Chapter: 21

4.8K 85 1
                                    

Zumi's POV

Malapit ng maggabi kaya kailangan na naming umalis sa bahay ampunan. Kanina habang kumakain kami napagmasdan ko si Baby Ice at Zero grabe may hawig silang dalawa. Baka naman may anak si Zero sa ex niya pero di niya alam. Matanong nga sa kanya mamaya. Pero nakakalungkot kasi kailangan na naming umuwi. Mamimiss ko si Baby Ice sa lahat kasi ng bata dito siya lng yung naging close ko.

Siya lng kasi yung nilaro ko buong araw kaya di ko naging close yung ibang bata.

"Zumi we need to go" lumapit ako kay Baby Ice na nakangit para makapagpaalam.

"Baby Ice babye na kailangan na  naming umuwi" biglang nawala yung ngiti sa labi niya at napalitan ng lungkot.

"Hey baby wag ka ng malungkot babalik ako promise tapos maglalaro ulit tayo" malungkot pa rin siya mygad naaawa ako parang gusto ko na lng ampunin itong batang to para di na malungkot.

"Okey aasahan ko po yan.. Take care ate Zumi" lumapit siya sakin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik bago siya bumitaw ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Let's go" tumayo na ako at sumunod kaya Zero. Ng makasakay kami ng kotse doon ko lng naramdaman yung pagod. Pag kasi kaharap mo na yung mga bata at nakalaro mo di mo mapapansin yung pagod at yung oras kaya nga medyo ginabi kami eh haha.

"Zero drive thru tayo sa Mcdo" di pa kasi kami kumakain kaya nagugutom na ako nakakahiya naman kung doon pa kami kakain sa bahay ampunan diba.

"Kumain na lng tayo sa resto" nako nakakasawa ng kumain sa  resto pare-pareho lng naman din ng niluluto.

"Eh drive thru na lng ng Mcdo matagal na rin akong di nakakakain ng fries" nakakamiss kasi kumain ng fries eh sa mansyon naman puro waffle or cake ang meron bawal naman akong lumabas para makapag-grocery.

"Okey okey... Ano bang gusto mo?" Ano bang masarap sa Mcdo?

"Fries, ice tea and burger" wala akong balak kumain ng kanin ngayon medyo napadami kasi yung pagkain ko kaninang tanghali. Nandito na kami sa Mcdo mygad naamoy ko na yung fries hahahah.

"One large ice tea, bff fries and one burger" ng masabi na yung oorderin namin pinaandar na ni Zero yung kotse papunta doon sa cashier.

"This is your food Sir, Ma'am" inabot ba yung pagkain kaya agad ko namang kinuha. Pag katapos magbayad ay agad na kaming umalis at nilantakan ko na yung fries.

"Gusto mo?" Shemay di talaga nagbabago lasa ng fries sa Mcdo hahaha.

"Sure" kaya kumuha ako ng fries at tinapat sa bibig niya agad naman niya itong sinubo.

"Zero about nga pala kay Baby Ice" nagtataka lng talaga ako doon sa bata para kasing may malalim na ngyari sa kanya so dahil matagal ng pupunta doon si Zero baka alam niya kung bakit ganon yung bata.

"Anong meron kay Ice?" Sumulyap siya saglit sakin bago binalik ulit sa daan yung tingin.

"May alam ka ba kung bakit naging ganon si Ice? Para kasing may ngyari sa kanya bago siya mapunta sa bahay ampunan... Napansin mo naman diba na sobrang tahimik nung bata tapos di siya mahilig makihalubilo sa iba" di naman kasi ganyan ang mga bata  care free at masayahin sila pero siya hndi parang bawat kilos or bawat salita niya pinipigilan niya yung parang may limit.

"Wala akong masyadong alam kay Ice dahil minsan ko lng siyang makasama pag pupunta ako sa bahay ampunan pero napansin ko nga yun na medyo ilag siya... Ang alam ko wala na siyang magulang dahil nasunog yung bahay nila at siya lng ang nakaligtas" nakakaawa siya murang edad palang nararanasan na niya yung mga hndi dapat maranasan ng bata.

"Well let's not talk about him.. We already here magpahinga ka na dahil sobra kang napagod kakalaro sa mga bata kanina" nandito na pala kami di ko man lng namalayan. Masyado ko kasing iniisip si Baby Ice para tuloy gusto ko siyang ampunin kasi kanina napansin ko habang naglalaro kami abot haggang tenga yung ngiti pero nung nagpaalam na kami ng kailangan na namin umuwi parang bigla na lng gumuho yung mundo niya.

Mygad ano ba itong pinagsasabi ko? Masyadong malalim siguro dahil sa pagod hahaha makaakyat na nga kailangan ko ng matulog. Nauna na akong pumanik dahil may gagawin pa daw si Zero.

~Hey guys it's been a long time since my last update hahaha im sorry kung ngayon lng ulit ako nakapagupdate.. Di ko mapapangako pero susubukan ko na mapadalas na ang pag-update naging busy kasi ako sa school nitong mga nakaraang buwan eh tutal bakasyon na so pwede na ulit mag-update.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon