Chapter:28

4.8K 92 12
                                    

Zumi's POV

"No Zumi ako ang magdadrive"

"Eh Zero ako na di mo naman alam kung saan tayo pupunta ako"

"Sabihin mo sakin para malaman ko"

"No please ako na"

Hinila ko na siya papuntang passenger seat dahil kanina pa kami nagtatalo pinagpipilitan niya kasi na siya na magdadrive eh di naman niya alam. Well heheheheh alam naman talaga niya kung saan daan non kaya lng ayoko munang sabihin sa kanya kung saan kami pupunta.

Bago kami dumiretso sa pupuntahan namin ay namili muna kami ng mga pagkain kaya nagtataka na itong kasama ko kung saan ba talaga kami pupunta. Napakaatat naman kasi kanina pa ako kinukulit kung saan ba kami pupunta, di makapaghintay kaya sa bawat tanong niya di ko na siya sinasagot kaya ayun badtrip ang kuya niyo.

"Just wait Zero malapit na tayo sa pupuntahan natin"

At ako naman ang hindi niya pinansin hahahahha badtrip na nga siya. Di kasi makapaghintay pag naman nakarating na kami doon malalaman niya rin naman.
And sa wakas nandito na kami sa gate.

"Paraiso ng Kabataan?"

"Yes namiss ko na kasi si baby ice, tutal nakaleave ka naman so bakit hindi natin siya bisitahin"

"Dito pala tayo pupunta sana sinabi mo na lng para ako na yung nagdrive tsk"

"Bakit ka ba nagagalit?"

"Sana kasi ako na yung nagdrive"

"Ano naman kung ako yung nagdrive?"

"Ewan ko sayo"

"Ay hahahahhaha ayaw mo ng pinagdadrive ka ng babae no"

"Tsk ipark mo na nga para makapunta na tayo"

Bumaba na siya at ako naman ay nagpark hahahaa kaya pala galit ang kuya niyo dahil ayaw niyang pinagdadrive siya. Kinuha na namin yung mga food sa compartment at pumasok na sa loob. Sinalubong agad kami ng mga madre at tinulungan sa pagbubuhat ng mga box. Pagkatungtong ko palang sa playground hinanap ko na agad si Ice sa mga batang naglalaro pero wala siya doon. Hay nako yung batang talaga na yun di marunong makihalubilo sa ibang mga bata. Nilapag ko lng yung bitbit ko at dumiretso sa lumang playground. Nakita ko siya na nakaupo sa slide at nakasibangot, nakakunot yung noo at nakapout.

"Hi baby!"

Nagulat siya ng napalingon sa pwesto ko, tumakbo ako yinakap agad siya. Mygad namiss ko siya ng sobra.

"Ate Zumi?"

"Yes baby?"

"Ikaw po ba yan?"

"Syempre naman kamusta ka na?"

Pinaupo ko siya sa bench at tumabi sa kanya.

"Oh bakit parang di ka makapaniwala na nandito ako?"

"Akala ko po kasi di niyo na tinupad yung pangako niyo sakin ilang linggo ko na po kasi kayong hinihintay at di naman po kayo dumating kaya di na ako umasa"

"Hala baby sorry busy kasi si Zero kaya di ako makapunta, bawal kasi akong umalis ng bahay pag di siya kasama e"

"Okey lng po naiintindihan ko po"

"So kamusta ka na?"

"Okey naman po alam mo ate sinubukan kong makipaglaro sa mga bata dito kaya lng di po ako nagenjoy e"

"Bakit di ba sila mabait sayo?"

"Mabait naman po pero nabobored po kasi ako sa kanila at ikaw po kasi yung gusto kong makalaro"

"Ayt ganon edi maglaro tayo ngayon"

"Talaga po?"

"Oo naman kaya nga ako pumunta dito para sayo e"

Nagumpisa na kami maglaro kung ano ano yung mga pinaggagawa namin at maririnig sa lumang playground mga tawa namin. Ng mapagod kami ay bumalik kami sa bagong playground kung saan nandoon sila Zero na nakaupo sa bench.

"Zumi kanina ka pa namin hinahanap nila sister gusto nilang magpasalamat sayo kaya lng bigla ka namang nawala"

"Dumiretso na kasi agad ako sa lumang playground"

"Iho iha, magpalit na kayo ng damit para makakain na tayo ng hapunan"

"Ah okey sige po"

Binigay ko muna sa kanila si Ice para mabihisan rin at kami naman ni Zero dumiretso sa kotse para makuha yung damit at makapagpalit. Sa kotse na nagpalit si Zero at ako naman dumiretso sa c.r para magpalit. Grabe di ko namalayan na gabi na pala sobrang saya kasi namin ni Ice kanina at di namalayan ung oras. Nagkita kita kami ni Zero at nung mga bata sa dinning hall, naghahanda na sila sister ng pagkain kaya tumulong na ako. Ng maayos na lahat ay umupo na kami sa kanya kanyang upuan.

"Ice ikaw na ang manguna sa pagdadasal"

Nagaalangan siyang tumayo sa kanya upuan, inalalayan ko naman siya dahil baka mahulog katabi ko lng kasi.

"In the name of the father, the son, the holy spirit, amen God thank you po sa mga pagkaing pinagkaloob niyo sa amin at maraming salamat po dahil pumunta po ulit dito sila ate Zumi at kuya Zero, amen"

Kiniss ko siya sa cheecks after niyang magdasal at binuhat para makaupo. Nilagyan ko siya ng pagkain sa plate niya at sinubuan.

"Kumain ka na ako na magsusubo sa kanya"

"Di na Zero ako na, nakakakain naman ako habang sinusubuan ko siya"

Pagkatapos ko siyang subuan tsaka naman ako kumakain salitan lng hanggang sa matapos kami pareho. Jusq ang lakas kumain ng batang ito kaya pala tumataba e, after kumain pinagpahinga lng yung mga bata at nilinisan para makatulog na. Pinakiusapan ko naman sila sister and zero na ako na ang magpapatulog kay Ice at pumayag naman sila.

"Tara na baby sleep na tayo"

"Dito ka po matutulog?"

"Ay hindi pwede baby papatulugin lng kita at uuwi na kami"

"Di ko na naman po kayo makikita"

"Wag kang magalala baby sa susunod na matutulog ka katabi mo na ako at paggising mo makikita mo ulit ako"

"Po?"

"Basta sa ngayon matulog ka na muna"

"okey po"

Pinahiga ko na siya at kinumutan, tumabi ako at marahan ko siyang tinatapik sa legs kasabay ng mahina kong pagkanta. Di naman nagtagal nakatulog na rin siya kaya dahan dahan akong tumayo at marahan siyang hinalikan sa noo.

"Tara na Zero, aalis na po kami sister maraming maraming salamat po"

Sumakay na kami sa kotse and this time si Zero na ang nagdrive.

"Masaya ka ba?"

"Yup sobrang saya ko at sobra ko ring mamimiss si Ice"

"Zero"

"What is it wife?"

"Gusto kong ampunin si Ice"

"Gustong gusto kong iuwi si Ice sa bahay natin"

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon