Chapter:37

2.6K 55 4
                                    

Zumi's POV

Kakatapos ko lng magimpake ng mga gamit ni Ice ng biglang dumating si Zero. Tinignan niya ako at yung mga maletang nakahilera sa tabi ng kama namin. Buo na desisyon ko, gusto niyang tumira ako sa palasyo okey fine pero isasama ko ang anak ko di ko hahayaan na maiwan dito si Ice.

"Hindi mo pwedeng isama si Ice Ayeshia"

"Please Zero hayaan mo kong isama ang anak natin sinunod kita sa gusto mo na tumira ako sa palasyo kaya sana naman pagbigyan mo ako... Naiintindihan ko ang lahat ng ngyayari sa atin, naiintindihan ko na gusto mo lng akong maging safe pero ang di ko maintindihan bakit hindi ko pwedeng isama ang anak natin"

Di ko na natuloy yung iba kong sasabihin dahil biglang pumasok si Ice. Pinakalma ko yung sarili ko dahil ayokong makita ako ng anak ko na ganito kami ng papa niya. Labas si Ice sa pagtatalo namin magasawa.

"Mama where are we going? Magbabakasyon po ba ulit tayo?" Masiglang tanong ng anak ko.

"Yes baby pero tayong dalawa lng di makakasama si papa dahil may work pa siyang inaasikaso, hahabol naman kung maaga niyang matatapos lahat ng trabaho niya"

"Ay ganon po ba? Basta papa susunod ka ah"

"Sige na baby ilagay mo na sa bag mo yung iba mong toys para may malaro ka doon"

Sinamahan ni manang si ice sa kwarto nito para asikasuhin yung mga laruang dadalin.

"Pwede ka namang dumalaw doon kung gusto mo"

Lumabas na ako ng kwarto at sa baba ko na lng hihintayin si Ice, yung mga maleta ay dinala na sa van. Kanina pa ako gustong kausapin ni Zero pero di ko siya pinapansin kaya ngayon ay nanahimik na lng siya habang tinitignan yung mga tauhan niya na bitbit bitbit yung gamit namin ni Ice. Di ko naman ginusto na umalis siya ang nagpumilit.

Umalis kami ng mansyon ng wala man lng sinasabi si Zero niyakap at hinalikan niya lng yung anak namin at umakyat na sa taas. Ngayon palang ako titira sa palasyo iniiwasan ko kasing mangyari yun dahil alam ko lahat ng kilos ko ay limitado. Kaya nga noon mas pinili ko na tumira sa bahay ni Zero kesa sa palasyo e.

Di ko alam kung gaano katagal kaming magiistay doon pero sana matapos na lahat at wag ng tumagal pa ayokong maapektuhan yung pamilya ko dahil lng sa mga gagomg gustong sumira ng buhay namin.

Ng makarating kami ay sinalubong kami ng mga di ko kilalang tao, sa ngayon wala akong sa mood makipagusap sa kanila kaya tinanong ko agad kung saan yung kwarto namin ng anak ko. May mga kasama kaming tauhan ni Zero di ko alam bat pinasama niya pa yun eh madami namang nagbabantay samin dito.

Hinayaan ko lng yung anak ko na maglaro habang nanonood ng t.v, ewan ko wala talaga akong sa mood na kumilos gusto ko lng panoorin yung anak ko na masaya sa sarili niyang mundo.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon