Stephen’s POV
“Mr. Bautista, you’re late again”
“I’m sorry dad, I mean sir. Sir...”
“Please Mr. Bautista just take a sit, I don’t need your explanation”
Grrrr!! Nakakainis ipahiya ba naman ako ng sarili kong daddy sa harap ng mga tao sa meeting na yun. Sobra akong napahiya doon.
Shit happens! Ano bang nagyayari sa akin. Araw-araw na lang akong ganito wala na akong ibang inisip kundi si Viktor. Kaya nagkakanda-letche letche ang buhay ko.
Haayyyy bakit ba kasi ako nagkakaganito, ang alam ko lang hindi ito yung mga nakasanayan kong gawin araw-araw. Simula noong magkaroon ng gusot sa amin ni Viktor naging ganito na ako. Hindi alam ang mga ginagawa, minsan tulala, minsan wala sa sarili at ang malupit lumilipad ang isip kapag oras na ng trabaho.
Naapektuhan na pati ang trabaho ko at pati ang daddy ko nawawalan na ng tiwala sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin pero ang tanging alam ko sobra kong namimiss si Viktor. Bakit kasi hindi ko siya binigyan ng time para magpaliwanag sa akin.
Nasa meeting ako ngayon, ayun parang wala lang. Wala ako sa tamang pag-iisip para makinig sa samu’t saring problema ng kumpanya at kung anu-ano pang enhancement. Lipad ang isip ko. Wala kahit information about our company ang na-aabsorb ko.
Kailangan ko na bang kausapin si Viktor? Hayyysss
Natapos na yung meeting at hindi ko pa rin talaga alam kung saan patungo ang isip ko. Parang walang definite way to traverse. Haayy namimmiss ko na talaga siya.
Pero promise hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin sa ngayon, nasaktan ako ng sobra sa nakita ko noong kay Viktor at Grace, at sa tuwing maalala ko yun bumabalik sa aking alaala ng lahat. Ang sakit lang sobra, nagawa niya akong lokohin na ganoon. Anak ng Tofu!
Pero mali kaya tong ginagawa kong pagpapahirap sa kanya. Parehas kaming nahihirapan sa lagay na to’. Ahhhhhhh!! Ang gulo.
“Stephen, we need to talk. Please sana pumayag ka, pupunta ako sa bahay niyo after your work. Hindi ko na kaya yung mga nagyayari sa ating ganto. Please pagbigyan mo ako”
Natanggap ko tong message na to’ galing kay Viktor. Tama na siguro ang kabaliwan na ito. Pero dapat patunayan niya sa akin na hindi lang ako ang laging bigay ng bigay sana mag-effort naman siya. Pero, promise mahirap sa akin ang pang-iisnab kay Viktor. Walang araw na hindi ko siya inisip.
Haayyy ang hirap talaga ng inlove para kang mababaliw. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko kay Viktor, pero agad kong nasabi na “Okay”.
Nag-send agad yun at wala siyang response para dun. Pero, hinihintay ko talaga ang oras na to’ na mageefort siya para sa akin. Matakpan man lang ang lahat ng sakit. Pero hindi tama ang pahirapan pa siya, alam ko mahal niya ko. Hayyyss.. Pero basta...