Chapter: 23

4.7K 80 0
                                    

Zumi's POV

Ngayon yung dating ni Zero galing ibang bansa kaya magluluto ako para pagdating niya may makakain na siya para na rin sa peace offering ko sa kasalanang nagawa ko kahapon.

Every hour ay tumatawag or nagte-text siya para mangamusta. Feeling ko naman hndi na siya galit pero nakakaguilty naman dahil pinagalala ko siya.

Ano kayang magandang kainin? Mga filipino foods pansin ko kasi puro american style yung mga kinakain namin. Sabagay may lahi rin naman kasi si Zero tapos si manang may lahi rin.

Kailangan kong mamalengke ngayon para sa mga lulutuin ko magsasama na lng ako ng bodyguard para di na ulit magalit sakin si Zero tsaka para may katulong rin ako sa mga dadalin.

Lumabas na ako dala dala yung bag sa wet market ako bibili kasi mas fresh yung mga tinda doon kesa sa supermarket.

"Manang aalis po muna ako.. mamamalengke gusto ko po kasing lutuan si Zero" paalam ko kay manang.

"Ay sige Ija mangiingat ka magpasama ka sa mga bodyguard ah baka magalit na naman yung asawa mo" ngumiti ako kay manang at lumabas na ng mansyon.

Sumakay na ako at sinabi sa driver kung saan pupunta. Mabilis lng naman yung byahe kaya madali lng kaming nakarating sa palengke. Gulay muna bibilin ko tapos manok at baboy sunod yung isda baka kasi malamog yung isda kung uunahin ko.

"Ate magkano po dito sa kangkong?"

"10 lng lahat nang tinda ko ineng kaya kumuha ka na ng marami" kumuha ako ng kamatis, sibuyas, bawang, kangkong, siling green at siling labuyo kinuha ko na lahat ng meron sa listahan ko na pwedeng mabili sa kanya.

"Salamat ineng" ngumiti ako at inabot sa bodyguard yung plastic. Nabili ko na naman lahat ng kailangan ko sa gulay kaya manok at baboy naman.

"Kuya 100 nga pong atay isang kilo ng baboy at manok" ngayon ko lng napansin ang dami palang nakatingin sakin kaya pala lumapit sakin yung dalawang bodyguard na kasama ko. Sabagay kelan ka ba naman nakakitang namamalengke na may kasamang bodyguard tapos nakauniform pa sila.

"Miss 500 lahat" binigay ko na agad yung bayad at kinuha yung plastic. So last na bibilin ko ay isda. Medyo maputik yung nilalakaran ko kaya mabagal akong maglakad. Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa unahan ko kaya agad humarang yung isang bodyguard.

"What do you want little boy?" Ay infairness inglesero ang bodyguard hahaha.

"Ay spokening english ka brad ah!"tinapik nung lalaki yung braso nung bodyguard ko kaya agad namang pumalag ito.

"Wala akong panahon makipaglokohan sayo bata kaya umalis ka sa dadaanan namin kung ayaw mong basagan kita ng bungo"tsaka niya tinabig patabi yung lalaki at pinauna akong maglakad. Ngayon nasa gilid ko yung isang bodyguard at yung isa naman nasa likod ko. Grabe ang o.a nila ah kala mo may biglang susugod sakin. Jusq nakakastress silang kasama kaya dinalian ko yung pagbili ko ng mga seafoods para makauwi na baka kasi mapaaway kami dito.

~okey another sabaw na update hahahaha pasensya na po.

My Husband Is A Mafia KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon