Chapter 3 - Ang BBM

2.3K 30 0
                                    

Viktor’s POV

 

Mula noon, nakahiligan ko na ang mag-BBM pati yata sa school hindi ko mabitawan ang cellphone ko. Mabuti na rin to’, part ng pagmo-move on kay Grace. At dito alam ko sumasaya ako.

Marami akong nakilala sa BBM at syempre lahat sila naakit agad sa DP (display picture) ko sa BBM.

“Hi”

 

May isang istranghero ang nagchat sa akin. Agad kong tinignan ang DP niya gaya ng pananabik na makilala kung sino yung nag-chat sa sayo. Nakalagay sa Profile name niya ay STEPHEN. Walang kaartehan at walang anumang smiley ang nakalagay tanging STEPHEN lang. Plain na text.

Isang lalaki ang nag-chat sa akin at wala pang mukha. Agad ko siyang nireplayan.

“Hello ASL?”

 

Tinanong ko pa rin to’ para makasigurado na baka kasi may babae talagang STEPHEN ang pangalan. Wala siya agad sagot. At sa kadahilanang makulit ako kapag curious talaga - Ilang beses ko siyang PINinG.

 ______________________________________________________

A/N note: BBM Dictionary

Ang PING ay katulad rin ng BUZZ sa yahoo messenger. Ginagawa ito para makuha ang atensyon ng isang tao na ka-chat mo. Parang papansin effect lang, para makuha mo agad ang atensyon niya.

 ________________________________________________________

At dahil nga sa sobrang kulit ko chinat ko ulit siya ng – “Please refresh your DP”

 

At dahil nakulitan na siya sa akin nagreply siya.

“Ayy sorry Pare, kala ko babae ka my style kasi Profile name mo”

 

“Ahh ganoon ba? Sige pare, favor na lang pa-BC nalang ng pin ko.”

 

“Oh sure pare basta BC mo rin pin ko ha”

 

“Yeah sure”

 

 ____________________________________________________

A/N note: BBM Dictionary

Ang BC/BM ay isang feature ng BBM, ito ay pinaikling tawag sa Broadcast Message. Ito ay mahahalintulad rin sa isang GM pag nasa text messaging ka.

Ang PIN naman ay yung ID mo na ginagamit sa BBM. Eto yung parang unique ID na para sayo lang talaga wala kang magiging katulad. At ito ang ginagamit para sa pagkakakilanlan ng BB phone mo. Ito rin ang ginagamit sa pag-aadd ng friends mo sa BBM.

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon