Chapter: 20

5.1K 84 0
                                    

Zumi's POV

"Anong ginagawa natin dito?"tanong ko kay Zero. Paraiso ng Kabataan yan yung nakasulat sa taas ng gate. Anong ginagawa namin dito orphanage ito dont tell me magaampon kami.

"Tsk hndi tayo magaapon ok? Well dito ako pumupunta pag wala akong pasok o ginagawa" paliwanag niya. Tsk akala ko pa naman magaampon kami sayang naman.

"Mahilig ka pala sa bata"tumuloy na kami sa loob. Dito sa pwesto namin makikita mo agad yung mga batang naglalaro sa play ground.

"Kanino mo nalaman itong bahay ampunan?" Tanong ko habang pinagmamasdan yung mga bata na hanggang ngayon ay hndi napansin yung pagdating namin.

"Kayla Grey.. Nasiraan sila ng sasakyan at dito sila tumuloy ako yung nagsundo sa kanila nung time na yun"paliwanag niya. May sumalubong saming dalawang madre.

"Good morning Mr. Collinson"bati nilang dalawa.

"Good morning.. By the way this is Ayeshia Zumi my wife" pagpapakilala niya. Ngumiti ako ng tumingin sakin yung dalawang madre.

"Good morning Mrs. Collinson" bati nila sakin.

"Good morning rin po" bati ko sa kanila.

"Tara na po kanina pa po kayo hinihintay ng mga bata" pumunta na kami sa play ground at tinawag naman nung dalawang madre yung mga bata.

"Kuya Ace!!" Sigaw nung mga bata habang tumatakbo sila palapit samin. Nagunahan silang lumapit at yumakap kay Zero. Umupo naman si Zero para mapantayan niya yung mga bata. Masaya ko silang pinapanood ng may matanaw akong nagiisang bata na nakaupo sa swing. Bakit nagiisa lng siya? Tinignan ko saglit sila Zero bago maglakad papunta doon sa bata. Makikita mo agad siya dahil siya lng yung nagiisang batang hndi nakikigulo sa ibang mga bata.

"Hey lil kiddo" nakangiti kong bati sa bata.
Tinignan lng ako ng bata at tumingin na sa paligid. Ay snober si boy hahaha infairness ang puti niya magkasing puti lng kami haha.

"Bakit ka nandito? Bakit hndi ka makigulo doon?" Tanong ko.

"It's none of your business" ay kinabog inglesero si kuya niyo.

"Ay ganon hahaha anong name mo?" Tanong ko ulit tinignan naman ako nung bata na nakakairitang tingin.

"Tsk bakit nandito ka?" Tanong niya.

"Nakita kasi kita na nagiisa kaya pinuntahan kita dito" paliwanag ko tumango lng siya.

"Eh ikaw bakit ka nandito? Nandoon yung mga kasama mo ah" sabi ko habang tinatanaw sila Zero na naguumpisa ng maglaro.

"Ayaw nila akong kalaro.. So hndi ako lumalapit sa kanila... Kung ayaw nila sakin ayaw ko rin sa kanila" sabi niya habang nakacross arm.

"Bakit naman? Baka naman may ginawa kang masama kaya hndi ka nila kinakausap" umupo ako sa katabi niyang swing.

"Masama na bang makipagkaibigan at makipaglaro sa kanila?"tinignan niya ako kaya wala akong naisagot. Hanep rin tong batang ito noh akala mo matanda na sumagot parang si Zero kaya lng bata siya.

"Teka nga ano bang pangalan mo?"tanong ko tsk kanina pa kami naguusap dito hndi ko manlang alam pangalan niya.

"Im Ice Caileb you are?" Pagpapakilala niya.

"Im Ayeshia Zumi it's nice to see you.. How old are you?"pagpapakilala ko at nakipagkamay sa kanya.

"Im already 3 years old"wow nakakabilib itong batang to ang galing mag english mas magaling pa siya sakin eh.

"Gusto mo bang maglaro?" Yaya ko sa kanya.

"No thanks baka mapagalitan ako dahil pinagod ko yung bisita dito sa ampunan" ay ang sweet na bata kenekeleg eke hahaha.

"Hndi yan ako bahala. At tsaka hndi naman ako ganon kadaling mapagod kaya tara na" tumayo ako at hinila siya papuntang play ground.

"Eh ayoko dito nandito sila eh" bigla siyang umatras at hinihila yung kamay ko arte naman nitong batang to.

"Doon na lng tayo" hinila niya ako at dinala sa likod ng play ground. Katulad din sa kabila ay play ground rin dito pero maliit ito kesa doon.

"Paunahan tayong makaakyat at makaslide" sabi ko sa kanya.

"Sure!"tumakbo na ako at umakyat papunta sa taas ng slide at nagslide pababa. My god nakakamiss rin palang maging bata... Masaya naman palang kalaro itong batang ito eh. Naglaro lng kami ng naglaro hanggang sa mapagod. Umupo kami ni Ice tawa kami ng tawa habang naghahabol ng hininga.

"Masaya diba? kaya kung ako sayo yayain mo lng sila kasi mas masaya pag may kasama maglaro" lumapit ako sakanya kinuha yung panyo at pinunasan yung pawis niya sa mukha.

"Nah mas gusto kong magisa kaya no thanks na lng sa kanila" masungit niyang sabi. Hays bumalik na naman siya sa sungit mode niya.

"Zumi nandito ka lng pala.. sino yang kasama mo?" napatingin ako sa likod ko.

"Oh Zero ikaw pala yan... ah si Baby Ice nakipaglaro lng ako dahil nakita ko siyang magisa doon kanina" tinuro ko yung pinanggalingan namin kanina.

"Hndi na ako baby... Im already a big boy" Masungit na sabi ni Ice kaya sumimangot ako.. Big boy eh bakit ang liit liit niya?

"Hahahahaha let's go the food's are ready" Lumapit si Zero kay Ice at binuhat bago lumapit sakin.

"Wag mo ng patulan bata yan" Kinuha niya yung kamay ko kaya napangiti ako at pumasok na kami sa loob. Habang naglalakad kami papasok ay hndi mawala yung malaking ngiti sa labi ko.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon