Chapter:39

3.2K 75 21
                                    

Zero's POV

Simula ng tumira sila Zumi sa palasyo ay hndi na niya ako pinansin pag tumatawag ako laging si Ice ang nakakausap ko. I know na galit siya pero kaligtasan niya rin naman ang iniisip ko di na maganda yung ngyayari samin this fast few months. Ilang beses na siyang nakatanggap ng death threat pati ang pamilya ko.

Ganitong ganito rin yung ngyari noon, yung ngyari sa kuya ko at sa asawa niya kaya di ko na ulit hahayaan na maulit yun. Kaya minabuti  ko na doon na lng muna siya magstay, di na rin ako nagmatigas na isama niya si Ice.

Nalaman na naman kung sino yung nagpapadala ng death threat kaya agad kong pinatrabaho yun sa mga tauhan ko. Magiisang buwan na ring sa palasyo nagiistay ang magina ko at magiisang buwan ko na ring di nakakausap si Zumi.

Di ko na kayang tumagal pa yun kaya ngayon nagday-off ako, balak kong makipagayos ngayon at sana makausap ko na siya.

Nagpatulong ako kila lance para magawa ko yung surprise na matagal ko ng binabalak. Kaya nandito kami ngayon sa rest house sa batangas alam kong may masama siyang alaala dito kaya gusto ko yun palitan ng maganda.

Ayoko naman na pag magbabakasyon kami dito ay nandoon yung takot sa kanya na baka maulit ulit yung ngyari.

Bago kami pumunta dito sa rest house ay dumiretso muna kami sa grocery store. Pwede ko naman iutos ito sa mga tauhan ko pero gusto ko ay ako ang gagawa simula umpisa.

First time kong gagawin to sa buong buhay ko kaya medyo kinakabahan ako. Kasama kong bumili ng mga ingredients si Zenon dahil saming lima ay kaming dalawa lng ang marunong magluto kaya yung tatlo ay pinabili ko ng mga decors at flowers.

Bumili na rin ako ng alak at ibang snacks para sa mga gunggong kong kasama para naman may makain sila. Sinama ko kasi sila para na rin magbantay ayoko ng may mangyaring hndi maganda.

"Ace itong meat maganda ipang steak"

Sa kanilang apat ay itong si Zenon lng ang mahilig tumawag sakin ng Ace pero pag may iba kaming kasama Boss ang tawag niya sakin. Tinignan ko yung meat na sinasabi niya, nagpatimbang ako ng isang kilo non at nilagay sa cart. Katulong ko itong si Zenon sa pag luluto dahil wala naman akong maaasahan sa tatlo pagdating sa kusina baka masunog lng nila ang buong bahay.

Ng mabili na namin lahat ay isa isa namin itong nilagay sa trunk. Pumunta na kami sa rest house nandito na yung tatlo at busy sa mga pinapagawa ko sa kanila. I want a night date in beach at alam kong gusto ni Zumi ng ganto. She really loves the beach especially at night.

Umorder na lng kami ng lunch dahil yung mga pinamili namin ay para mamaya. Medyo madami yung lulutuin namin dahil pati parents ko at daddy ni Zumi ay pupunta dito mamaya kasabay niya. My mother knew my plan and when she knew about my plan she was shocked and excited.

Si mommy lng ang sinabihan ko dahil alam komg maingay ang bibig ni daddy. Mas oa pa yun kesa kay mommy e. Gusto ko rin na isurprise yung daddy ni Zumi and formally ask his daughter's hand.

Naisipan ko na wag ng pagbantayin sila Zenon mamaya kaya pinapunta ko dito yung mga tauhan ko para bantay yung buong rest house. Kaibigan ko sila kaya dapat masaksihan rin nila yung mga plinano namin. I can't do this without them.

Si mommy na bahala kila daddy at Zumi para mapapunta dito. Kasi pag ako ang nagyaya for sure hndi sasama yun.

Kanina pa kami naguumpisa magluto at yung tatlo ay bumalik na sa pagaayos sa labas. Mom inform me na susunduin na nila si Zumi at Ice sa palasyo kaya mas kinabahan ako.

"Chill lng boss si Ma'am Zumi lng yun mahal ka non kaya magugustuhan niya yang niluluto mo" nandito pala yung tatlong bugok umiinom ng tubig.

"Kamusta yung ginagawa niyo sa labas?"

"Malapit na matapos boss medyo mainit lng sa labas kaya pumasok muna kami saglit" umupo si lance sa bar chair at pinagmasdan kami ni Zenon kumg paano magluto nakigaya naman yung dalawa.

"Mukha kayong magasawa boss tapos kami yung anak niyo hahahahha" binato ko siya ng beer at tumawa lng yun gago.

Pinalayas ko silang tatlo dahil nagugulo kami dito sa pagluluto kakatayin ko sila pag sumama lasa nitong niluluto namin.

Tingin ako ng tingin sa orasan at mas lalo akong kinakabahan pag nakikitang kong malapit na mag gabi.

"Chill boss darating yun"

Nandito na naman yung tatlo kaya mas nastress ako di ko na lng sila pinansin at mas tinuon yung atensyon sa huling pagkain na niluluto ko. Si Zenon ay kakatapos lng mag bake ng cookies at pinagpapalo niya yung kamay ng tatlo dahil balak kumuha agad.

Nagulat ako ng nag beep yung phone and that is the signal na nasa batangas na sila. Fuck mas kinabahan ako para akong teenager na manliligaw sa babaeng mahal niya.

"Sige na boss magayos ka na ako na dito sa niluluto mo patapos na naman ito"

Inalis ko na yung apron at umakyat na sa kwarto para maligo at magbihis. Di ako magkandaugaga sa pagaayos ng sarili ko inayos ko ngayon yung buhok ko para naman di nakakalat sa mukha ko. Sinuot ko na rin yung coat ko at kinapa sa pocket non yung maliit na box.

They inform na nandito na sila kaya sinilip ko yung bintana madilim na it's already six in the evening. Huminga ako ng malalim at bumaba sinalubong ko sila sa entrance ng rest house at grabe ang kabog ng dibdib ko.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon