Chapter:38

2.7K 57 6
                                    

Zumi's POV

Ilang araw na kaming nagiistay dito ni Ice at ilang beses niya na rin tinanong si Zero kung pupunta ba ito lagi ko namang sagot sa anak ko ay busy pa ang daddy niya at di pa makakapunta.

Mahirap rin magsinungaling kay Ice dahil masyado siyang matalino para maloko. Di siya katulad ng ibang bata na madaling mauto.

Medyo nabobored na rin si Ice dito ikaw ba naman buong araw naglalaro lng manonood ng t.v kakain at matutulog sinong di mabobored doon. Kaya madalas na ring natatanong ni Ice yung papa niya.

Hanggang ngayon di pa rin kami naguusap ni Zero pag tumatawag siya si Ice ang pinapakausap ko at ngayon balak niya atang pumunta dito.

"Baby you need to take a bath now"

"Mama later po nanonood pa ako e"

"Darating si papa mo anak kaya need mong maligo"

"Pupunta na si papa dito?"

Tumakbo siya papunta sakin at nagpakarga na para maligo. Need kong paliguan tong anak ko baka sabihin ng asawa ko pinapabayaan ko anak namin.

Dito balak maglunch ni Zero kaya pinadamihan ko yung mga pinaluto ko. Ewan ko ba sa taong yun bakit ayaw niyang dito rin magstay. Kasi nung isang araw di ko sinasadyang makausap siya tapos yun tinanong ko na kung bakit hndi na lng din siya magstay dito sa bahay sagot naman ni gago ay ayaw niya daw dahil di daw siya sanay dito. Ulul siya oi di rin naman kami sanay dito ng anak niya ah nagreklamo ba kami.

Kaya mas lalo akong nagalit sa kanya ngayon. Kumatok yung isang maid dito sa kwarto upang ipaalam na nandito na si Zero kaya inasikaso ko na agad ni Ice di na ako maliligo dahil nakaligo na naman ako kanina pagkagising ko. Tsaka di ko na need magayos siya lng naman yung bisita.

Agad niya kaming sinalubong ng yakap ng makababa kami. Dahil galit ako ay medyo umiwas ako at binigay ko si Ice sa kanya. Nandito rin pala si manang kasama niyang pumunta kaya si manang na lng ang kinausap ko at niyaya sa kusina.

"Hindi pa rin ba kayo okey ng asawa mo iha?"

"Hindi pa rin manang eh ewan ko ba simpleng bagay lng naman pinagawayan namin pero di kami magkaintindihan"

"Nagusap na ba ulit kayo about sa ngyari?"

"Di pa rin po sinusubukan ko rin naman po siyang intindihin pero wala e mas lalo lng sumasama loob ko sa kanya"

"Wag mo ng piliitin anak mas sasama lng loob mo, wag mo na lng muna masyadong isipin"

Naghanda na kami ni manang ng lunch para makakain na late lunch na rin kasi medyo natraffic sila. Habang kumakain kami at si manang at si Ice lng ang kinakausap ko si Zero naman ay si manang at si Ice lng din ang kinakausap. Masyadong mataas rin pride ng asawa ko ata di nagpapatalo.

Ng matapos akong kumain ay nagpaalam ako sa kanila na aakyat muna ako at sila muna ang bahala kay Ice. Matutulog na muna ako dahil napuyat ako kagabi kakalaro sa anak ko.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon