Viktor’s POV
Isang umaga na naman ang aking kakaharapin, wala na bang katapusan.
Broken Hearted na naman ako. May hang-over pa yata ako kay Grace, Anak ng Tofu! Kung bakit ba naman kasi sa dinadami ng babaeng iibigin ko ng buo at wagas, siya pa. Tapos itatapon lang ako na parang basura.
Yung bang umasa ka na panghabang-buhay na ang kasiyahang nararamdaman mo pero yun pala panandalian lamang ang lahat. Nawala na parang bula. Umasa. Nagtiwala – pero eto luha pala ang kapalit.
Haaayyy panibagong yugto na naman.
Ako nga pala si Viktor Sanchez, at eto emo na naman sa babaeng sana’y dadalhin ko sa altar pero nagkamali ako. Siguro, yun talaga ang purpose ng buhay, ilang beses kang magkakamali at ilang beses mo ring dapat itama yung pagkakamali mo. Ilang beses kang madadapa at ilang beses ka ring dapat tumayo. Masakit – Oo, wala namang hindi masakit kapag iniwan ka ng taong mahal mo.
Yun bang itinuring mo na siya na para sayo talaga, yun bang araw-araw siya ang kapiling mo, yun bang ikaw at siya ang tanging tao sa mundo at mawawala na lamang pala siya sayo basta-basta. Haaayyyy nakakapagod talaga ang paulit-ulit na masaktan.
Pero ano pa nga ba? move-on diba. Pero ilang araw ang kaya kong itagal, siguro hindi lang araw aabutin kaya ako ng 1 year (OA!) parang mamaya maiisipan ko nang magbigti e. Haaayyy Anak ng Tofu!
Gumising na ako sa aking pagkakahiga mula sa pagkakalugmok at pagpapakasawa sa luha kagabi.Halos lahat ng dalamhati dala ng kahapon ay naibuhos ko na sa pamamagitan ng luha. Walang mangyayari kung laging ganito na lang.
Tok! Tok! Tok!
“Anak gising na, handa na ang almusal sa baba”
“Sige po susunod na ako”
May pasok pa ako, pero paano ko haharapin ang bagong hamon ng buhay. Eto na naman tayo.
Agad akong tumalima sa aking pagkakahiga, tinungo ang C.R. at saka nagshower na at nag-ayos ng sarili. Minabuti kong wala ng bakas ng mga luha sa aking mata. Ilang beses kong tinignan kung namamaga ba ang mga ito at kinuskos kong maiigi upang mapantay ng tuluyan.
Hindi na ako ng wax, hindi na rin nag-suklay, hindi na rin nag-deodorant at hindi na ginawang presentable ang sarili, eh para saan pa nga ba patungo ang buhay ko diba.
Na-stock ako sa isang babaeng sana’y aking kakasamahin habang buhay. Move-on na kasi Viktor.
Bumababa na ako ng hagdan nandun na sila mama, papa at yung kapatid kong babae, ako na lang ang kulang.
“Oh bat ganyan naman ang ayus mo?”
“Bakit Ma, may mali ba?”
“Anak walang mangyayari sayo kung gaganyanin mo sarili mo, maraming pintuan ang magbubukas at doon, doon mo makikita ang mga hinahanap mo, maghintay ka lang”
“Ma, ang aga-aga oh!”
“Oo nga naman kuya, sayang ang kagwapuhan mo! Sayang ang pagtili sayo ng mga babae sa school mo.” – pagsabat ng kapatid kong si Ana.
Kinuskuskos ko ang kanyang buhok sabay halik sa noo.
“Ito talagang kapatid ko ang lakas mambola, yaan mo hindi na kita ipagpapalit!”
“Kuya naman!”
“Oh siya tama na yan masamang pinaghihintay ang pagkain” – ang pagsingit ni Papa