Chapter:30

5.1K 89 26
                                    

Zumi's POV

Kanina ko pa kinukulit si Zero na sabihin sa akin kung saan kami pupunta. Lintek kasi ginising ako ng maaga para magayos tapos di naman sasabihin kung saan kami pupunta. Pag naman tinatanong ko laging sagot "just wait you will know it later" kakainis.

"Zumi make it fast"

Di ko siya pinansin at mas binagalan yung pagaayos. Bahala siya dyan mas tatagalan ko magayos, ayaw naman niyang sabihin kung saan kami pupunta e.

Mahigit isang oras rin akong nandito sa kwarto at siya pabalik balik dito sa room para bulabugin ako.

"Tigas talaga ng ulo mo Zumi sabi ko na bilisan mo mas binagalan mo naman"

"Aba kasalanan ko pa ngayon, kung sana sinasabi mo sakin kung saan tayo pupunta ngayon edi sana kanina pa tayo nakaalis diba"

"Malalaman mo naman kasi wife e maghintay ka lng"

Di ko na lng siya pinansin at bumaba na nangigigil kasi talaga ako sa kanya. Hanggang sa byahe di ko siya pinapansin hindi niya rin naman kasi ako kinakausap hahahaha. Pinag masdan ko na lng yung mga dinadaanan namin hanggang sa marealize ko na parang alam ko kung saan patungo ito.

"Oi budoy bakit tayo pupunta sa orphanage?"

"Anong tawag mo sakin?"

"Budoy bakit angal ka?"

"Sa gwapo kong to tatawagin mo lng akong budoy"

"Kapal ng mukha mo Zero mukha kang budoy! Bakit nga kasi tayo pupunta sa orphanage?"

"Oh bakit mo hininto yung kotse?" Para kasing tanga hininto yung kotse e nasa gitna kami ng kalsada sabagay wala namang ibang dumadaan dito.

Nagulat na lng ako ng bigla niya ako hinalikan sa labi. Hindi ako makagalaw dito sa kinauupuan ko at nakatingin lng sa kanya.

"Yan para manahimik ka kahit saglit lng"

Nagpatuloy na ulit siya sa pagdadrive at ako dito parang tangang nakatingin lng sa daanan. Ng makarating kami ng orphanage ay di pa rin ako nagsasalita hanggang sa makababa siya.

"Do you want me to kiss you again wife to wake you up"

Anak ng lintek nakangisi pa ang gago suntukin ko to e. Di ko siya pinansin at bumaba na sa sasakyan, nauna ako sa kanyang maglakad kasi hanggang ngayon lutang pa rin ako. Napansin ko na lng na katabi ko na siya nung hinawakan niya yung waist ko.

Sinalubong kami ng mga madre at ng mga bata. Agad kong hinanap si baby Ice pero di ko siya makita, nasaan na kaya yung batang yun.

"Good morning Mr and Mrs Collinson masaya kami na nakabalik kayo dito sa aming munting bahay"

"Syempre naman po, paulit ulit po namin itong babalikan ni Zero"

"Of course, nasabi naman po ba sa inyo ni attorney?"

"Yes Mr. Collinson naasikaso na po ni Atty. Suldaga lahat ng kailangan niyo, iuuwi niyo na lng po siya sa bahay"

"Anong iuuwi? Sinong iuuwi budoy?"

"Can you please stop calling me budoy Wife"

"Sumunod na lng po kayo sa loob"

Naiwan kami dito sa labas ni Zero. At ngayon ako ay naguguluhan dahil ano ba talagang pinunta namin dito.

"Anong iuuwi hubby?"

"Iuuwi na natin si baby ice wife"

"Wait...what!? Seryoso?!?!"

"Don't shout wife, and yes kahapon inasikaso ko na lahat ng papers and nakausap ko na rin si Atty. Suldaga"

I can stop my self to hug him tightly and to kiss him.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"I wan to surprise you wife kaya di ko sinabi sayo"

"Thank you hubby"

Pumasok na kami sa room ng mga bata and nakita ko doon si baby ice na nakaupo sa kama niya katabi ng mga bag niya. Ng makita niya kami ay binigyan niya kami ng isang malungkot ng ngiti.

"Oh baby bakit ka malungkot?"

"Kasi po kung kelan naman ako kukunin ng mga umampon sakin tsaka naman po kayo dumating"

"What?"

Tinignan ko si Zero at binulong niya sakin na hindi pa daw alam ni Baby Ice na kami ang umampon sa kanya. I gave Baby Ice a big smile.

"Baby Ice kami ang aampon sayo"

"Po? Seryoso po?"

"Yes buddy kami yung magaampon sayo"

Nagulat ako ng bigla akong dinamba ng yakap ni Baby Ice at buti na lng kama ang nasa likuran ko kung hindi sa sahig kami babaksa dalawa. Narinig ko yung paghikbi niya kaya umayos ako ng umupo at pinaupo siya sa lap ko.

"Bakit ka umiiyak baby? Ayaw mo ba?"

"Hindi po masaya lng ako kasi kayo ung umampon sakin, akala ko po kasi hindi niyo na ako babalikan"

"Of course not baby, babalikan ka namin diba yun yung pangako ko sayo, pangako namin"

"Ilang buwan po kasi kayong di pumunta kaya po di na ako umasa na babalik kayo"

"Awwww im sorry baby naging busy lng kami kaya di agad nakabalik, but it's okey kasi starting tomorrow makikita mo na kami araw araw"

"Let's go na wife para maasikaso natin yung kwarto niya"

Pinunasan ko na muna yung mga luha niya at kinarga habang si Zero naman dinala lahat ng gamit ni Baby Ice. Nagpaalam na kami sa mga bata at sa mga mader.

Ngayon nakaupo ako sa backseat kasama si Ice dahil bawal kaming dalawa sa passenger seat kaya mukha tuloy driver si Zero. Nakakakandog at nakasandal sakin ngayon si Ice siguro napagod sa kakaiyak kanina kaya nakatulog.

Di ko ineexpect na makukuha na agad namin si Ice dahil di ko alam na inasikaso na pala agad ni Zero lahat.

Sobrang saya ko dahil magkakaroon na ng bata sa mansyon.

~hi guys its been a long time hahahhha sorry busy lng kasi daming project sa school and busy rin sa pagreview para sa entrance exam. Sorry kung ang sabaw sabaw ng update ko hahahha.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon