Chapter:42

2.7K 59 13
                                    

Zumi's POV

Nang magpropose si Zero ay inasikaso agad namin yung kasal masyado kasing excited sila mommy kaya ayaw ng patagalin pa. Dahil medyo busy si Zero ngayon ay dito na lang sa office niya pinapapunta yung organizer, designer, at yung iba pang mga tao na magaayos sa kasal namin.

Kaya napapadalas na rin yung pagtambay ko dito sa office niya. Di kasi kaya ng time niya na bumyahe pa para umattend sa wedding meeting namin kaya dito na lang ginaganap yung mga meeting.

And ngayon aasikasuhin naman namin yung mga food na ihahanda pero si mommy ang kasama ko ngayon. Papunta kami ngayon sa isa sa mga hotel nila hubby dahil yung nga chefs nila ang magluluto.

"Are you excited Zumi?"

"Yes mom di pa nga rin po ako makapaniwala na ikakasal na kami"

"Im happy for the both of you, and bigyan niyo agad kami ng isa pang apo ah"

Natawa na lang ako sa sinabi ni mommy. Isang linggo na lang ay ikakasal na kami. Maayos na lahat venue, wedding gown, mga bisita ok na rin napadala na sa kanila yung invitations lahat lahat ay ok na. At ngayon last fitting ko na sa gown kaya after namin sa hotel ay diretso na agad kami sa shop.

Pagkarating namin ay nakahanda na yung mga pagkain at nag food tasting na agad. Actually wala na naman sakin kung anong food ihanda kasi alam ko naman na masasarap ang pagkain ihahain nila sa wedding namin.

Kaya halos lahat ay si mommy ang pumili, namili lang ako doon sa flavor at design ng cake namin.

Di rin kami nagtagal doon dahil medyo late na kami sa fitting at ang alam ko ay susunod rin si Zero para ifit yung suit niya.

Nang makarating kami sa shop ay nakita agad namin si Zero na palabas para salubingin kami.

"Oh nandito ka na pala nak"

"Na cancel yung last meeting kaya dumiretso na agad ako dito"

"But sad to say anak need mong umalis"

"What? Why mom? I need to fit my suit"

"Yes anak i know but after mo mag fit umalis ka na"

"Why would i?"

"Bawal mong makita si Zumi na suot suot niya yung gown"

"Pamahiin ng matatanda yun hubby"sumabat na ako dahil mukhang naiirita na tong si Zero kasi pinapaalis siya ni mommy.

"Mom hindi naman totoo yun"

"Totoo man or hindi ay sumunod ka na lang"

Nginitian ko na lang si Zero at hinatak papasok ng shop. Wala namang masama kung susunod kami sa pamahiin at mas okey na rin sigurado kesa naman magkaproblema pa at makaapekto sa kasal namin.

So yun nga napagusapan after mag fit ni Zero ay kailangan niyang umalis. Magmamatigas pa sana siya kaya lang pinakiusapan ko na lang na sumunod na, makikita rin naman niya akong suot yung gown kaya maghintay na lang siya.

Sobrang excited ni mommy na makita yung gown naiwan kasi siya sa doon sa room dahil onti lang pwede pumasok sa closet room.

I cant imagine na ikakasal na kami ni Zero sa susunod na araw. Sobrang bilis ng araw parang nung umpisa lang di pa kami magkasundo tapos ngayon ikakasal na kami at may Ice na kami.

Ng maayos na lahat ay inalalayan ako maglakad ng staff palabas ng closet room. At nakatayong nakaabang sa labas non si mommy.

Sana nandito rin si mommy na tutulungan ako magayos para sa pinaka special na araw sa buhay ko. But im thankful kasi meron akong napaka supportive at mapagmahal na mother in law. Hindi niya ako iniwan umpisahan hanggang ngayon.

Nakangiti ko siyang sinalubong, hinayaan ko si mommy na umikot sa paligid ko para makita yung kabuuan ng gown.

"Gorgeous"

Naiiyak siyang lumapit sakin at marahan akong niyakap.

"I cant wait to call you my daughter Zumi"

"I can't wait to mom"

Ng masigurado namin na maayos na lahat ay nagpalit na agad ako baka kasi madumihan or masira pa yung gown mahirap na.

After namin sa shop ay nagbook na lang kami sa italian resto para magdinner with Zero and my two fathers.

~sorry mga bb ngayon lang nakapagupdate naging busy at nagkasakit kasi ako heheheh.  Hope you like it :)

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon