mga tao dito sa mansyon dahil minsan ay nakakalaro nila si Baby lalo na nung isang araw na kaming dalawa lng ni Ice ang naiwan sa bahay bukod kila manang dahil si zero ay kailangan pumasok sa office, nakaleave sana siya ng isang linggo dahil nga may monitoring kami pero nagkaroon ng emergency at kinailangan niyang pumasok. Pero agad rin namang naging okey yung problema sa office kaya tuloy na ulit yung leave niya.

So ngayon ay sunday it means Church day and family day, kasama namin sila daddy at parents ni Zero sa church ngayon dahil ipagdadasal daw nila na sana makuha na talaga namin si Ice. Medyo late na kaming nakarating sa simbahan at buti na lng paumpisa pa lng yung misa. Sobrang bagal kasi kumilos ni Zero ngayon araw di ko alam kung bakit di naman siya ganyan.

Ng matapos yung misa ay pinahupa muna namin yung mga tao bago lumabas iisang sasakyan lng gamit namin ngayon at si Zero ang nagdadrive nasa backseat si Ice kasama ang mga grandparents. Naghanda sila manang ng lunch sa mansyon kaya doon na rin maglalunch sila daddy.

Pagkadating namin doon ay nakahanda na sa garden yung lunch, naghugas muna kami ng kamay bago pumunta sa garden. nakasalubong namin si Atty kaya niyaya na rin namin siya na dito na lng kumain. Infairness ah sipag ni Atty kahit sunday dami niya kasing bitbit na folder at mga iba pang papers.

"Mr. Collinson i already have the result"

"Really?!"

"Yes Mrs. Collinson kahapon ko pa po siya nakuha"

"Give it to me!! ako ang babasa!!" Sigaw ng mama ni Zero habang patakbo na lumapit kay Atty.

Nagkadalaglag pa yung ibang folder na hawak ni Atty dahil sa pagmamadali atat na atat na kasi si Mommy na makita di tuloy magkanda uagaga si Atty. Ng mahawakan ni Mommy yung folder ay agad niya itong binuksan at binasa. Nagulat kaming lahat dahil biglang napaupo at umiyak si Mom. Kinabahan agad ako sa reaksyon kaya naman di ko na nagawang silipin.

"Anong pwede naming gawin para makuha namin si Ice? Bakit di sila pumayag? Di naman naging malupit tong mga anak ko kay baby Ice ah? Why?!"

Di na ako nakapagsalita at miski saamin ay walang balak kumibo, naguluhan naman si Atty dahil sa sinabi ni Mommy. Pinuntahan ni Zero kung nasaan ang kanyang nanay para kunin yung folder at basahin pag ka basa niya ay tinignan niya ng masama si Atty. Suldaga.

"Are you fucking Kidding me?! Ibang pangalan naman ang nakalagay dito!"

Lahat kami ay nagtaka sa sinabi ni Zero kaya nilapitan namin siya at binasa yung pangalan. Agad naman hinanap ni Atty yung folder na para saamin at binigay. Nakahinga ako ng maluwag dahil nalaman ko na makukuha na namin si Ice.

"Tsk sabi na e makukuha natin si Ice e kaya mare wag ka na umiyak saatin na yung apo natin"

Napakamot at nanghingi ng pasensya si Atty dahil sa kapalpakan niyang nagawa. Sarap keltokan e di man lng sinigurado kung samin ba nakapangalan yung papers, kasalanan rin naman ni Mommy sa sobrang atat niya ibang papers tuloy nakuha at naibigay ni Atty char hahaha baka malaman pa ito ni mommy at paghiwalayin pa niya kami. Kaya kayo wag kayong magbibitbit ng madaming papers baka iba ang mabigay niyo.

Masaya naming kinain ang lahat ng niluto ni manang at di na lng inalala yung kapalpakan na nagawa ni Atty. Sinabay na rin namin sila manang kumain para na rin celebration for Baby Ice.


Finale nasa pangalan na rin ni ice ang surname namin ni Zero at matatawag na rin namin siyang Ice Caileb Sy. Collinson.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon