“Hindi ka ba napagod?”
“Hindi, ang saya nga eh! Eh ikaw ba?”
“Eh kala ko kasi napapagod ka ng paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko HAHA”
“Ang corny mo Viktor promise! HAHA”
“Ganoon talaga”
“So anong next plan?”
“Mag-bar naman tayo, meron bang malapit dito?”
“Oo naman! Ang tagal ko na ring hindi nakakatikim ng alak eh”
“Sige mamayang gabi”
Hinintay nga naming magdilim at tinanong namin yung mga nagtatrabaho dun sa hotel na aming tinutuluyan kung may bar nga bang malapit dito at sinabi naman nila sa amin ang direksyon kung saan yun. Hindi naman kami nag-atubiling magbihis ng apporiate sa pupuntahan namin.
Matapos naming magbihis pumunta kami sa garahe para pumunta na sa kotse na aming sasakyan papunta roon.
Hindi kami nagkamali sa bar na aming pinuntahan at dito nakita namin ang maraming tao na ang hanap ay alak at magandang ambiance ng gabi. Mga galing sila sa mga kabilang resort malapit rin dito.
Noong unang pagpasok namin may babaeng kumakanta na grabe ang lamig ng boses. Habang umuupo na kami sa aming table hindi naman naalis ang tingin ni Viktor sa babaeng kumakanta – napako lang ang tingin niya doon.
“Baka matunaw yan, gusto mong i-take out?”
“Ito naman seloso oh!! Maganda lang boses niya pero mas maganda pa rin yung boses ko bwahaha”
“Ang yabang oh”
Agad na kaming umorder ng kanya-kanyang drinks na gusto namin, tumawag kami ng waiter para dito at habang naghihintay patuloy lang kaming sineserenade ng babaeng kumakanta sa stage. Totoo, nakaka-relax talaga yung boses niya as in.
Hanggang sa nagsalita yung babaeng nasa stage..
“Open po ang stage natin sa mga gustong mangharana at ipakita ang talent nila sa stage, ANY VOLUNTEER?”
Agad naman akong napaisip sa sinabi ng babaeng iyon. Tama, si Viktor, pwedeng kumanta sa stage. Tamang tama ang entablado para sa kanya.
Hindi naman ako nag-atubiling itaas ang aking kamay para makuha ang atensyon ng babae.
“Stephen wow! Kakanta ka?”