“Hello, sorry nagsosound-trip kasi ako eh, hindi ko rinig. Sorry”
“Woaah! Kanina pa ako tumatawag eh. Anyways, 5pm sunduin kita dyan ha.”
“Sige-sige. Kumain ka na ba dyan?”
“Oo naman, ikaw ba dyan?”
“Oo, nagsa-soundtrip lang ako. Excited na ako para sa mamayang concert. HEHE”
“Excited na rin akong makasama ang mahal ko”
“At syempre mas lalo akong excited na makita ang prinsipe ko.”
“Oh siya sige na sumaglit lang akong tumawag para sabihin sayo na 5pm ha!”
“Oh sige, naku baka mapagalitan ka na naman ng boss mo”
“HAHA oo nga sige, i love you, pare”
“I love you too, Stephen”
5pm ang naging usapan namin ni Stephen at wala talagang pagsidlan ang pagka-excite ko para sa mamayang concert ng Maroon 5, sana makuha ako mula sa harapan at pakantahin nila ako. Asuuming ako noh. Pero yun talaga ang hiling ko sana lang matupad HAHA.
Pumatak ang alas-kwatro at agad na akong nag-ayos ng sarili. Si Stephen pa naman laging on-time kaya mahirap na ang laging nahuhuli sa kanya.
Nag-shower ako, nagbihis ng may pinakamagandang damit. Aba syempre, baka kasi kapag pumunta ako sa harap ma-media ako, kailangan presentable ako. Assuming talaga oh! HAHA.
Ginawa ang samu’t saring ritual sa sarili at ready na talaga ako. Oyeaaahh..
Narinig ko ang bosina ng sasakyan ni Stephen sa labas at agad rin naman siyang pinapasok ni Mama.
Pababa na ako ng makita ko siyang suot ang ngiting abot langit. Anghel talaga siyang hulog ng langit. Napaka-pormal niyang manamit, kung sa bagay galing kasi siya sa trabaho kaya hindi na nagawa pang magpalit ng damit. Pero, kahit anong isuot sa kanya bagay talaga. Haayyy nakaka-inlove talaga siya weew!
“Good Evening po Tita”
“Oh Stephen, nasa kwarto lang si Viktor upo ka muna hintayin mo na lang”
“Sige po tita”
Narinig ko habang papalabas na ako ng kwarto ko.
“Oh tol, talagang on-time ka lagi ha!”
“Syempre naman, oh anu tara na?”
“Oo kanina pa ako excited, alam mo yan”
Nagapaalam na kami kay Mama para sa aming pag-alis at pinagbilinan naman kami nito na mag-ingat at kung gabihin man daw ako, kina Stephen na ako matulog. Pero sabi ko naman, maihahatid naman ako siguro ni Stephen.
Kinuha ko yung susi ng bahay kay Mama para sigurado at hindi na ako makapang-abala pa ng tulog na tao.
At umalis na rin kami ni Stephen sa aming bahay.
Tsskk, pagdating namin doon, hindi magkamayaw ang mga tao. Parang pila ng NFA rice noong may krisis pa sa bigas. Patok sa takilya talaga. Hindi magkamayaw ang tao. Well, wala akong ibang masasabi, talagang mahusay naman talaga para hangaan ang maroon 5.
Saktong 5:30 kami nakarating doon sa venue. Alas-7 magsisimula ang concert. At ano pa nga ba syempre, magtitiis kami ni Stephen nito sa pila.
At noong pumasok na kami sa loob ng coliseum, talagang namumuo pa rin yung excitement ko.
Umupo na kami at kitang-kita mula sa aming kinauupuan yung mga nasa stage. At this time, talagang parang matatae na ako sa excitement.
Nagsimula na nga ang palabas at hindi ako nagkamali, ang pambungad na awit nila ay yung na LSS ako - Moves Like Jagger nga. At tila lahat ng tao nagtayuan at nakisaliw sa tugtugin nila. Yeahh sobrang saya... sayaw lang kung sayaw. Kahit medyo nag bubundulan kami ni Stephen. At si Stephen isa ring hyper.
Pero hindi ko talaga inaasahan na makikita ko si Grace nun. Doon sa concert na yun. Opposite yung kinauupuan namin sa kinauupuan nila. Nasa right side kami at sila nasa left. Kasama niya yung mga kaibigan niyang mga babae.
At habang nakatingin ako sa kanya, bigla naman siyang tumingin sa akin. Hindi ko inaasahan yun. Bigla akong umiwas ng tingin sa kanya at nagpatuloy lang sa pakikipagsaya. Minabuti kong hindi na sabihin kay Stephen na nakita ko si Grace. Basta magsasaya kami ngayon.
At noong matapos yung opening ng maroon 5, sunud-sunod na awitin nila ang kanilang binira. Siguro sa sobrang pagod at sa daming nainom kong tubig dahil sa sobrang pagsasayaw, para patirin ang uhaw – nakaramdam na ako ng pag-ihi.
“Tol, CR lang ako ha!”
“Sige pare hintayin kita rito, bilisan mo ha”
“S-Sige”
Lintek na yan, ihing-ihi na ako talaga, sa sobrang kasiyahan siguro to’ HAHA. Grabe, hindi ko talaga ipagpapalit yung Maroon 5. Da best.
Pumasok na ako sa CR na hindi na talaga kaya pang pigilan yung nararamdaman ko. Nagmamadali akong pumasok sa cubicle at doon inilabas lahat. Haaayy ang sarap sa feeling, success. Alam niyo yan, yung feeling na ihing ihi na kayo tapos nailabas niyo na, diba parang refreshing HAHA.
Lalabas na sana ako ng CR ng hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Grace.
“Viktor?”
“Oo ako nga Grace hehe”
“Kamusta ka na?”
“Okay lang, ikaw?”
“Ok lang rin! Sabi na nga ba nandito ka rin eh, parehas nating favorite yung maroon 5 eh. Namiss kita”
“HAHA oo nga eh”
“Viktor, pwede ba tayo mag-usap?”
“Ha, ano namang pag-uusapan natin?”
“Pls...”
Pinagbigyan ko siyang mag-usap kami at hinila niya ako malapit dun sa CR sa medyo hindi kita ng tao.
“Grace, ano bang dapat nating pag-usapan?”
“Viktor, sorry nagkamali akong iniwan kita!”
“HAHA Grace naka-move on na ako sana ikaw rin”
“Viktor patawarin mo ako”
“Sana bumalik ka noong hindi pa ako buo, pero ngayon sorry Grace pero matagal na kitang kinalimutan”
Sa pagkakataong iyon, nangungusap sa akin ang mga mata ni Grace. Tila, nagmamakaawa na balikan ko siya sa lagay na yun. Eh ano naman ang akala niya kasi sa akin - Aso na kapag nawala hahanapin at ike-claim na pagmamay-ari niya. Asa naman.
At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, dahil sa medyo madilim doon. Nakatutok lang sa akin si Grace na tila luluha na sa pakikipag-usap sa akin, pero para sa akin balewala lang yung pagkakataon na yun. Ito siguro yung time para iparamdam sa kanya na kaya kong mabuhay ng wala siya.
Makalipas ang ilang minuto. Hindi ko inaasahang hahalikan niya ako, mapusok, nag-aalab at walang pag-aalinlangan. Hindi ako makakalas, nararamdaman ko yung nararamdaman niya para sa akin. Pero bakit nagpapa-apid pa rin ako sa kanya.
Hindi ko lubusang maisip na nandoon ako sa senaryong yun na yung babaeng sinaktan ako, nandito nagmamakaawa na tanggapin siya ulit at ngayon kahalikan ko siya.
Nakapikit akong siil ang kanyang labi, siguro nadala na rin ako ng awa sa kanya at sinabi ko na lang sa sarili ko na last na yun. Pero hindi ko inaasahan na sa pagmulat ko, makikita ko si Stephen... Si Stephen nakita niyang kahalikan ko si Grace. Si Stephen...Si Stephen...Si Stephen......
______________________________________________
A/N: Sorry I-hahang ko muna kayoo. Don’t worry maga-update naman ako agad eh. Salamat ulit Readers I LOVE YOU ALL. VOTE VOTE! din :))
![](https://img.wattpad.com/cover/3136678-288-k294904.jpg)