Chapter: 7

5.4K 109 1
                                    

Ayeshia's POV

Hapon ngayon at magisa na naman ako dahil nasa trabaho daw si Zero ngayon tinutulungan niya kasi si Tito mamahala sa iba nilang business edi sila na mayaman. Ako kasi ayoko pang magtrabaho okey lng naman din kay daddy na siya muna ang mag manage ng business  namin. Bait ng daddy ko noh kay lab lab ko yun eh.

Ano kayang pwedeng gawin? Nakakasawa na kasing manood ng tv, maglaptop, matulog at kumain pustahan tayo tataba ako nito. Makapaglibot na nga muna. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Saan kaya magandang maglibot? Sa labas kasi bawal na ako pinagbawalan kasi ako ni Zero lumabas kahit dyan sa garden gago lng diba. Sa baba naman madaming maid tapos sala, mini bar, kitchen at dinning room palang yung nakikita ko pero nakakatamad naglibot sa baba kaya dito na lng ako maglilibot sa second floor haha.

Una kong binuksan yung katabi kong kwarto dito pala pwede maglaro ng xbox sahihin na nating play room dahil punong puno ng mga video games. Naglalaro pala non si Zero ang galing hahaha mayaya nga siya minsan. Sunod ko namang binuksan yung katapat nitong kwarto at masasabi ko lng sobrang ganda dahil puro instrument as in parang kumpleto na ata.

Grabe next time manghihiram ako kay Zero. Pangatlo kong pinuntahan yung sobrang laki niyang office at library bat meron siya nito? Mahilig pala siyang magbasa sarap rin tumambay dito haaha.

"Ano na lng kaya yung di ko napapasukan?"tinignan ko lahat ng pinto at nakita ko yung kaharap ng kwarto ko yun yung next kong pupuntahan. Ano kayang meron doon?

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at nakita ko yung king size na kama so dito pala yung kwarto ni Zero. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto at nilibot ko yung paningin ko. Ang linis naman dito nahiya ako sa para sa kwarto ko. Puro black yung mga gamit dito sa kwarto niya napaka adik naman niya sa black. Pumunta ako sa walk in closet niya at infairness ang ganda nakabukod yung mga coat, polo at t-shirt magkakasama rin yung mga magkakakulay naks organized parang babae lang. Lumabas na ako dahil bukod sa t.v, sofa, kama ay wala na akong ibang nakita sa kwarto niya kahit picture frame wala.

Nandito na ako sa labas ng huli kong papasukan pero pagpihit ko sa door knob ay di ko mabuksan tinry ko ulit pero di ko talaga mabuksan bat to nakalock? Sa lahat ng pinuntahan kong kwarto ito lng yung nakalock.

"Ayeshia!"napalingon ako doon sa tumawag sakin at nakita ko si Zero na sobrang dilim ng aura.

"Di ka ba talaga makaintindi?! Diba pinagsabihan ka na ni manang na bawal kang pumasok sa mga kwarto bukod sa kwarto mo!"natakot ako dahil nanggigigil siya habang sinisigawan ako di ko alam kung anong gagawin ko dahil first time ko lng makitang galit si Zero.

"D-di ko naman s-sinasadya eh"pautal-utal ako at hndi makatingin sa mata niya.

"Di mo sinasadya?! Sabihin mo masyado lng matigas yang ulo mo at hndi makaintindi!" Tumungo lng ako dahil hndi ko talaga kayang makipagtitigan sa mata niya.

"Nakalimutan ko kasi na bawal palang pumasok sa mga kwarto"pabulong kong sabi dahil parang natuyuan ako ng laway sa sobrang kaba.

"Yan ang mahirap sayo di mo tinatandaan! Simpleng reminder lng di kayang tandaan!! Isaksak mo kasi sa kokote mo! Tsk stupid!"lumakad na siya paalis at ako nakatayo parin sa tapat ng pinto at nakahawak sa door knob.

Bakit ba di ko natandaan yung sinabi ni manang? Yan tuloy napagalitan ako hays sa susunod isasaksak ko talaga yun sa kokote ko. May mainit na likidong pumatak sa kamay ko kaya tinignan ko yun.

Tubig? Nadagdagan na naman yung patak kaya tumingin ako sa kisame para tignan kung doon yung tumutulo pero hndi. Yung isang patak ay nagtuloy tuloy kaya wala na akong nagawa kung di punasan yung luha kanina pa pala umaagos. Umiiyak akong bumalik sa kwarto at doon ko binuhos lahat ng nararamdaman ko.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon