Chapter 15.1 - Sweet

1.8K 26 1
                                    

Viktor’s POV

Totoong masarap magmahal kapag alam mong mahal ka rin ng taong minamahal mo. Alam mo yung cloud9, naiimagine ko nandun talaga ako sa tuktok noon. Parang araw-araw paggising mo, yung message niya agad ang babasahin mo.

“Good Morning, I love you”

Wala na sigurong mas sasarap at tatamis pa kapag naramdaman mo yung ganitong klaseng pakiramdam. Parang every moment, makapigil hininga ang bugso ng puso mo. Sa tuwing lalapit siya sayo, parang ang lahat ay balewala, naka-pixelated yung iba pero siya ang ganda ng aura.

At ito sigurado ang moment na ayaw na ayaw mong mawawala sayo. Eh sino ba naman kasi ang ayaw ng ganitong pakiramdam. Lahat halos naghahangad nito. Iilan lang ang may tsansang magkaroon nito. Kaya maswerte ako.

Isang umaga ang kinamulatan ko. Ganoon pa rin ang scenario ng may buhay pag-ibig hindi na talaga matatapos ang aming kasiyahan.

Iminulat ko na ang aking mata, at agad kong kinuha yung BB ko para tignan yung message ng mahal ko. Minsan kasi siya ang unang nagigising sa akin. Medyo tanghali kasi ang pasok ko eh si Stephen kailangan maaga pa lang nasa trabaho na siya.

Pero, nagtataka ako ngayong umagang ito, wala siyang greetings ng “Good Morning, eat your breafast na. I love you”. Walang mensaheng ganoon ang nakita ko sa chatbox ni Stephen sa BBM.

Iniisip ko na lang na baka tulog pa siya o di kaya wala siyang pasok at nagpapahinga pa.

Friday pala ngayon, at wala pala akong pasok. Isang araw na naman ang masasayang sa ka-boringan. Pero bakit ganito wala pa ring message si Stephen.

Naghintay ako ng ilang minuto habang nakahiga pa rin sa kama. Minabuting hindi ko siya imessage dahil gusto ko siya talaga ang unang mag-message sa akin.

Anak ng Tofu!! 8:30 na wala pa rin siyang message. HUHU. Ano kayang nangyari na kay Stephen. Alam ko sa mga oras na ito nakapasok na siya eh. Pero, kung wala man siyang pasok sasabihin niya yun dapat sa akin. Haaayy wala na.. Hindi na buo ang umaga ko.

Ano pa nga bang magagawa ko. Bumalikwas na ako mula sa aking pagkakahiga. Tumayo na sobrang down ang mukha. Laging sumusulyap sa cellphone, nagbabakasakali na mayroon ng mensahe si Stephen. Pero anak ng Tokwa! Bakit wala pa rin HUHUHU.

This time I decided na i-msg na siya.

“Good Morning Stephen, may pasok ka ba ngayon?”

Nag-appear naman sa message ko yung “D” na sign na kung saan kumpirmado na na-delivered na yun sa i-minesage mo.

Pagkatapos ko siyang i-msg, dumiretso na ako ng C.R. para naligo at nag-ayos ng sarili. At oo nga pala ako lang ang tao ngayon sa bahay. Lahat ng tao sa amin may trabaho at may mga pasok na.

Wala pang lutong pagkain. Gutom na ako.

Pagkatapos kong gawin ang samu’t saring ritual sa katawan agad kong kinuha yung BB ko at tinignan yung status ng message ko kung nabasa niya ba. Dapat kasi may lalabas na letter “R” symbol sa message ko, hudyat na nabasa niya talaga yung mensahe ko para sa kanya.

______________________________________________

A/N: BBM Dictionary

Sa BBM kapag nagmessage ka sa isang tao na friends mo rito malalaman mo kung nadeliver na yung message mo kapag may letter “D” na sign sa sinend mong message. With matching check marks dapat yun.

At once na nabasa na yung message mo magiging letter “R” yung malalagay dun sa message mo at yun ang pagpapakahulugan na nabasa niya na yung msg mo.

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon