Chapter: 35

2.8K 64 6
                                    


Zero's POV

Umuwi agad kami ng makita namin yung death threat, buti na lng napakalma agad namin si Zumi dahil takot na takot siya. Pinahanap ko sa mga tauhan ko kung sino yung may gawa non. Naguumpisa na naman sila malaman ko lng kung sino may pakana non lagot siya sakin. Buti na lng hndi si Ice ang nakakita dahil masyado pa siyang bata para makakita ng ganong bagay.

Mas dinoblehan ko yung mga guard na pinagbabantay ko dito sa mansyon habang di ko pa alam kung sino ang may pakana non. Kinakabahan lng ako tuwing umaga dahil need kong pumasok sa trabaho at di ko mababantay si Zumi.

Zumi's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung may ngyari sa rest house nila Zero. At hanggang ngayon patuloy pa rin kaming nakakatanggap nito kahapon sila mommy ang nakatanggap at ngayon kinakabahan ako na baka si Ice naman ang susunod na makakita.

Dahil hangga't maaari ay di naman siya hinahayaan na makakita ng ganon, masyado pa siyang bata para makakita ng ganong death threat.

Mas pinaghigpitan ni Zero ang pagbabantay dito sa mansyon at miski sa loob may mga tauhan niya na nakakalata para magbantay.

Sa ngayon ay di ko hinahayaan na magisa si Ice natatakot ako para sa anak namin dahil di biro yung ngyayari samin ngayon. Sila manang ay natatakot rin kaya halos sa lahat ng oras ay magkakasama kami.

Madalas naman na umuuwi na rin ng maaga si Zero or kaya inuuwi niya dito sa mansyon yung trabaho tutal ay may office rin naman siya dito.

Di rin muna namin pinagamit yung kay Ice yung kwarto niya para na rin sa kaligtasan niya. Masyadong matalino ang anak ko at parang naiintindihan niya yung ngyayari samin, ramdam ko na gusto niyang magtanong samin pero di niya ginagawa.

Buti na lng kahit na may mga tauhan na nakakalata si Zero dito sa loob ng mansyon ay di pa rin nakakakita si Ice ng mga baril. Ayoko siyang makakita non, ayoko na bata pa lng siya may magkaroon siya ng alam sa mga bagay na ganito.

Alam ko na once na tumanda siya ay magkakaroon siya ng kaalaman pero sa ngayon wag na muna gusto kong maenjoy ng anak ko yung pagiging bata niya.

Masyado akong nagooverthink para sa anak at sa pamilya ko, alam ko na di basta basta pananakot lng yung gusto gawin non.

Mas okey ng handa kesa naman mabigla kami. Nandito kami nila mana ngayon sa movie room dahil gusto manood ni Ice manood ng cartoon. Nagpaalam muna ako kay manang na kukuha ako ng makakain sa baba at siya muna ang bahala kay Ice.

Sobrang tahimik dito sa mansyon nakakainis panira talaga ng buhay kung sino mang gago yun.

Nagbake kasi ako ng cookies para may mameryenda kami medyo madami akong ginawa para pati yung mga tauhan mabigyan. Nagtimpla na rin ako ng paboritong juice ni Ice, ng bigla akong makarinig ng mga putok ng baril.

Napasigaw at napaupo ako sa sahig sa sobrang takot hanggang sa naisip ko yung anak ko na nasa taas. Kahit na marami akong maririnig ng putok ng baril at pagkabasag ng mga gamit ay di ko yun pinansin.

Sa oras na ito kaligtasan ng anak ko yung iniisip ko mabilis akong tumakbo papuntang taas at naabutan ko doon yung ibang mga tauhan na alertong nagbabantay. Agad akong pumasok sa loob ng movie room nakita ko doon sila manang na nakaupo sa sahig at pinapalibutan ng mga tauhan. Niyakap ko yung anak ko na umiiyak at nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga.

Di rin nagtagal ay natapos na rin ang putukan at bumungad samin si Zero na pawis na pawis at hingal na hingal. Agad niya kaming nilapitan para icheck kung nasaktan kami at niyakap.

Nakahinga ako ng maluwag ng natapos ba lahat at nandito na si Zero siya na ang nagbuhat kay Ice papuntang kwarto dahil nakatulog ito sa sobrang pagiyak kanina.

"Zumi kailangan mong magstay sa Assassin Palace"

"What!?"

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon