Viktor's POV
Kumain kami ng masaya ni Stephen at yung mga oras na yun ay ang masasabi kong defining moments naming dalawa. Nakakawala talaga siya ng stress. Kahit boyfriend ko na siya, hindi ko pa ring magawang pagnasaan siya. Baka kasi magalit siya, pero ngayon, sana umepek ang aking aura sa kanya. HAHA
"Stephen, tara sa sala. Nood tayo ng movie"
"Sige, pagtapos natin dito"
"Ano bang magandang movie?"
"Gusto ko yung I am Four, Astig yun pare"
"Haha oo alam ko yun, sigee"
Minadali ko na ang aking pagkain. Sabik na ako para sa aking sorpresa para sa kanya.
"Ui Stephen kala mo ikaw lang may sorpresa ha! Ako rin" – sabay dila sa kanya na para bang nang-aasar
Ngumiti naman siya sa akin na para bang batang maamo. Ang pogi talaga niya shit! Kung alam nyu lang grabe nasa heaven na ako.
"Tol, kahit wala ng surprises okay na sa akin na malaman kong Mahal mo ko, at wala akong magiging kahati"
"Bakit sa tingin mo ba Stephen, meron?"
"Pag lang merun naku! Magpapakamatay ako"
"Grabe naman to' pakamatay agad, wag ganoon. Mas gusto ko ako muna mauna mamatay"
"Bakit naman?"
"Para hindi ako magiging malungkot pag nawala ka na. BOOOOM!"
"HAHA, san mo nakukuha yan ha. Nakapag-researched ka ha."
"Galing sa puso yun. Mahal kasi kita"
"Ano pa bang hahanapin ko, sayo pa lang buong buo na ako dahil sa pagmamahal mo. Mahal na mahal kita Viktor"
"Tara na sa sala manood na tayo."
Pumunta na nga kami sa sala at nanood na noong sinasabi niyang movie. Yeah, indeed ang ganda nga nung movie. Sobrang bitin nga lang. Weeew Anak ng Kabayo!
Natapos na namin yun ni Stephen, pero dahil nga movie marathon he ask for more. At dito na nabuo ang maitim kong balak. BWAHAHA
"Sige pare, kukuha lang ako ng CD sa kwarto ko, hintayin mo ko dyan"
"Ahh sige.. Pero may tanong pala ako sayo"
"Ano yun"
"Hindi ka ba nalulungkot??"
"Hindi, bakit naman? Tuwing ganitong araw lang naman ako walang kasama rito."
"Ahhh, kasi kala ko nalulungkot ka, mag-isa ka lang kasi dito sa PUSO ko eh"
"Wow, bumabawi ka ha. Hintayin mo ko dyan ha"
"HAHAHA sige tol, bilisan mo ha baka mamiss kita agad :p"
Agad ko namang tinungo ang aking kwarto para kunin yung mga inipon kong CDs. Collection ko talaga to'. At pinapaanood ko talaga to' kapag bagot na bagot ako.
Kinuha ko lang ang sa tingin kong magaganda. Tama kayo mga tsong, porn nga ang collection ko. (Pilyo!) Pero para hindi mahalata ni Stephen na Porn nga yung kukunin ko, nilagay ko yung mga CD sa hindi kita yung cover, tinggal ko talaga yung mga nude na photos na nakalagay dun. Para malaman ni Stephen na hindi yun Porn.
Kumuha ako ng mga tatlo para kapag sakaling maumay ako sa isa meron pang kapalit HAHA.
Pababa na ako at dala yung mga CD na sinasabi kay Stephen.