Chapter 20 - Pagsisisi

1.4K 27 9
                                    

Viktor’s POV

Matagal din ang aming naging paghahalikan noon ni Grace. At katulad pa rin ng dati, masarap siyang humalik talaga pero hindi ako nagpa-apid.

Nakita ko si Stephen, nagtatakbo papuntang exit habang nakasiil ako ng paghalik kay Grace.

Agad akong kumalas kay Grace.

“Viktor? May iba ka na ba?”

“Grace, pwedeng mag-usap na lang tayo sa ibang araw huwag sa ganitong pagkakataon.”

“Viktor patawarin mo ko.”

“Dati pa kitang pinatawad pero mali ang ipagsisikan mo pa yung sarili mo sa akin. Makinig ka may sari-sarili na tayong buhay. Ikaw alam ko may boyfriend ka na, sana wag mo siyang iwanan.”

“Viktor, wala na kami. Narealize kong ikaw talaga yung mahal ko. Alam kong magulo pero nagkamali ako.”

“Grace, ganoon naman talaga eh. Kung kailan wala na sayo yung taong yun saka mo lang malalaman yung importansya niya.”

“Kaya Viktor patawad at nagkamali ako.”

“Oh pano, wag kang umiyak makakaya mo rin yan. May kailangan pa akong habulin. Sorry at nagawa ko sayo yan. Hindi mo deserve yan. May pagkakataon ka pa Grace para magbago.”

Kinausap ko siya ng mahinaon. Hindi ko nagawa siyang ipahiya at saktan. Siguro sobra na yung ipanadama niya sa aking sakit kaya wala na akong maibigay sa kanya. Pero ba’t ganun, bigla-bigla siyang darating na parang kidlat. Kung sana dati pa matatanggap ko siya.

Ang problema ko ngayon si Stephen, saan kaya siya pumunta. Haayyyy! Kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Kailangan kong ipaintindi na hindi ako ganoong tao gaya ng iniisip niya. Faithful akong tao kaya hindi ko maaring magawa yun sa kanya.

Ang una kong ginawa ay pumunta sa parking lot at hinanap ang sasakyan ni Stephen. Pero, bigo ako wala na pala siya.

Kung sana hindi ako pumayag kay Grace na magpahalik okay na sana. Pero mali pa rin talaga ang ginawa ko. Maling mali, kahit sa parte ko yun gawin, masakit talaga sa akin. Kailangan ko na talagang makausap si Stephen.

Pumara ako ng taxi para hanapin siya kung saan, kahit wala akong patutunguhan. ginawa ko parin siyang hanapin.

Pinipilit ko siyang tawagan, pero hindi niya sinasagot ang lahat ng tawag ko. Napupuno ng takot at pangamba itong sarili ko. Tuliro, hindi alam kung ano ang gagawin. Nagagalit siya sa nakita niya, Stephen, nasaan ka ba? Kailangan kong magpaliwanag sayo.

Nilibot kong isa-isa yung mga bar na madalas naming puntahan kapag nag-iinuman kaming magbabarkada. Isa-isa ko tong hinagilap pero, wala ni anino ni Stephen. Wala akong Stephen na nasilayan.

Dapat pala sinabi ko sa kanya noong uuna pa lang na nadoon si Grace, edi sana namatyagan niya ito kung sakaling susunod sa akin. Anak ng Tofu!.

Stephen, nasaan ka na? Hindi ko na kaya pa yung nararamdaman ko at napatigil na lang ako sa may roxas blvrd. Sa ilalim ng kalangitan. Doon ko na lamang muna ipapalipas yung nararamdamang ito. Haaayyyy ang hirapp.

Umupo ako sa isang tabi. Hindi ko alam kung saan patungo ang aking isipan. Parang wala talaga ako sa aking sariling katinuan. Umupo ako kaharap ang dagat. At bahagyang itinungo ang sarili sa lawak ng kalangitan.

Pinagmasadan ko ang mga bituin, at muling itinuon ang aking paningin sa nag-iisang nagniningning sa kalangitan.

Kinausap ko ito at alam ko si Stephen yun.

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon