Chapter: 6

5.4K 98 0
                                    

Ayeshia's POV

Pababa ako ngayon dahil nakaramdam ako ng gutom di ko kasi namalayan yung oras at gabi na pala. Nakakatuwa kasi yung pinapanood ko kaya libang na libang ako.

"Good evening po lady Iya sakto po yung pagbaba niyo dahil kakatapos lng po namin maghanda para sa hapunan niyo" ngumiti ako sa kanila at umupo na.

"Si Zero po?"tanong ko kasi kanina ko pa siya hndi nakikita.

"Ah kanina pa po umalis si Master kasama sila Sir Zenon" tumango tango na lng ako. Grabe talaga yung lalaking yun di nagsasabi kung aalis siya.

"Manang sabay na po kayo sakin.. Pati rin po kayo mga ate ang dami po kasing nitong niluto niyo di ko mauubos at nakakalungkot kumain ng magisa"pagyaya ko sa kanila totoo naman kasi diba nakakalungkot kumain ng magisa.

"Pasensya na po Lady Iya pero yun po ang isa sa mga ipinagbabawal dito sa mansyon"pagpapaumanhin ng isa sa mga maid. Sino ba yung nagisip ng rules na yan dahil pati sa mansyon namin bawal sumabay ang mga maid.

Kumain na lng ako magisa dahil di ko naman pwedeng pilitin sila manang sumabay sakin. Di ko kasi talaga trip kumain ng magisa saan ba nagpunta yung zero na yun sarap sakalin di nagpapaalam.

Pumanik na ako sa taas ng matapos na akong kumain dahil wala na naman akong gagawin doon. Nakakabaliw naman dito ang lalaki-laki ng bahay mo pero magisa ka lng nakakabored yun. Hays makatulog na nga lng tutal malalim na ang gabi.

Zero's POV

"Thanks Mr. Collinson wag kayong magalala sa inyo lng po ako papanig" tinignan ko lng ng walang gana tong lalaking nakaluhod dito sa harapan ko.

"Welcome Tyler at asahan mo di ka na masisinagan ng araw" ng sabihin ko yun ay agad ko na siyang binaril. Ano siya di niya ako mauuto tsk nagsasayang lng ako ng oras sa mga walang kwentang bagay at tao.

Well yung binaril ko isa siya sa mga tauhan ko na nangtraydor. I dont need him, i dont need a traitor in my clan tsk just a mess.

"Clean this mess i need to go" kinuha ko na yung jacket ko at lumabas na sa head quarter namin aish inabot na naman ako ng gabi nagsayang na naman ako ng oras.
Agad kong pinaandar yung kotse ko ng makasakay ako at nagdrive pauwi.

Pinark ko yung kotse ko ng makarating na ako sa mansyon. Napatingin ako sa balcony ni Ayeshia at nakabukas pa yung ilaw gabi na bat di pa natutulog tong babaeng to.

"Si Ayeshia?"tanong ko sa mga maid ng makapasok ako sa loob.

"Good evening po master nasa itaas na po si Lady Iya" sabi ng maid.

"Kumain na ba siya?"tanong ko.

"Opo"tumango na lng ako at pumanik na sa taas wala akong ganang kumain.

Nandito na ako sa harap ng kwarto ko at hndi pa rin pumapasok tumingin ako sa katapat na kwarto buti naman di nagiingay yung babaeng yun. Aish Pumasok na ako sa kwarto dahil mukha akong tanga nakatayo sa labas.

Dumiretso ako sa c.r para magkapagshower at nagbihis na ng pantulog. Humiga na ako sa kama ko dahil nakaramdam na ako ng pagod at pumikit na para makatulog.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon