Chapter:44

1.6K 44 27
                                    

Lance's POV

Agad kong tinawagan yung iba naming mga tauhan para pumunta ng headquarters, kailangan namin paghandaan yung laban na mangyayari dahil hindi basta basta itong kalaban namin. Galit na galit si Zero dahil sa ngyari lalo na ng malaman niyang nakuha si Ice ng mga tauhan ni Gonzaga.  Matagal na kaming gustong pabagsakin nyang ni Gonzaga dahil di niya kami matapatan, lagi lang siyang nasa pangalawa at di makaangat angat.

"Nasaan na daw sila Lance?"

"Papunta na sila Zero and natawagan ko na rin yung iba"

Hindi namin inaasahan na ngayon sila susugod kailangan namin manalo sa laban na ito, madami na kaming mga kasamahan na namatay.

"Tangina talagang Gonzaga yan kahit kailangan walang ginawang tama" habang naghihintay kami sa iba nagaayos na kami ng ibang gamit na dadalin.

"Tanga ano pa bang aasahan mo sa taong utak munggo? Sabagay pati ikaw utak munggo" tarantado talaga tong dalawang to.

"Hoy umayos nga kayong dalawa dyan parehas naman kayong utak munggo" sinuway ko na yung tatlo baka mapansin pa sila ni Zero at sila pa ang umpisahang barilin.

Hindi nagtagal ay dumating na yung ibang tauhan namin kaya nagusap na kaming magmeeting ng biglang mag ring yung phone ni Zero.

Zero's POV

Hinding hindi ko papalagpasin ang ginawa nila sa pamilya ko, sa mismong kasal pa namin ni Zumi at pati ang anak ko kinuha nila. Pinuno nila ako matagal ko na silang pinagpapasensyahan at hanggang dito na lang ang pasensya ko, madami na silang dinamay, madami na silang pinatay kaya di ko na sila papalampasin ngayon.

"Yung ibang mga tauhan papuntahin niyo sa hospital para magbantay, baka maisahan tayo at doon naman sila manggulo"

Agad naman kumilos ang iba at umalis na habang kami dito ay naghahanda para sa gulong pupuntahan namin.

"Let's go buhay sa buhay, dugo sa dugo ingatan niyo sarili niyo para sa pamilya niyo"

Isa isa na kaming lumabas at sumakay sa kanya kanyang sasakyan. Tatapusin ko na ito, kailangan ko ng tapusin ang gulong ito dahil magkakapamilya na ako dapat ko na rin silang singilin sa mga kasalanang ginawa nila sa pamilya ko.

Ng makarating kami sa bahay ng mga Gonzaga ay naguumpisa na ang putukan kaya wala ng mga nakaharang sa dadaanan namin.

"Boss kami na bahala dito hanapin mo na yang gagong Gonzaga na yan"

Di na ako nagaksaya ng panahon sa bawat mga taong nakakalubong ko wala kong awa na pinapatay, wala silang karapatan para harangan ako sa pupuntahan ko. Mga ingay lang ng putok ng baril at pagsabog ang maririnig mo sa buong lugar. Hanggang sa makarating ako sa kwarto kung nasaan ang gagong Gonzaga na yun.

"Masyado kang maaga Collinson di ka ba makapaghintay na ako ulit ang bumisita sayo"

"Para ano? manggulo? Gonzaga masyado ka ng naghahari harian sa mundong di naman ikaw ang hari, masyado ka ng hibang para angkinin ang bagay na hindi sayo"

"Wala akong inaangkin Ace dahil simula palang ikaw ang nangangkin sa bagay na hindi naman talaga sayo, sadyang matalino lang ako at nauunahan kita HAHAHAH"

"Gago ang tawag sayo papansin hindi matalino dahil simula bata ay kulang ka sa atensyon, masyadong malaki ang inggit mo sakin kaya gusto mo lahat ng meron ako meron ka"

Sinugod niya ako dahil sa mga sinabi ko, wala pa ring pinagbago sa kanya pikon pa rin siya hanggang ngayon. Hinuli at sinakal ko siya patalikod habang nakatutok sa tagiliran niya yung baril na hawak ko.

"You supposed to be my bestfriend Ace  pero anong ginawa mo kinalimutan mo ang pagkakaibigan natin para sa pera at kapangyarihan"

"Hindi ako ang nakalimot Gonzaga ikaw tong hindi makapaghintay para balikan kita"

"Balikan? Iniwan mo ko sa ere Ace pareho nating pangarap ito pero ikaw lang ang nakakamit"

"Hindi ko pinangarap maging ganto, di ko ginusto to dahil kung papapiliin ako ibang buhay ang pipiliin ko"

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon