Chapter 6.1 - Resthouse

2.1K 30 1
                                    

Stephen’s POV

Pagkagising na pagkagising ko noong pananghalian, nagBC agad ako sa BBM ko at nagpasalamat kay Viktor sa invite niya sa akin at nagkaroon ako ng bagong mga kaibigan.

Nga pala, mga madaling araw na rin noong makauwi ako, at naging masaya ako sa naging takbo ng gabi ko. At dahil masyado na talagang late para umuwi, pinipilit ako ni France para matulog sa kanila, pero hindi ako pumayag dahil malapit lang naman ang bahay namin mula sa kanila, at isa pa may sasakyan akong dala.

Ginawa kong DP yung picture naming lahat nina Viktor, France, Jeric at Alex sa BBM. At agad na akong nag-BC

“Good Morning. Had a great night last night with them. Salamat Viktor sa pag-aaya sa akin na mapasama sa grupo niyo. At sa wakas nagkaroon na rin ako ng mga matatawag kong tunay na kaibigan. Salamt ulit. :D

Sorry nga pala sa mga unreplied PMs kagabi :)”

Pagkatapos ko itong mai-send sa lahat ng nasa contacts ko, eh ano pa nga ba, ang dami ring replies about sa BC at sa DP ko.

“Wow hot guys, Yummy <3”

“Wow, group s*x?”

“Like ko yung naka-white”

“Buti naman Stephen at may mga nakakasama ka na sa bagong mundo mo dito, Happy for you”

“Pwedeng mahingi yung pin nung naka-black? Crush ko siya”

“Saan ka dyan?”

“Cute niyo naman”

“Gwapo nung naka-brown wew crush ko na siya, pwedeng mahingi yung number niya?”

Waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!! Ibang klase talaga ang mundo ngayon. Purkit sama-sama kayo, iba iba na agad ang naguguhit sa isip nila. Ang iba nadadala ng talanding panahon, yung iba naman kasamaan ang iniisip. Minsan nakakapagod ring magpaliwanag, kapag kasi nagpaliwanag ka minsan hindi ka nila papaniwalaan. Oh diba nakakapagod lang.

“Wala yun bro, ka-tropa ka na namin ngayon. Hindi ka na ma-oop oyeaaahh... Share share na tayo sa mga chicks :D” – PM sa akin ni Viktor.

“Oo nga pare eh, salamat ng marami ha. At dahil sayo nagkaroon ako ng mga kaibigan. Salamat talaga pare, maraming salamat :D”

“Wala yun tol, okay nga yun nakatulong ako sa pamamaraan na yun atleast magkakaroon ka na rin ng social life. Kasama mo kami sa lahat ng kabalustugan HAHA”

“Oyeah pare. At bilang sukli pare, isasama ko kayo next week sa RESTHOUSE namin sa tagaytay. Magsasaya tayo dun”

“Naku pare wag na! tamang dito nalang tayo magtipon-tipon, okay na yun pare”

“Bro, okay lang sa akin. Pagbigyan niyo na ako masuklian ko man lang yung mabuti nyung nagawa sa akin”

“Tol, sige tol payag na. Sabihan ko nalang yung iba o kaya ibigay ko yung number mo sa kanila”

“Oo ba bro, so next week ha?”

“S-sige tol wala naman akong gagawin nun e, salamat pare”

Buti at napapayag ko si Viktor sa pag-yaya ko sa kanila na pumunta sa aming Rest House, namimiss ko na rin kasi yun e at ang ambiance ng creater ng taal lake.

Yun bang galing ka sa mabigat, toxic at hectic na trabaho mo tapos malalanghap mo yung preskong hangin dala ng mga matatayog na puno habang nagsa-site seeing sa taas ng Rest House mo at makikita ang magandang tanawin sa harapan mo. Isipin mo na lang at para talagang nakaka-relax.

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon