Chapter: 26

4.6K 81 1
                                    

Zumi's POV

Sobrang ganda ng pagkakagising ko ngayon araw at napakagaan well siguro dahil okey na kami ni Zero kaya magaan sa pakiramdam.

Hindi ko na naabutan si Zero na magalmusal dahil maaga daw itong umalis sabi ni manang pero agad naman daw itong babalik.

Sabagay tanghali na rin kasi akong nagising eh maaga pa naman kung umalis si Zero.

Kaya ngayon nandito ako sa dinning room kumakain ng late breakfast and early lunch. Pasensya na guys trabahong tamad ako eh pero atleast kumikilos pa rin diba.

Dahil wala naman akong ginagawa kaya ako na nagligpit ng pinagkainan ko at naghugas nabobored na naman kasi ako.

Di naman akong pwedeng lumabas para makapag-gala, ayoko rin naman kasi baka magalit na naman si heatler kilala niyo naman yun parang onting kibot magagalit agad kaya wag na nating tangkain na lumabas hahahaha.

"Ano kayang pwedeng gawin?"

"Manood po kayo Ma'am madami pong magagandang movie ngayon"

"Nako yaya nakakabagot manood araw araw na lng akong nakahilata at nanonood para na akong baboy na hinahanda para sa pagbitay"

"Nako Ma'am di naman po maganda naman po kayo kaya di kayo pagkakamalan ni Sir ng baboy"

Sus nambobola pa si ate ano yun para madagdagan sahod niya? Hahaha char

Nakakatamad na kasing humilata na lng at manood sumasakit na likod at balakang ko.

Ah! Alam ko na diba sabi naman ni Zero pwede akong pumasok at maglaro sa game room niya. So doon na lng ako magpapalipas ng buong hapon.

Patakbo akong umakyat ng second floor at nilusob ang game room. Nagpakuha na lng ako kayla manang ng makakain para habang naglalaro ako chumichibog rin ako hhahaha.

Plinay ko na agad at umupo sa bean bag and rock n' roll!!!!!!!

Para akong baliw na sumisigaw dito sa loob ng game room pag namamatay ako. Nakakagulat kasi bigla bigla na lng sumusulpot ang mga zombie. At kasamaang palad hindi sound proof ang room kaya narinig nila manang yung sigaw ko at sobrang taranta agad sila sumugod dito sa room nagulat nga ako kasi may mga bodyguard na kasama tapos may mga dalang baril.

Zero's POV

Kakarating ko lng sa mansyon galing sa opisina at may naririnig akong sigaw. Teka boses ni Zumi yun ah kaya agad akong tumakbo papasok habang hawak hawak yung kinuha kong baril sa kotse. Fuck kinakabahan ako di ko nakita sila manang dito sa first floor pati na rin yung mga bodyguard.

Fuck anong ngyayari? Pumunta ba dito yung mga kalaban? Tinawagan ko sila Zenon para sa back up. Halos mahulog ako sa hagdanan dahil sa sobrang pagmamadali.

Nagtaka ako dahil may mga nakatayong bodyguard sa tabi ng pintuan ng game room.

"What are you doing here?"

"Ah Sir binabantayan po namin si Ma'am Zumi"

"Okey lng ba siya?"

"Mukha lng hindi dahil sigaw siya ng sigaw pero okey lng po siya"

Nasimangutan ko yung bodyguard at pumasok sa loob ng room. Nagulat ako dahil sobrang lakas ng sigaw ni Zumi. Like what the fuck akala ko kung ano ng ngyayari sa kanya yun pala naglalaro lng. Akala mo nirape na kung makasigaw.

"Sir nandito po sila Sir Zenon"

"Sabihin mo umalis na sila false alarm lng yung tawag ko"

Lumapit ako kay Zumi na hanggang ngayon di pa rin ako napapansin dahil tutok na tutok sa monitor at may headphone na nakasalpak sa tenga kaya tinanggal ko yun at napalingon siya sakin.

"Hi Zero!!"

Napangiwi ako sa sobrang lakas ng boses niya.

"Kanina ka pa ba dyan? Nakita mo ba kung paano ko patayin yung mga zombie?"

"Kadarating ko lng at hndi ko nakita kung paano mo patayin yung mga zombie pero narinig at nakita ko kung paano mo sirain yung eardrums namin"

"Lah grabe ka naman, alam mo maglaro na lng tayo kesa pagalitan mo ko ahahahahah"

Hinila niya ako paupo at binigay yung isang controller. And for the whole game nagsisisigaw na naman siya na parang baliw. And also I had fun playing with her.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon