Chapter 23 - Oh the beach

1.5K 22 3
                                    

Stephen’s POV

Natapos ang gabing yun ng iniwan namin ang lahat sa kalangitang umiiyak. Tinapos namin ang bawat kalungkutan ang sa amin ay namamagitan.

Masaya ako at muling nagbalik yung samahan namin ni Viktor. At alam ko marami pa kaming dapat lagpasan na mga pagsubok. Hindi ito ang huli, at alam ko nakahanda na ako sa kung anupaman ang dumating sa amin.

Mahal ko si Viktor at patuloy kong papatunayan ito.

Matapos ang gabing yun nakaisip ako ng paraan kung saan dapat kaming dalawa lang talaga ang magsasama. Sobra naming namiss ang isa’t isa kaya nagpasya ako na dalhin si Viktor sa Batangas kung saan malaya naming magagawa ang mga bagay na hindi namin kayang gawin dito sa real world. (Well, ibang bagay yata yung iniisip nyu LOL)

“Viktor, matagal na rin naman tayong walang time sa isa’t isa kaya pupunta tayo kung saan tayo lang dalawa yung nandoon”

 

“Eh saan naman yan ha, Stephen”

 

“Sa Batangas, alam ko gustung-gusto mong makakita ng beach”

 

“Wehh totoo?”

 

“A yaw mo maniwala?, kailan ba ako nagsinungaling sayo?” – sabay bigay ko ng mapang-asar na ngiti at sabay yakap sa kanya.

“Excited na ako para dyan”

 

“So ano? Deal or no Deal?”

 

“Wow, lumuLUIS Manzano ka na ngayon ha”

 

“HAHA syempre so ano, deal na kasi”

 

“Eh sino ba namang ayaw na makasama ang mahal niya, diba”

 

“So ano payag na”

 

“Oo naman, kaw pa kailan ba ako tumanggi sayo”

 

“I love you Viktor”

 

_________________________________________________________________

A/N: At dahil namiss nyu sila makiki-eksena lang ako. MERRY CHRISTMAS and HAPPY NEW YEAR pala. Alam ko kasi hindi kayo nagbabasa ng Author’s Note kung ilagay ko sa una e haha..

May TRIVIA lang ako (ako ngayon si Kuya Kim)

Alam nyu ba na mas may kahulugan ang pagsasabi ng “I LOVE YOU” kung ito ay laging sasamahan ng “I”. Mas may kahulugan na nagmula talaga sayu yung sinabi mo at mas magiging makahulugan pa ito kung sasabihin mo itong walang kasamang spaces “ILOVEYOU” para sabihin at ipakahulugan mo sa kanya na There’s no spaces between you and him/her.

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon