Chapter 15.2 - Sweet (continuation)

1.6K 36 6
                                    

Tinungo ko na ang dinig area namin ng walang kalakas-lakas na bitbit ang aking sariling katawan. Parang pinagsakluban na ako ng langit at lupa. Ano ba naman yan. Haaayy

Pero laking gulat ko noong makita ko sa aming lamesa na nakahanda na yung mga pagkain. At lahat ng paborito ko nandoon. Yung isang box ng Choco Butternut at Butternut na galing Dunkin’ Donuts. May isang buong inihaw na manok, at siya ang star ng lahat ng pagkain. May sisig at lasagna, may eggpie, kumpleto walang iniwang paborito kong pagkain.

Hayy kahit man lang dito gumaan ng kunti yung pagkabadtrip ko. Pero nagtataka ako, sino naman ang gagawa ng ganitong paghahain. Si mama naman, naku sa sobrang pagmamadali noon sa factory ng patahian na pinagta-trabahuan niya, hindi na niya magagawa yung ganitong bagay.

Umupo ako, kung saan nakapwesto lagi si papa opposite ng pinto ng sala at hindi ko makikita kung sino ang papasok sa aming bahay. Maya-maya pa nagulat ako sa boses na aking narinig mula sa aking likuran.

“Good Morning”

Hindi ako nagkakamali, kilalang kilala ko ang boses na yun. Hindi-hindi ako maaring magkamali - siya yun!

“Gising ka na pala?”

Unti-unti akong tumayo para ikumpirma kung sino nga yung nagsasalitang nasa aking likuran at handa na ang buong pwersa ng kamao ko once na naconfirm kong siya nga yun.

Dahan-dahan akong tumalikod para makita siya. Easy lang sa una at pinipigil pa ang sarili. Pero nagulat ako sa aking nakita.

“Oh ang aga-aga nakakunot yang noo mo”

“S-Stephen”

“Bakit parang nakakita ka naman ng multo?”

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Shit! tama ako si Stephen nga at makalaglag panga ang aura niya. At sino ba naman ang hindi matatameme sa nakita mo.

May dala siyang ballons at cake na tila may birthday celebration ang event. Hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko at natulala na lang sa kakisigan ng hinayupak na to’.

“Oh titignan mo na lang ba ako dyan? Hindi mo ba ako namiss?”

Tumalikod ako mula sa kanya at nanumbalik ulit sa akin yung galit dahil sa hindi niya pagmemesage sa akin at hindi sinasabi ang dahilan kung bakit. Tumalikod ako na sinasabi ang mga litanyang...

“Ewan ko sayo”

Hinarap kong nkaupo yung mga pagkain na nasa lamesa na kahit takam na takam na akong tikman ito, ay hindi ko magawang galawin dahil sa sobrang pagkainis.

Unti-unti kong naramdaman yung paglapit ni Stephen.

“Sorry na wag ka na magalit, ayaw mo ba yung mga pagkain na inihanda ko sayo?”

“Ewan ko sayoooo”

“Ayttt wag ka na namang magalit oh plss Sorry na!”

“Okay sige”

“Tol, sorry na!”

“Oo na, Oo na. Eh ano namang pakulo to’ Stephen”

“Hindi mo ba nagustuhan?”

“Nagtataka lang ako, hindi ko naman birthday pero lahat ng pagkain na paborito ko nakahain sa lamesa.”

“Gusto kitang sorpesahin tol. Minabuti kong hindi talaga sabihin sayo na wala akong pasok ngayon. At talagang hindi kita minemessage dahil gusto kong boses ko ang marinig mo at hindi lang electronic message ang babati sayo.”

“Eh bat hindi mo sinabing nandito ka?”

“Eh di pag sinabi ko hindi na surprise! HAHA, tinatawagan kita, kaso hindi mo sinasagot, sasabihin ko sanang lumabas ka ng bahay eh. Kaso ayun, wala akong nakausap na Viktor”

“Lika nga dito namiss kita”

At noong mga oras na yun niyakap ko si Stephen. Grabe sino ba naman ang hindi kikiligin sa effort na ginawa niya. Lahat siguro ng babaeng gawan niya nun tiyak laglag ang panty at pati siguro bra dahil sa sobrang kakiligan. Haaaayyy Stephen.. Stephen.... Stephen..

“May pabaloon-baloon ka pang nalalaman at may paca-cake pa”

“HAHA eh tol, kapag bouquet of flowers ang binigay ko sayo hindi mo maapreciate. Diba paboritong paborito mo tong triple chocolate na nag-aaway pa tayo dahil inuubusan kita nito minsan”

“Salamat Stephen, I love you”

“Mas mahal naman kita Viktor. Teka-teka merun pa akong isang sorpresa sayo. Pero kailangan mong pumikit muna”

“Stephen, pag hindi ko nagustuhan yan sasapakin talaga kita.”

“Tol, basta pumikit ka”

Pumikit naman ako, at hinhintay yung hudyat na ipabuka na niya sa akin yung mga mata ko.

“Stephen ang tagal ha!”

“Sige tol, dilat ka na!”

Unti-unti kong binuka ang aking mata. Excited ako mga tsong di nyu lang alam. Hindi ko alam kung ano yung isa pang sorpesa sa akin ni Stephen. Ang lalaking ito sobra talaga akong pinapakilig haaayyy..

Malapit ko ng masilayan kung ano yung makikita ng aking mata. At agad kong nasilayan yung dalawang hawak niyang ticket.

“Ano to Stephen?”

“Basahin mo”

“Maroon 5 Concert: Live in Manila”

Nagulat at buong kagalakan ang aking naramdaman yung mabasa yun, ever since talaga favorite ko na yung maroon 5. Nasabi ko na to’ kay Stephen noong isang araw na pinag-iipunan ko talaga yung concert nila na gaganapin dito sa Pinas. Pero laking tuwa ko talaga ng makita ko yun at mabasa. Gold ticket pa yun at exclusive para sa aming dalawa talaga.

Agad kong niyakap ng mahigpit si Stephen sa sobrang saya at galak nararamdaman ko. Ang dating kabiterran na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng saya dahil sa kanya. As in sobrang saya. Hindi ko akalain to’.

At habang nakayakap ako sa kanya binanggit ko na lang ang mga pabulong na katagang...

“Thank You!”

“Basta ikaw Viktor kahit ano basta mapapasaya kita gagawin ko”

Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.

“Ikaw, wag mo akong sasanayin sa ganito baka hanap-hanapin ko”

“Mas okay nga yun Viktor eh, para pag namimiss mo ako o malungkot ka hahanapin mo to’ at babalik sa alaala mo yun at mapapangiti kita.”

“I love you, Stephen”

“I love you too Viktor”

At niyakap ko ulit siya at pinapak ang pisngi niya sa kahahalik ko.

“Tol, mauubos naman ako niyan eh HAHA”

“Pare, nagugutom na ako. Kain na muna tayo. Ako naman ang may sorpresa sayo mamaya HAHA.”

Sobra ko talagang saya dahil kay Stephen sana hindi na talaga siya umalis sa buhay ko at pag nagkataon talagang iiyak ako ng sobra.

Stephen

Stephen

Stephen

Ako na yata ang pinakaswerteng tao sa balat ng lupa.

At dahil sa sorpresa ni Stephen, may nabuong maitim na balak sa aking isipan. BWAHAHAHAHA!!

___________________________________________________

A/N: Oh Easy lang kinikilig rin ako wag kang mag-alala parehas lang tayo hahaha. VOTE VOTE din mga mahal kong readers. 

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon