Chapter: 4

6.2K 100 0
                                    

Ayeshia's POV

"Anak wag kang magalala dadalaw naman ako sa bahay niyo at tsaka maganda doon"nandito si daddy sa kwarto ko at iniimpake lahat ng gamit ko.

"Dad pwede naman pong dito na lng ako eh" ayoko kasing iwan si daddy dito magisa.

"Sige pumili ka Assassin Palace or sa bahay ng asawa mo?" Nagmadali akong kunin yung iba kong gamit at sinalpak sa maleta.

"Dad naman di ka mabiro alam mo dad excited na nga po akong makasama si Zero ehh hahaha " ayoko kasi sa assassin palace, Oo assassin ako at nakapatay na pero hndi ako sanay pumatay ng tao.

"Yun naman pala eh sige na nak nandyan na si Ace" bumaba na kami ni dad dala dala yung mga maleta.

"Ipapadala ko na lng yung iba mong gamit anak" sabi ni daddy bago humalik saakin.

"Sige po tito Zach alis na po kami ni Ayeshia" pagpapaalam ni Zero kiniss ko si dad sa pisngi.

"Amm Ace pwede ka bang makausap muna bago kayo umalis?" Tumango naman si Zero at sumunod kay dad papuntang office niya. Ano kayang paguusapan nila? Baka boys talk.

Zero's POV

"Tito Zach ano yung sasabihin niyo" tanong ko nung makaupo kami.

"Ace bantayan mo ang anak ko ah. Alam kong Assassin Queen siya pero hndi pa siya sanay pumatay" so what's the point?

"Gusto kong turuan mo ang anak ko kung paano mamahala.. Alam kong mafia ka pero wala namang pinagkaiba ang pamamahala ng mafia sa assassin... Ayaw kasi tumira ni Ayeshia sa palace at miski ako ayoko siyang papuntahin doon... Pero no choice ito ang kapalaran niya. Kaya please tulungan mo ang anak ko" nakikita ko sa mga mata ni tito ang lungkot dahil mahihiwalay siya sa anak niya.

"Sige po tito ako na po ang bahala" sabi ko at tumayo na.

"Saan maganda ang maging kalabasan nito" yan ang huli kong narinig bago ako tuluyang makalabas ng office.

Tsk dagdag trabaho na naman toh bakit hndi ba siya marunong tumayo sa sarili niyang mga paa? Aisshh bat ba kasi ako nagkaroon ng fiance na isip bata.

"Anong pinagusapan niyo ni dad?"salubong sakin na tanong ni Ayeshia.

"Nothing.. Mga reminders lng"sabi ko bago dumiretso sa kotse sumakay na rin siya sa passenger seat.

Tahimik lng ulit yung naging byahe namin hndi ko alam kung anong ginagawa ng isang toh.

Bumusina na ako ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko.

"Sino po ito?" Tanong ng isa sa mga nagbabantay.

"Just open the fucking gate" tsk may monitor naman sila bat hndi nila tignan para malaman kung sino ako.

"Ay sorry po master" bumukas na yung gate kaya pinaandar ko na ulit yung kotse ko at pinark sa main entrance.

"Get all the bag in my compartment" sabi ko sa mga maid ko ng makasalubong ko sila. Tinignan ko naman si Ayeshia tsk kaya pala tahimik dahil tulog.

"Gisingin niyo yung babae sa loob" utos ko sa kanila at pumasok na sa mansion. Well i have my own mansion matagal na akong humiwalay kayla mommy at daddy. Malaki na rin naman ako para mamuhay ng magisa pero sa tingin ko hndi na ako magisa dahil may makulit akong kasama.

"Grabe ka Zero ah di mo man lng ako ginising kanina yan tuloy di ko nakita yung mga dinaanan natin!" Umalingawngaw yung sigaw niya sa loob ng mansion. Humarap ako sa kanya at nakita kong pinipigilan siya ng mga maid.

"Tsk just let her do what she want to do.. Manang samahan mo na siya sa kwarto niya" umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Nakakairita siya pasalamat siya babae siya kung hndi matagal ko ng tinapalan yung bibig niya.

Ayeshia's POV

Grabe siya hndi man lng ako ginising habang nasa byahe kami, bat naman kasi na tulog yan tuloy di ko nakita yung mga dinaanan namin. Hanggang ngayon ay pinipigilan pa rin ako ng mga maid ano bang nagawa ko sumigaw lng naman ako ah.

"Ms wag ka na pong sisigaw ulit dito sa loob ng mansyon.. Baka po kung anong magawa sa inyo ni master" sabi ng isa sa mga maid habang nakahawak sa kamay ko.

"Huh? Eh bakit po parang sumigaw lng ehh" pagtataka ko bakit bawal na bang sumigaw ngayon?

"Basta po Ms wag na po ulit kayong sisigaw ayaw na ayaw po kasi ni Master ang maingay" ay ganon okey sige dahil mabait naman akong bata susunod ako hahaha.

"Ah iha ako nga pala si Manang Lillia... Tara na iha sa iyong kwarto" tawag sa akin ng isang matandang babae.

"Ah sige po manang" sumunod na ako kay manang papunta sa aking kwarto. Well infairness maganda yung mansion ni Zero hahahaha.. Madaming pinto dito sa second floor at ang sabi ni manang wag na wag ko daw bubuksan kahit isa dyan pwera na lng sa kwarto ko at kung may permiso ako kay Zero.

"Salamat po manang" tumango sa akin si manang bago umalis. Binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko at sobrang tuwa ko dahil favorite color yung theme niya hahaha..
Parang kwarto ko rin sa mansyon namin may malaking t.v, may sofa at ayiiess sosyal may balcony hahahaha.. Nilibot ko yung buong kwarto at ang masasabi ko ang ganda ang cute cute lahat ng wall ombre purple.

Wala pa dito yung mga gamit ko kaya hndi ko pa mailagay sa walk in closet yung mga damit. Humiga muna ako sa kama para makapagpahinga at bigla na lng bumigat yung mga talukap ng mata ko at nakatulog ako ng wala sa oras.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon